// 15. Abs

17.7K 159 2
                                    

May bago akong ud sa One Shot Collections ko. RETOKE ang pamagat. Basahin niyo po. Hehe!

Sarina's POV

Walang pasok ang asawa ko at nananalangin ako na sana ay wag siyang mag yaya na lumabas kami. Nagtetext na si Jade. Gusto na niyang magkita kami.

Tinanong ko siya. "May lakad ka ba?"

"Wala naman pero kung may lakad ka, okay lang."

Nagtaka ako sa sagot niya. "May lakad ako eh. Mamaya pa ang uwi ko."

"Saan?"

"May pupuntahan lang kami ng co-teachers ko."

Hinayaan niya ako na kahit linggo ay aalis ako. Nagpunta ako kila Jade.

"Antagal mo naman." Tanong niya.

"Eh babe baka kasi magyaya ang asawa ko eh. Naisip ko na pagbigyan para hindi makahalata."

"One month na lang tayong magsasama. Magdahilan ka pag nagyaya siya."

"Alam ko 'yun, babe. Hayaan mo next time hindi ko na sasayangin ang oras natin."

Gaya nang dati ay nagsex kami. Maghapon kaming magkasama. Nasa hotel kami ngayon dahil baka may magtaka na kung bakit nagpupunta ako sa kanila. Alam ko naman na wala pang nakakakita pero maigi na 'yung sigurado. Medyo malayo ang hotel at walang makakakita sa'kin na kilala ako. Panatag na kinukutuban ako. Pero siguro naman ay walang nakakaalam nito.

Nagtext ang asawa ko.

Kamusta diyan?

Reply: Okay lang. Uuwi na ako maya maya.

Pagabi na kasi. Dapat maging masaya ako dahil pinapansin na ako ng asawa ko pero hindi ko magawa dahil kay Jade. Hindi kami lumabas ng kwarto at sinulit namin ang maghapon sa loob ng hotel.

"Masaya ka ba?" Tanong niya.

"Oo naman."

"Sabi ko naman sa'yo na dapat paminsan minsan ay mag enjoy ka."

"Kaso saglit na lang kitang makakasama, babe."

"Okay lang. Atleast pinadanas ko sa'yo ang hindi mo naranasan sa asawa mo."

Hinawakan ko ang abs niya. Ang asawa ko kasi ay puro baby fat lang hindi tulad ng kay Jade. Malayo siya sa asawa ko. Ano magagawa ko? Umiwas ako sa tukso nung una pero hindi ko maiwasan. Masyadong makulit si Jade at hindi siya katulad ng iba na pag iniwasan na ay tumitigil na.

Oras na para umuwi dahil malapit na ang gabi. Sabay kaming lumabas ni Jade sa kwarto. Pag bukas ko ng pinto ay nakita ko ang asawa ko!! Gulat na gulat ako dahil nagtaka talaga ako. Paano nalaman ng asawa ko na andito ako? Nakita kong kumuha siya ng baril at tinutok niya kay Jade!! Ano ang gagawin ko?

Unfaithful Wife [Completed]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt