Chapter 5

43.9K 1.1K 114
                                    

As she limped through the bathroom, Alyssa sobbed. Hindi lang ang kamay niya ang may bali dahil pati na rin ang kanyang mga paa ay binali ni Rocco. Sinigurado talaga nito na ilang araw siyang hindi makakapagtrabaho upang gabi-gabi ay mapagsamantalahan siya nito.

Swerte lang ng dalaga dahil hindi pa alam ng Boss ni Rocco na nandito siya at walang ginagawa kundi indahin ang sakit sa buong katawan. Swerte lang ng dalaga dahi walang salamin sa harapan niya dahil makikita niya lang kung gaano kamesirable ang kanyang mukha at katawan.

She bit her lips as she let out a painful groan. Tila binagsakan ng bulldozer ang katawan ng dalaga sa sobrang sakit nito. Napakalupit ni Rocco, walang kasing lupit ang ginawa nito sa kanya.

Her heart and soul were crying -crying for the things that happened to her. Isa lang naman siyang simple at weirdong dalagita noon na nangangarap na sana ay hindi mawasak ang kanyang pamilya ngunit anong nangyari ngayon?

Wala na ang lahat sa kanya, ilang taon na din siyang nagdudusa. Sumisikip ang puso ng dalaga sa tuwing iniisip niyang halos mabaliw na ang kanyang pamilya sa paghahanap sa kanya noon ngunit ngayon naman ay tila isa na lamang itong imposibleng panaginip na hindi na mangyayari.

Walang bagay na hindi nais ang dalaga kundi makalabas sa kulungang nilagakan sa kanya. Hindi lang ang pagkatao ni Alyssa ang sinira ng mga taong ito dahil maging ang kanyang pamilya at ang kanyang hinaharap.

She once wished to be a famous painter. Doon ay naibabahagi niya ang kanyang emosyon at damdamin sapamamagitan ng pagguhit at pagpinta. Ngunit, ang lahat ng iyon ay mananatili na lang sa nakaraan.

Ang dating lapis at pintura na hawak na pangguhit niya ngayon ay sariling dugo na. Ang dating pangarap ngayon ay unti-unti nang lumalabo sa paglipas ng panahon. Those dreams were destroyed completely and vanished into thin air.

Wala na ang mga pangarap na iyon dahil nalusaw na ang mga iyon ng takot at paghihirap. She's bleeding with bloods and tears. Pagod ang isipan, katawan at kaluluwa ng dalaga mula sa paghihirap na nararanasan niya ngayon.

Paano siya makakatakas? Paano siya makakaalis sa lugar na ito gayong halos ang pag-asang natitira para sa sarili ay gahibla na lamang. Nahirapang makaupo ang dalaga sa maduming inidoro ng kanyang palikuran at paliguan.

Walang balat sa katawan ng dalaga ang walang pasa o peklat man lang. Whoever did this to her ensured she would not be loved by others. That man left scars and bruises on both the inside and outside of the girl.

Makarinig lang si Alyssa ng kahit kaunting ingay ay napapatalon na ito sa gulat at nanginginig na ito sa takot. Ito ang mga epekto ng mga ginawa sa kanya ng mga kalalakihang narito sa Casa.

Alyssa licked her dry lips despite the fact that she had no saliva in her mouth. Napakatuyo ng labi ni Alyssa mula sa kanyang lalamunan papunta sa kanyang bibig. Walang tubig na ibinigay sa kanya bilang kanyang parusa.

Walang tubig o ni pagkain ay wala. Napasandal ang dalaga sa pader at pilit na tinatagan ang sarili upang mabuhay pa kahit papano. She's imagining events that occurred when she was a princess of her own family.

Isang prinsesang masaya, isang prinsesang positibo at walang problema ngunit ang prinsesang din iyon ay ang siyang narito, walang pag-asa at lahat ay negatibo. 

She is no longer a Princess because all that was left of her was a broken and lonely soul. While remembering everything, she laughed bitterly at herself. She wished she had spent more time with her parents.

Kung alam niya lang na ganito ang mangyayari sa kanya, sana pala ay pinili niya ang magstay nalang sa bahay nila at pinagbati ang mga magulang niya kaysa sa lumabas at maghanap ng kalinga nang walanghiya niyang nobyo.

Ruthless Men Series 4:Damien's RetributionWhere stories live. Discover now