// 2. Dark Side

25.8K 230 4
                                    

Pagdating ng gabi ay kasama kong nanonood ng TV ang dalawang anak ko. 10 year old na ang panganay ko at 5 year old ang bunso. Ganito lagi kami, hinihintay naming dumating ang Daddy nila at matutulog na pagtapos. Tuwing linggo lang kami may time maggala at minsan ay hindi pa dahil busy ang asawa ko. Looking forward naman ako kung magkakaanak parin kami kaso bibihira na kami magsiping ng asawa ko. Hindi naman ako nagrereklamo dahil ginagalang ko ang sarili ko syempre tsaka maigi narin 'yun dahil mahirap manganak.

Nakausap ko ang kapatid kong si Shine. "Ate buti ka pa masaya no?"

"Bakit ikaw?"

"Masaya din naman."

"Why seem you're sad?"

"Naiinis kasi ako sa asawa ko eh. Aalis na naman."

Engineer kasi ang asawa niya. Hindi naman siya pwedeng sumama dahil busy din siya sa trabaho.

"Okay nga 'yun 'di ba? Mas malaki ang kita dahil lagi siyang may project."

"Paano naman ako?"

"Maghintay ka! Siguro naman every week or every month uuwi siya."

"Ate naman, parang hindi mo ramdam ang pakiramdam ng wala ang asawa mo in a longer time."

"Shine, bago ka ikasal ay alam mo ang magiging situation."

"Kaya nga, ate. Hindi ko naman kasi alam na ganun pala ang pakiramdam kapag walang asawa. Buti ka pa nga."

"Ano naman ang tingin mong advantage sa'kin?"

"Absolutely you're happy! May kayakap bago matulog, hindi naman ako adik sa sex no pero iba parin 'yung kahit hindi kami araw araw mag sex, hinahalikan at niyayakap niya ako. Alam mo 'yan ate, ikaw na lumagay sa sitwasyon ko."

Actually hindi naman ginagawa ng asawa ko ang ganun. "So ginagawa din ng asawa mo 'yun?"

Nilagyan ko ng "Din." ang tanong ko para hindi halata sa kaniya na hindi ako hinahalikan at niyayakap ng asawa ko bago matulog. Baka makahalata siya sa tanong ko. Mahirap na.

"Oo naman, kaso sabi nila ang lalake daw common yung mambabae pag hindi niya kasama ang asawa niya."

"That won't happen. Sure ako kaya 'wag ka na mag isip ng kung ano ano."

"Naisip ko lang, kung ako nga 'di ba? Nangungulila sa asawa ko. Hindi naman pwedeng manlalake ako, siya pwede dahil lalake siya at kahit malaman pa ng tao ang ginawa niya, iisipin lang nila na sex ang habol ng asawa ko kaya masakit man sa'kin, maiintindihan ng tao 'yun."

"Hindi lahat ng lalake ganun."

"Alam ko, ang akin lang, alam ko kasi na mangungulila din siya sa'kin. Ayoko naman na maghiwalay kami nang dahil tumikim siya ng iba."

"Ganiyan ba pagkakakilala mo sa mga lalake?"

"Oo dahil ganun din ako!"

"Paanong ganun ka din?"

"Hindi mabubuhay ng walang lalake. Ang tanging pinanghahawakan ko na lang ay ang kahihiyan. Pero secret lang natin 'to ate ah. Gusto ko kasi 'yung lagi akong nilalambing ng asawa ko."

"Ikaw talaga." Tumawa na lang ako.

"Kaya nga naiinis ako. Wala naman akong magawa. Natatakot lang ako na baka may lumanding babae sa asawa ko. Alam mo naman ang mga lalake 'di ba? Walang mawawala sa kanila kaya kung tayo nga na nangailangan din. What if sa mga boys pa?"

"Hindi ako ganun."

"Nasasabi mo lang 'yan dahil andiyan ang asawa mo. Paano kung mawala ang asawa mo? Or mag abroad ng ilang taon. Mangungulila ka, hindi pwedeng hindi."

"Kala mo lang 'yun."

"Kaya nga 'yung mga seaman eh. Kalimitan sa kanila na may asawang iniiwan, nanlalalake!"

"Grabe ka talaga Shine."

"Marami akong kilalang ganun but anyway hindi ko gagawin 'yun noh. Kahihiyan sa pamilya natin 'yun. Magtitiis na lang ako."

Sa totoo lang naniniwala ako sa kapatid ko. Nag titiis ako sa asawa ko na andiyan nga, busy naman at walang time na halikan man lang ako. Hindi kaya may babae ang asawa ko? Hindi pwede 'yun dahil abogado siya at alam kong wala siyang oras para diyan.

Unfaithful Wife [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora