// 5. Huge Sacrifice

21.3K 160 2
                                    

Nagpunta ako kila Shine dahil alam kong wala siyang kasama sa bahay. Free naman ako kaya dahil alam kong andun siya ay naisipan ko nang dumalaw.

"Kamusta, Shine?"

"Eto! Naglilibang minsan."

"Ano naman pinaglilibangan mo?"

"I asked my husband if he allows me to go out with my friends, hang out, ganun, pumayag naman but suddenly, namimiss ko parin siya."

Buti pa siya nagagawa niya ang ganun dahil may dahilan naman siya. Ako? Hindi pwede dahil kasama ko ang asawa ko.

"Sa tingin mo maganda 'yang ginagawa mo?"

"Ate naman! Huwag kang mag alala. Hindi naman araw araw tsaka hindi ako umiinom, maybe dito sa bahay, you don't have to worry."

"Alam ko, pero ayoko mang maging kontrabida sa'yo ah pero mahalay sa may asawa't anak ang naglalaboy. Mabuti sana kung may purpose. Kaso para kayong mga tambay na college student."

"I know right but everytime lang na pagtapos ng work, tambay sa mall lang naman and watching movie. Pero hindi araw araw."

"Baka lang kasi hindi mo maalagaan ang ka-isa isa mong anak."

"Ate talaga. Ikaw na mamiss mo ang asawa mo. Pero okay lang, hindi naman madalas kong ginagagawa."

"So, how's your day?"

"Tiis tiis."

"What, Tiis tiis?

"Alam mo na 'yun ate."

"Hindi ko alam ang pinupunto mo."

"Ate naman. Alam mo naman na wala si mister 'di ba? Zero ang sexlife ko ngayon."

Talaga 'tong si Shine. Ganun ba siya kahilig sa sex?

"Wag mong paikutin ang mundo mo sa sex. Hindi lang sex ang importante sa mundo."

"Nagpapaka totoo lang ako ate. Tsaka believe me, sa'yo lang ako nag oopen ng ganito. Miski sa mga ka officemate ko hindi ako nagsasalita ng ganito. Nakakahiya no!"

Bakit ako hindi makapag open sa kaniya? Tama siya na kailangan din ng babae ang sex. Pero nakakahiya naman iopen sa kaniya ang problema ko. Okay lang sana kung parehong wala ang asawa namin. Makakarelate ako, nakakarelate na nga sana ako eh kaso wala akong lakas ng loob sabihin sa kaniya.

After 2 days ay nakita ko si Jade sa library.

"Buti naman at tumupad ka." Kinagalitan ko na naman na tila guro niya ako.

"Oo naman! Masyado kasing mahaba 'yun eh. Hindi kaya sa loob ng dalawang oras lang."

"Ilang oras ka ba naglalagi dito?"

"Mga 3 hours, minsan pag hindi ko natapos, binabalikan ko na lang."

"Bakit hindi mo na lang balikan 'yung libro na 'yun? Pinahirapan mo pa ako. Ayoko nga sana munang bumalik. Dahil sa'yo kailangan ko pa tuloy na balikan ang libro."

"Maganda kasi 'yun. Ayokong mabitin." Nginitian na naman niya ako at tinaasan ng kilay. Halos matunaw ako. Hindi lang halata siguro pero baka halata niya. Nakakahiya.

"Teka muna, may girlfriend ka ba?"

"Yup!"

"Busy siya?"

"Nasa Canada siya. Siya ang pupuntahan ko after 5 months."

Ah okay pero paano ang sexlife niya? Gusto ko sanang itanong pero nakakahiya. Sabi kasi nila ay hindi makakatiis ang lalake nang walang sexlife. Lalo na't gwapo na tulad ni Jade. Wala bang babae na lumalandi sa kaniya? O matinong lalake lang siya talaga?

Medyo sumaya naman ako nang maisip ko 'yun.

"Okay!"

"Pero antagal pa eh."

Nakaupo kami sa lamesa ng hindi ko nahahalata. Balak niya yata makipag kwentuhan pa sa'kin.

"Mag tiis ka na lang. Malapit na naman."

"Ano pa ba ang magagawa ko."

"Hindi naman pwedeng mang babae ka, kawawa naman ang girlfriend mo?"

"Paano mo naman naisip ang bagay na 'yan?"

Paano nga ba?

"Wala lang. Alam mo naman ang mga lalake. Sige aalis na ako."

Umalis na ako, baka machismis pa ako. Gusto ko pa sanang makipag usap kaya naisip ko na magchat na lang sa kaniya. Wala naman akong ginagawang masama. Minsan naman nakakchat ko ang mga kaibigan ko pag tulog na ang asawa ko. Alam naman niya 'yun.

Unfaithful Wife [Completed]Where stories live. Discover now