// 7. Unexpected

22.3K 165 3
                                    

Ayoko nang magpunta sa library dahil andoon si Jade. Naiinis kasi ako eh, hindi ko maawat ang sarili ko na makipag usap sa kaniya. Isang beses paglabas ko sa school ng alas kwatro ay nakita ko siya. Nakasandal siya sa kotse niya.

Napatingin ako at binati ko siya.

"Hey! Ano ang ginagawa mo diyan?"

"Wala lang."

Umiling lang ako pero namiss ko siya ah. Dalawang araw kaming hindi nagkita at hindi ako nagrereply sa chat niya. Ayoko kasing mahalata ako ng asawa ko na gabi gabing may kachat.

"Aalis na ako." Kunwari wala akong interes sa kaniya.

"Punta ka sa library ngayon, kwentuhan lang tayo."

"Ayoko, uuwi na ako."

Buti walang tao, baka marinig nila na may nagyaya sa'kin' lalake.

"Kung ayaw mo ako na lang. Hihintayin kita."

Sumakay na ako ng kotse at nagdadalawang isip na magpunta sa library. Ewan pero hinila ako ng isipan ko na pumunta sa library. Ano kaya ang idadahilan ko? Pagpasok ko pa lang bumungad na agad siya na nakaupo sa mahabang upuan at lamesa.

"Hi!" Bati agad niya.

"May hihiramin lang ako kaya pumunta ako." Naguilty agad ako.

May hawak siyang book.

"Kala ko hindi ka pupunta."

"Nagkataon lang no."

"Kwentuhan muna tayo."

Ginagamit niya ang kagwapuhan niya. I don't like this pero nakaupo na ako. Wala naman' nakakarinig ng usapan namin.

"Ano ba ang pag uusapan natin?"

"Naisip ko lang na magtanong kung totoo ang sinabi mo sa'kin about your husband?"

"Okay lang kung ayaw mong maniwala pero hindi 'yan ang inaasahan kong pag uusapan natin."

"That means totoo nga. Kachat kita nung nakaraang gabi pero hindi mo sinagot ang tanong ko. Kaya naisip ko na matagal na siguro kayong walang sex ng asawa mo."

"Jade! Pwede ba? Aalis na ako. Ichachat na lang kita. Ayoko nang ganiyang usapan dito."

"Hindi ka nagchachat eh."

"Promise mamaya. I'll do."

"Sana nga. May sasabihin lang naman ako eh."

"Mamaya na lang 'yan. Sige na. Baka hinihintay na ako ng mga anak ko."

Umalis na ako at nangakong magchachat kami.

Okay lang naman sana 'yung topic namin kaso ayoko naman na may makaalam na nakikipag bulungan ako sa kaniya. Mas maigi na 'yung sa chat ako mag open sa kaniya. Para naman may makakausap ako sa problema ko. Maigi narin 'yun.

Unfaithful Wife [Completed]Where stories live. Discover now