// 10. Another Problem

20.6K 161 4
                                    

Naiinis ako. Nagpanggap lang pala si Jade. Planado ang lahat. Hindi nagkataon lang na nakilala ko siya sa restaurant. Kilala na niya ako, hindi talaga siya mahilig sa books at ang collections niya ay silver. May nagsabi sa kaniya na busy ang asawa ko kaya wala na kaming time magsex. Sino kaya? Natatandaan ko na nakipag biruan lang ako sa mga co-teachers ko. May nagtanong kasi.

"Bakit ba hindi pa kayo umuuwi? Hapon na ah. Hinihintay na kayo ng asawa niyo. Malamig pa naman ngayon." Tanong ni sir na isang co-teacher ko pero mahilig kasi siyang mag biro.

Sumagot ako.

"Wala nang oras para diyan sir. Busy kami pareho ng asawa ko." nagtawanan sila.

Hindi ko akalain na seseryosohin nila 'yun. Sino kaya sa kanila ang kakilala ni Jade? Si sir kaya? Nahihiya ako sa sarili ko.

Jade was successfully gotten me. We had sex minutes ago. Ayoko nang maulit 'yun! Nagmamadali akong umuwi, buti wala pa ang asawa ko. Naligo agad ako at diring diri ako sa sarili ko.

BAKIT KO NAGAWA 'TO?!

Ayoko na, last na talaga at hinding hindi na mauulit. Kailangan kong makausap ang asawa ko para maayos ang problema ko sa kaniya pero 'wag muna ngayon. I was so guilty of cheating my husband! Ayoko na.

Kinuha ko ang laptop ko at binlock ko si Jade. Alam naman niya na huli na 'yun at ayoko na. Nag sisisi ako sa nagawa ko. That must be a secret. Alam kong hindi magagawa ni Jade na iblockmail ako dahil usapan na namin 'yun na una at huli na. Sinabihan ko na siyang huwag magpapakita sa'kin. Halos hindi kami nag usap ng asawa ko pag uwi niya, hindi dahil sa ayaw niya or tinatamad siyang kausap ako. Dahil nahihiya akong kausapin siya. Sobrang guilty talaga ko.

Kinabukasan ay maaga akong umuwi at dumating si Shine.

"I have a suitor?" sabi niya na kinagulat ko.

"What? Hindi mo ba sinasabi na may asawa ka na?"

"Maka react ka naman. Natural alam nila."

Inangat niya ang kamay niya na palatandaan na kasal na siya at ganun din naman ako, may wedding ring din ako na suot ko hanggang ngayon.

"Yun naman pala eh. Bakit may suitor ka pa?"

"Wala lang. Alam mo naman ang mga lalake 'di ba? Basta maganda ang babae, nagbabakasakali lagi."

Hindi ako makatingin kay Shine. Sana hindi niya ako mahalata sa kilos ko.

"Huwag na 'wag kang matutukso Shine ah. Kahit gaano pa siya kagwapo."

"Ate naman. Ano tingin mo sa'kin? Hindi naman ako hiwalay sa asawa. Alam kong malapit na akong dalawin ng asawa ko."

"Good! Baka kasi magsisi ka sa huli."

Tulad ko.

"Alam ko na ang consequences niyan. Hindi mo na kailangang sabihin."

"Bakit ba nagshare ka sa'kin na may suitor ka?"

"Para alam mo! Wala lang. Akala ko makakarelate ka eh. Maganda ka kasi, wala ka bang manliligaw?"

"Wala!"

"Okay, buti ka pa. Kami kasing magtotropa ang napapagtripan ng mga lalake."

"Iwasan mo nang makibarkada."

"Hindi pwede, ate. Marami akong nakakasalamuhang tao, tsaka ano naman ngayon kung manligaw sila? Wala silang mapapala sa'kin."

Naiinis ako sa topic namin ng kapatid ko, pareho kaming maganda at may mga manliligaw din ako, hindi ko lang inamin sa kaniya. Pa'no ko ba mailalabas ang panibago kong problema? Hindi ko na nga nailabas ang dati, may panibago na. Ang hirap ng ganito. Ayoko na talaga. Last na 'yun. I'll promise.

Unfaithful Wife [Completed]Where stories live. Discover now