Chapter 15

44.2K 1.2K 51
                                    

"Call Doctor Harvey!" Sigaw ni Damien na siyang lumuhod upang hawakan ang kamay ng dalaga. Kinuha niya rin ang kumot na nasa kama at itinali iyon sa pulsuhan ni Alyssa. Panay ang mura ni Jask at Leon habang tinatawag ng isa sa mga tauhan ni Damien ang Doktor nitong Mansyon.

Damien keeps on cussing while holding the girl in his lap and while holding her wrist. Ang matandang nakadiskubre sa ginawa ng dalaga ay hindi mapakali.

Namumutla ito habang hawak ang kabilang kamay ng dalaga, lihim din itong nagdadasal na sana ay walang nangyari sa dalaga na sana ay hindi niya ito iniwan kanina na sana ay sinamahan niya ito dahil alam niyang pakiramdam nito ay nag-iisa ito.

"F*ck, Harvey is so damn slow!" Asar na sigaw ng binata at inilipat ang dalaga sa kama. Nanginginig ang kamay ng binata matapos mailipat si Alyssa sa kama. Tumayo ito at nagpalakad-lakad.

Ginulo nito ang kanyang buhok. Sinisisi nito ang sarili. Alam niyang ginawa ito ng dalaga dahil sa sinabi niya. He can't helped himself but to regret. "You are f*cking ruthless, Damien! This is your entire fault!" Kung nababawi lang ang sinabi niya sana nagawa na niya ito ngunit hindi, ang nasabi ay nasabi na.

Ang tanging magagawa nalang ng binata ay ang humingi ng tawad sa nagawa niya. Pabalik-balik ang ginawa ng binata sa kinatatayuan niya hanggang sa nainip na rin ito.

Alyssa maybe had a pulse but it doesn't mean that this is not urgent. "Ano ba ang ginagawa ni Harvey?" Napipikong turan ng binata na sana ay hahakbang na papalabas ngunit nahagip g kanyang paa ang isang bagay. Nangunot ang noo nito pero pinulot pa din niya.

Napalunok ang binata nang makitang mukha niya ang nasa harap ng unang pahina. Nanginginig ang kamay na inilipat niya ang mga pahina at halos mukha niya ang naroon. Damien was guilty.

Hindi lang guilty tila nais niyang sapakin ang sarili ng paulit-ulit at sakalin ang leeg niya. The sketches are made of her own blood. Damien knows what the smell of blood is and which is not. Hinagip ng kanyang mata ang ginamit nitong paint brush.

Nang mahanap iyon ay mas lalo lang nakumpirma ni Damien na dugo nga ito. He smelled it. Mahigpit niyang hinawakan ang dalawang bagay na ginamit ni Alyssa. These two things she used as tool for her own artwork.

Napakaganda ng mga gawa ni Alyssa ngunit nakakapanghinayang lamang na sariling dugo nito ang ginagamit para sa mga guhit nito.

"F*ck! Mukhang nasanay siyang sariling dugo ang gamit para sa mga guhit niya!" Frustrated si Leon, nasa tabi sila ni Damien nang hindi napapansin ng binata.

They were also looking at Alyssa's works. "Kumpleto ang binili ko para sa hinihingi niya, alam kong may mga pintura akong binili!" Asar na sabi ni Leon at hinila pa ang buhok nito. Nagtagis lang ang bagang ni Damien at natahimik.

Siya namang pagpasok ni Doctor Harvey na humahangos. Dala-dala nito ang mga gamit nito. Walang tanong-tanong ay nilapitan niya agad si Alyssa. Ginawa agad ni Doctor Harvey ang trabaho niya nang hindi nililingon ang mga kasama niya sa loob ng silid ni Alyssa.

Ilang beses pang bumuntonghininga si Doctor Harvey habang ginagamot ang dalaga. Nakita na niya ang pulsuhan nito pero hindi na siya nagsalita dahil ayon na rin sa kagustuhan ni Alyssa.

Nakakaawa ang dalaga kahit sabihin pa nito na hindi siya dapat na kaawaan, hindi maiiwasan iyon lalo pa at nakikisimpatya ang Doktor sa kanya. "Ayos lang ba siya, mahal?" Carmela asked beside Doctor Harvey.

Nilingon nito ang asawa at ngumiti nang pilit. "She will be okay mahal, she will." Binendahan nito ang pulsuhan ng dalaga pagkatapos ay inayos nito ang puwesto ni Alyssa.

"Linisan mo siya mahal, lalabas muna kami." Ani pa ni Doctor Harvey na nag-aalalang tinignan ang tatlong lalaki pagkatapos ay pinasunod niya ito sa kanya nang hindi alam kung susunod ba si Damien dahil alam ng matanda na hindi ito nauutusan.

Ruthless Men Series 4:Damien's RetributionWhere stories live. Discover now