// 3. I Met Him Again

26.9K 175 5
                                    

Lagi kong nasa isip ang pinag usapan namin ni Shine. Tama siya, masaya nga naman 'yung lagi kang niyayakap at hinahalikan ng asawa mo bago matulog. Kaya naman para sa'kin ay hindi totoo na hindi mabubuhay ang lalake nang walang babae. Hindi naman kasi ganun ka aggressive ang asawa ko sa sex. Hindi man niya ko laging hinahalikan, okay lang. Kaya malaki ang agwat ng anak namin dahil sobrang dalang niya talaga. Wala namang masama doon.

Isang araw naisipan kong dumaan sa library para manghiram ng books dahil allowed kaming makahiram dun kasi teacher at kilala kami. Mahilig din kasi ako magbasa ng books. May collections nga ako sa bahay eh. Pero hindi naman ako laging nagbabasa. Minsan lang pag bored ako.

So, naisipan ko dumaan sa library nang biglang may tumawag sa'kin habang tumitingin ako ng mga libro.

"Hi Miss teacher!" Bati niya at ako lang naman ang teacher kaya lumingon ako sa pamilyar na boses.

Nagulat ako dahil siya 'yung gwapo na nakita ko sa restaurant.

"Hi! Ano ang ginagawa ng isang tulad mo dito?" Tanong ko.

"Nakakapagtaka ba?"

"Hindi naman. Wala lang kasi sa itsura mo." Parang kinagalitan ko siya. Bata kasi siya.

Lumapit ako at nakita kong nagbabasa siya dun mismo sa lamesa ng library.

"Wala sa itsura ko? Pero mahilig akong magbasa kaya tambayan ko 'tong library araw araw."

"Talaga!"

"Oo, nagpupunta ka pala dito, kaya pala parang pamilyar ka sa'kin nung nagkita tayo."

"Okay! Bakit naman naisipan mo na magbasa dito? Wala ka bang books sa bahay?"

"Wala eh. Ayoko naman bumili dahil sayang, pwede naman dito bakit bibili pa?"

"Wala ka bang trabaho?"

"Naghihintay na lang akong umalis. After 5 months kasi ay pupunta na ako sa ibang bansa."

"Ah okay! Inaaliw mo na lang ang sarili mo, ganun?"

"Oo! Pero teka, ano ba ang name mo?"

Oo nga pala, miski pangalan niya hindi ko alam. Nakakaaliw kasi kausap pag pogi ang lalake kaya hindi ko namalayan na nakaupo na rin ako sa harap niya.

"I'm Mrs. Dela Cruz."

"Talagang teacher na teacher ang dating ah. By the way I'm Jade, nice meeting you on a second time around."

"Mrs. Dela Cruz na lang ang itawag mo sa'kin dahil teacher ako. Walang masama dun."

"Pormal na pormal naman. Ayaw mong tawagin kita sa pangalan mo?"

"You don't need to call me on my name. You're not my close friend."

"So I should have to make you as my close friend?"

"Sige aalis na ako." Tumayo ako.

"Buti ka pa nakakaheram dito no?"

"Baka daw kasi hindi mo isoli kaya dito ka na lang daw mag basa."

Napakamot siya sa ulo.

Nakakadala kasi siya. Hindi naman ako pala kwento or mapagbiro. Mabobored ka sa'kin kung hindi ka madaldal. Ganun ako pero itong lalake na 'to kasi. Masyado siyang hindi nahihiya or hindi lang talaga siya suplado. Pansin ko din na hindi siya seryosong tao kaya nagawa ko siyang biruin or gwapo lang siguro talaga siya na normal lang sa aming mga babae na maattract sa gwapo kahit may asawa na kami.

Unfaithful Wife [Completed]Where stories live. Discover now