Chapter 16

44.5K 1.2K 172
                                    

Asar na asar na si Lorenzo sa kapatid habang sina Alejandro at Hellion ay nanonood lang sa kanila at painom-inom ng beer. Ilang oras na ba silang nandito? Ilang beses na bang nagpabugbog si Lorenzo kay Damien para lang maibsan ang frustration nito?

Ilag at depensa lang ang ginagawa niya habang si Damien heto at sugod lang ng sugod. "F*ck, Damien! Ilang oras mo ba akong bubugbugin para maalis mo ang galit mo dyan sa sarili mo?" Inis na turan nito na napayuko pa sa tatamang kamao ng binata.

Napatawa at napailing lang si Alejandro at Hellion. Nag-cheers pa ang dalawa. Nasa gym sila ni Lorenzo at apat na oras nang nakikipag-sparring si Damien sa kanya. Kickboxing ang ginagawa nilang dalawa pero parang wrestling na ang ginagawa ni Damien.

Kung sino kasi ang mauunang tawagan ni Damien sa problema nito ay siyang magiging kasparring ng binata. And Lorenzo was so lucky, his brother called him first before the others.

Ang bigat-bigat ng dala-dala ni Damien sa loob niya kung hindi ba naman siya isang daang porsyentong tanga hindi bibigat nang ganito ang loob niya. Alyssa left his Estate. The others brought her at Karlos' house.

Damien saw how they brought her out of his house. Ayaw niyang pigilan ang mga ito kahit pa buong sistema na niya ang ayaw.

Ayaw niyang masabihan ng duwag, ayaw niyang masabihan ng tanga at ayaw niyang masabihan ng walang kuwenta.

Siya mismo ang nagpapahirap sa sarili niya kaya ganito ang nangyayari sa kanya. "D*mn, man!" Napaatras si Lorenzo nang tamaan ni Damien sa ilong. Sapo-sapo nito ang ilong at sinamaan ng tingin ang kapatid.

Alam niya naman na kailangan ito ni Damien pero bakit siya ang sinasaktan dito?

Kung hindi ba naman tsismoso si Leon at Jask hindi malalaman ng buong pamilya kung anong nangyayari kay Damien. Those two were walking newspaper. Kahit sino o saan man ang mga 'yon palaging may dala-dalang mainit na balita ang mga walangya.

Kung hindi lang sila may kanya-kanyang pamilya siguradong ang dalawang yon ang nagkatuluyan. They were inseparable. Kulang nalang ay idikit ng strong glue ang dalawa. The brothers decided it would be best if Damien made his own decision. It's his entire life.

Ang tanging magagawa lang nila sa binata ay tulungan ito kapag nangangailangan. Damien has its own mind. Kung makikisali pa sila sa buhay nito at sa desisyon ni Damien ay mas lalo lang gugulo.

Napatayo sina Alejandro sa kinauupuan ngunit nabapalik din ang mga ito nang makitang maayos naman si Lorenzo at bumalik agad sila sa laban. "Kung hindi lang natin kapatid 'yan, sinapak ko na siya sa pagiging tanga." Side comment ni Alejandro na tinungga pa ang baso na may beer.

Lalasingin yata sila ni Damien dahil ito ang may dala ng mga alak na ito imbis na ito ang maglasing, dadamayin pa yata sila ng kapatid. Namumula na ang mukha ni Hellion ngunit hindi pa din ito lasing. Tatlong case palang naman ang naiinom nila ni Alejandro.

Ang dalawang nasa ring ay umiinom sa tuwing nagpapahinga. Walang kahit na sino ang pinapasok sa Gym ni Lorenzo dito sa loob ng Estate niya. Alejandro, Damien and Hellion's men are outside waiting for their bosses.

"Nah, he's a fool." Iling ni Hellion na tila may alam sa kung ano ang nangyayari. Makikita sa mata nito na hindi niya nagugustuhan ang ginagawa ni Damien. Napatingin si Alejandro dito at nangunot ang noo.

"What do you mean, Zchneider?" Ngumisi lang ang lalaki at umiling habang muling uminom. "He needs to figure it out on his own; he needs to learn a lesson before we can help him." Makahulugang turan nito habang seryosong tinitignan si Damien.

Napasandal nalang si Alejandro sa sinasabi ng kapatid may alam ito at yon din ang aalamin niya. "Geez! Bakit ba kasi dinadamay mo pa kami sa problema mo? You can solve it in your own pero ikaw mismo ayaw mong solusyunan iyon!" Lorenzo fight back.

Ruthless Men Series 4:Damien's RetributionWhere stories live. Discover now