Chapter 9

41.1K 1.2K 65
                                    

Alyssa woke up disoriented at first. Nagising ang dalaga sa ikalimang araw magmula nang makasakay siya sa sasakyan ni Damien at makatakas mula sa kamay ni Rocco. Sa mga nakalipas na gabi ay sigaw nang sigaw ang dalaga habang nanaginip at binabangungot.


Salitan si Jask at Leon sa pag-aalo sa dalaga habang tulog ito. They felt connected to her just like Alyona, Erin and Heronisa. They never saw Damien entered at the guest room. Alam nilang walang pakialam ito sa ibang tao kaya sila na lamang ang nagkusa.

They even monitored news kung may nawawala bang babae para matulungan nila ang dalaga at makauwi na ito ngunit wala ni isang balita na may nawawalang babae. That's why they are coming in and out at the guest room to check the girl.

Sa ngayon ay wala ang dalawa ngunit ramdam na ramdam ni Alysaa ang mainit na bagay na nakalapat sa kanyang kamay at sa kanyang noo. Matagal na naglagi ang mga bagay na iyon sa noo at palad ni Alyssa. She felt it for too long.

"I like it." Sa loob ng limang taon, tanging lamig lamang ang naramdaman niya sa katawan kaya kakatwang gustung-gusto niya ang init na iyon. Dinama ito nang mabuti ng dalaga. She likes it. She wanted it not to leave her skin.

Gusto niyang damhin iyon hanggang makontento siya ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil nang gustung-gusto na niya ito. Bigla namang nawala ang init na iyon nang biglaan dahilan upang tuluyang magising at maimulat ni Alyssa ang mga mata.

Nang tuluyang mabuksan ang mga mata ay inadjust muna ni Alyssa ang paningin sa ilaw na nakabukas. The two never switched it off. Sa tuwing i-ooff nila ang ilaw ay doon umaatake ang bangungot ng dalaga.

Inilibot niya ang kanyang mga mata, alam niyang nasa hindi siya pamilyar na silid. Nanlaki ang mata ng dalaga at biglang napaupo ito. Napaigik pa ito nang maramdaman ang biglaang kudlit ng sakit sa binting may bali.

Sanay na siya sa sakit kaya naman hindi na niya pinansin iyon. She checked herself. May nakakabit na dextrose sa kamay niya at halos nakabenda ang buo niyang katawan pati ang ulo niya ay may benda.

May suot din siyang damit pantulog, maayos na maayos ang kanyang buhok at mukhang napaliguan siya dahil hindi siya madumi at mabaho. Maginhawang-maginhawa ang pakiramdam niya kahit pa masakit ang buo niyang katawan.

Napasapo sa ulo ang dalaga dahil sumakit ang ulo niya at nahilo siya nang biglaan. Ang sugat sa ulo nito ang rason kung bakit ganoon na lamang ang nangyayari sa dalaga at halos hindi nito magalaw ang katawan sa sobrang sakit.

She decided to lay down again eventhough she felt aware of her surroundings. She never knows what scenario might happen again. Ayaw na niyang maulit ang nangyari noon sa kanya na siyang naging dahilan upang mawalan siya nang tiwala sa ibang tao.

Hindi lahat ng mga may magagandang mukha ay mapagkakatiwalaan dahil kung sino pa ang may magandang anyo sila pa ang mas masahol sa demonyo. They were demons dressed-up with beautiful face.

Ang magtiwalang muli ay sadyang napakahirap sa dalaga. Simula ngayon ay tanging ang puso at isipan niya lamang ang pakikinggan niya. Trusting someone might ruined her again. Ilalayo niya muna ang sarili sa bagay na iyon.

Alyssa then flashback what happened to her. Napatakip siya ng bibig nang maalala ang nangyari. "I -I killed someone..." Nanginginig na sabi niya sa sarili pati ang kamay at tuhod niya ay nanginginig. Napatakip siya ng mga kamay sa mukha.

She's afraid of what will happened to her after she killed someone. Kahit sabihing self-defense yon, pagpatay pa din iyon ng tao at kasalanan iyon sa Diyos. Nakalaya man siya, uusigin siya ng konsensya niya dahil hindi siya katulad ng mga halang ang kaluluwang mga yon.

Ruthless Men Series 4:Damien's RetributionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon