// 4. Wild Favor

23.2K 172 4
                                    

Dalawang araw ang lumipas. I'm about to go to the library but baka kasi andun si Jade. Hindi naman sa ayaw ko siyang makita. Alam kasi dun na minsan lang ako magpunta. Papanindigan ko muna dahil nakakahiya kay Jade. Alam kong alam niya sa sarili niya na gwapo siya. I don't want him to think that I'm attracted.

Nag open ako ng facebook at nagulat ako dahil may nagchat sa'kin. Oh my god! Jade ang name at ang picture ay yung gwapong nakilala ko.

Jade: Hi Mrs. Dela Cruz.

Me: How did you know my name?

Jade: Ako pa. Madali lang naman. Diba kilala ka sa library?

Oo nga pala. Hindi imposible na magtanong siya, kaso bakit parang interesado naman siya sa'kin? Hindi na ako nagreply, ni hindi ko inaccept 'yung friend request niya. I'm not interested but may nakikita akong saya sa'kin nung nalaman kong inadd niya ako. Iba talaga pag gwapo ang lalake. May mga nanligaw na sa'kin kahit alam nila na may asawa na ako. Ugali na talaga ng mga lalake 'yan because of sex. 'Yun lang ang nakikita ko kaya kahit maganda ako ay hindi ko iniisip na seryoso ang mga ganung klaseng lalake. Wala nga namang mawawala kung magtry. Kaya hindi naman ako ganun kagalit sa mga lalaking mahilig manligaw. Pero itong si Jade na halatang isang pitik niya lang ay may babae na. Hindi ko maimagine na manliligaw siya sa'kin. But if it will happen, wala din naman siyang mapapala. Nabasa ko na ang mga libro na hiniram ko. Gusto ko sanang itext ang babae na kakilala ko para itanong kung andun si Jade, ayoko kasing makita siya dun. pero hindi ko na ginawa. Baka ano pa isipin nila.

Alas kwatro ko nakita si Jade doon kaya baka tanghali ay wala siya. Tanghali ako nagpunta. Nung ilalagay ko na ang books, nagulat ako dahil nakita ko si Jade na nakatalikod, nag hahanap ng babasahin. Ano ba ang libangan nito? Bakit laging andito siya sa library? Dahan dahan akong umalis para hindi niya ako makita pero parang gusto kong makita niya ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Umalis na lang ako pero pinaramdam ko sa kaniya na may tao sa likod niya.

"Hi Mrs. Dela Cruz!"

Lumingon ako. Baka isipin niya na nakita ko na siya.

"Ikaw pala 'yan. Kala ko kung sino."

Lumapit siya sa'kin tapos bumulong.

"Ma'am, siguro naman may tiwala ka sa'kin?"

"What do you mean?"

"I wanted to read this book in my house. I haven't got any money on me, mahal 'tong libro na 'to eh. Pwede bang ikaw ang humiram then I'll bring it back to you when I finish to read?"

Huh? Kinasangkapan pa ako.

"How I make sure that this book will bring back to me?"

"Sige na Mrs. Dela Cruz! Please! Alam mo ang fb account ko 'di ba? After 5 months pa ako aalis. Ibibigay ko phone number ko para tawagan mo ako pag kailangan nang isauli 'to nang hindi ko pa binabalik."

Ang mga gwapo talaga. Gawain na ang humingi ng pabor sa mga babae. Ginagamit nila ang karisma nila, but it's okay. Mukha naman siyang mapagkakatiwalaan. At bahala na, kaya ko naman bayaran ang libro if ever niloko niya ako.

"Okay, hihiram ako ng book ngayon. After 2 days kasi ako magbalik ng books dito eh. Kailangan after 2 days sa ganito ding oras ay andito ka, hindi pwedeng ikaw ang magsosoli niyan dahil para hindi tayo masita."

"Thanks!! I assure you, babasahin ko agad 'to at tutupad ako sa kasunduan."

"Sabi mo 'yan ah."

Umalis na ako at inaasahan ko na magchachat siya sa'kin kaya nag open ako ng facebook.

Hindi nga ako nagkamali.

Jade: Ma'am! We're not yet friend. Thanks Mrs. Dela Cruz. Sana hindi yun ang huli ah. Wag kang mag alala. Hindi ako ang klase ng tao na manloloko.

Hindi na ako nagreply. Actually alam na niya ang name ko pero ginagalang parin niya ako. That's nice. Hindi siya pumifeeling close. Pero I hate that guy. Ginamit niya ang kapogian niya para humingi ng pabor. Akala ko talaga sa restaurant na ang huli naming pagkikita. Napaka kuripot niya, di kotse pa naman siya. But nakita ko naman na hindi ganun kaganda ang kotse niya. Maaari ngang naglilibang na lang siya at nasa pangangalaga pa ng magulang kaya walang extrang pera.

Unfaithful Wife [Completed]Where stories live. Discover now