Chapter 14

42.5K 1.2K 65
                                    


Alyssa was silent for days. She didn't uttered any words. Basta ba nakatulala lang siya habang pinapanood ang nasa labas ng kanyang bintana. Hindi pa din maka-move-on ang dalaga sa sinabi sa kanya ng binata.

Paulit-ulit itong nag-pe-play sa kanyang isip at pandinig. Inaamin niya naman na hindi siya kagandahan at hindi na kailangang isampal iyon sa kanyang mukha. Napalunok ang dalaga habang iniisip ang bagay na iyon.

Hindi na nga siya kagandahan, ang panget pa ng kanyang katawan. Kung nasabi nito Damien ang bagay na iyon marahil ganoon din ang nasa isipa ng iba? Ang nangyayari sa dalaga ngayon ay isang bagay na pagitan niya at ng kanyang sarili lamang.

It's Alyssa vs. Alyssa. Nilalabanan ng dalaga ang sariling insekyuridad na siyang nagpapababa sa self-esteem ng dalaga. At nanalo ang negatibong Alyssa ngayon dahil sa mga salita ng iisang tao na napakalakas nang impact ng sinabi nito sa kanya.

Alyssa felt she was slapped directly to her face and it's still stinging with pain. Ang hapdi pa din ng pagkakasabi ni Damien ng mga salita nito sa kanya kaya hanggang ngayon ay nakapagkit pa din iyon sa kanyang isipan.

The damage is still in her heart and mind. Hindi ito mabubura ng isang eraser lamang. 'Ano bang mga mali ko sa buhay na ito? Kailan matatapos ang mga sakit na ito?' Tanong niya sa kanyang sarili.

Mabuti pa ang mga ibon malaya at nagagawa ang kanilang mga gusto, siya malaya nga ngunit hindi naman masaya. Tanging si Jask, Leon, Doctor Harvey at Carmela lamang ang nag-aalala sa kanya sa mga taong iyon nakikita siya ng mga kaibigan at pamilya. Isang pitsel ng tubig at crackers lamang ang kinakain ng dalaga.

Determinado siyang 'yon lang ang kainin upang hindi tumaba. She won't let anyone mocked her again. Kahit pa sa tingin ni Alyssa ay tama itong gawin kahit na hindi nitong nakikitang halos wala na itong laman.

She didn't realized because she's too focused on how to be thin. Magmula nang malayo siya sa pamilya wala na siyang ibang natanggap kundi ang panunutya ng iba. The pain she felt is ten times stronger inside.

Mas masakit ang sakit sa loob kaysa sa labas at walang ibang nakakita noon kundi si Alyssa lamang. "Yssa, are you there?" Katok ni Carmela sa pintuan niya, hindi siya sumagot bagkus ay binuksan niya na lang ang pinto.

Ngumiti siya ng peke nang mabungaran si Carmela. Nangunot ang noo ng matandang Mayordoma. Alam niyang peke lamang ito. Alyssa covers her wrist, afraid Carmela will notice and bombard her with questions she can't answer.

"Ang kapal ng eyebags mo, hija, hindi ka ba nakakatulog nang maayos?" Nag-aalalang tanong ng matanda at nilapitan siya at inilagay ang trat ng pagkain na dala nito sa lamesa sa tabi ng kama. Nagdadala pa din siya ng pagkain kahit pa hindi naman ito ginagalaw ni Alyssa. Iginaya siya nito sa higaan at doon sila ay umupo.

Inayos nito ang kanyang buhok at hinagud-hagod. Napapikit ng mata si Alyssa at ninamnam ang sarap nang mainit nitong kamay. "Nag-aalala ako sa'yo, hindi mo kinakain ang mga pagkaing dala ko at hindi ka pa makatulog ng maayos. It's not healthy." Umiling lamang ang dalaga at nahiga.

"Sanay na ako," maikli nitong sagot sa matanda. Malalim na bumuntonghininga ang matanda at niyakap ang dalaga. Naiintindihan niya ito at hindi niya tatanungin pa kung ano ang nararamdaman nito.

"Ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa ni Damien, hija. Alam namin kung ano ang nangyari noong nakaraang araw kaya hindi ka namin pa tinanong." Tahimik lang na nakinig si Alyssa.

Hindi lang pala iisa ang nakakaalam ng pagpapahiya niya sa sarili, madami pala sila. Inayos ni Carmela ang ilang hibla ng buhok ni Alyssa at nagpatuloy sa pagsasalita. "Hindi siya dating ganoon, nagbago lang naman siya ng mawala ang kaisa-isang taong minahal siya," dagdag nito.

Ruthless Men Series 4:Damien's RetributionWhere stories live. Discover now