// 9. Why did He Choose Me

20.7K 170 7
                                    

After 2 days ay hindi na ako umiwas kay Jade pero nakangiti siya ng makita ako. Nagkunwari siyang may ilalagay na book para lang makalapit sa'kin.

"Ano na naman sasabihin mo?" Tanong ko.

"Pwede ka bang ma-imbita sa bahay?"

Lumakas ang pintig ng puso ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi ako pinapatahimik ng sinabi niya sa'kin. "Just one night stand." Ayokong patulan pero naalala ko 'yung sinabi niya "Tao lang." Ano ba ang gagawin ko? Natutukso ako. Nanghihinayang kung tatanggihan ko.

"Ano naman ang gagawin ko sa inyo?"

"Wala! May ipapakita lang ako na collections."

"Books?"

"Hindi."

"Ano?"

"Basta, kailangan mong sumama. Wala tayong gagawin dun. Gusto ko lang ipakita sa'yo ang mga collections ko."

"Kung ayoko?"

"Basta kung gusto mo, iwan mo ang kotse mo sa inyo at magkita tayo. Hindi kita pinipilit. Pero mas gusto kong sumama ka."

"Parang sigurado ka sa sinasabi mo. Lakas ng tama mo."

"I'm not totally sure but I'm sure na gusto mo din 'di ba? May nagtutulak lang sa isipan mo na ayaw mo. That's okay. Hindi kita masisisi. Teacher ka at tama lang naman na huwag mo akong sundin. Pero gusto ko lang makatulong sa'yo para kahit minsan sa buhay mo ay lumigaya ka naman."

Kakainis naman. Paano naman niya nalaman lahat? Porke ba gwapo siya? Akala niya lahat ng babae kaya niyang makuha. I actually like him but laging tumatatak sa isipan ko 'yung salitang "Kahihiyan." at isa pa, yung sinabi ng kapatid ko na "Hindi niya kaya ang walang lalake." Ano kaya ang ibig sabihin nun? Tapos ang isa pa sa gumugulo sa isip ko ay 'yung "Tao lang." Alam kong nahuhulaan ni Jade ang nararamdaman ko pero kung gusto niya ng babae, bakit ako pa? Alam kong maganda ako pero hindi kasi ako ang tipo na magugustuhan ni Jade. Marami diyang iba na walang sabit, bakit ako pa? Ano 'yun nachachalenge siya? Natikman na niya lahat at 'yung katulad ko na lang ang hindi. Masiyadong malaki ang tiwala niya sa sarili.

Sinabi niya sa'kin kung saan kami magkikita pero hindi naman ako umoo. Aaminin ko na nagdadalawang isip ako, so may chance na pumayag ako pero naguguluhan ako.

Nagtext si Shine.

Ate nasan ka? May lakad ka ba?

From Shine

Reply: wala naman bakit?

Shine: wala lang. Gusto kong tumambay lang diyan sa inyo, kwentuhan. Nabobored ako eh.

Reply: Bukas nalang. Baka umalis ako eh. Hindi ako sure kung makakauwi agad ako.

Bakit ko nasabi 'yun?

Shine: okay sige ate. Tomorrow na lang.

Ilang saglit pa ay andito na ako sa meeting place namin ni Jade. Bakit ba ako pumayag? Bakit iniwan ko ang kotse ko? Bakit parang sunod sunuran ako sa kaniya?

"Sabi ko na nga ba dadating ka eh." Sabi niya at ngumiti.

"Gusto ko lang makita 'yang sinasabi mo."

"Look Sarina, paano ka na? Busy ang asawa mo. Ayaw mo namang kausapin, maigi 'yung mag enjoy ka naman paminsan minsan. I here to help you."

"Baka may makakita pa satin. Sasakay na ako."

Sumakay ako at kinakabahan. Ano ba tong pinasok ko? Ang hirap iwasan ng tukso. Bahala na.

TAO LANG AKO AT NATUTUKSO DIN.

Unfaithful Wife [Completed]Where stories live. Discover now