Chapter 11

42.6K 1.3K 95
                                    

'I will definitely get you fat-ass! Hahabulin kita at makakaganti din ako sa'yo! Napamulat ng mata ang dalaga at napaupo sa higaan kung nasaan siya naroroon. She controlled her breathing by inhaling and exhaling slowly.

Ilang araw ay pare-parehas ang panaginip ni Alyssa. It was Rocco chasing her and killing her on her dreams. Paulit-ulit iyon na siyang palaging gumigising sa dalaga. Mabuti nalang at nagigising pa siya kaysa namang tuluyan na siyang lamunin nang bangungot na iyon.

Naupo si Alyssa sa kama. Nang magawa iyon ni Alyssa ay napahawak pa siya sa kanyang dibdib. She let out another sighed again and stared at the door. Ilang araw na ba siyang nandito?

She's still aloof to everyone except for Jask, Leon, and Doctor Harvey's family. Parehas sila ni Damien, sa tuwing nasa paligid siya ang binata na mismo ang umiiwas at umaalis ganoon din ang ginagawa niya kapag nauna ang binata sa parte ng bahay kung saan sana siya pupunta.

Ito na rin ang paraan ni Alyssa upang humingi ng tawad dito sa ginawa niyang kaguluhan noong nakaraang araw kaya nagalit ito. Hindi alam ng dalaga na may iba pang dahilan ang binata kaya inis na inis ito sa kanya na siya namang palaging ipinagtataka ni Alyssa.

Tumayo na ang dalaga mula sa kama at inayos ang silid na inookyupa niya. Ayaw niyang maging pabigat sa mga ito kaya hangga't maari ginagawa niya ang makakaya niyang mga gawain bahay.

She's also helping the maids. Lumipat din siya ng silid malapit sa Maid Quarters nang malaman niyang guest room ang tinutulugan niya at malapit lamang ito sa silid ni Damien.

Kaysa naman makita siya ng binata roon pinili niya na lamang ang silid na ito, maliit man ay komportable naman siya. Ginawa niya agad ang mga gawain ng isang babae kapag nagising. Tinalian niya ang mahabang buhok pagkatapos.

Sinuot niya din ang mga damit na ibinigay sa kanya ni Jask at Leon, ibinigay raw ito ng mga asawa nila sa kanya. Maluluwang ang mga ito pero hindi na iniisip iyon ni Alyssa lalo pa at wala siyang pagpipilian kundi tanggapin ang kung anong meron siya ngayon.

Kampante siya kay Leon at Jask, ang dalawa ang tumutulong sa kanya ngayon na hanapin kung saan naroroon ang kanyang magulang. She's grateful to them. "Magkakasama rin tayo, Mama, Papa." Bulong ni Alyssa bago lumabas sa silid niya.

Tinignan niya muna ang buong pasilyo nang sa ganoon ay malaman kung nasa tabi-tabi lang ba si Damien. Tandang-tanda niya ang sinabi nito noong isang araw na magkasalubong sila. As much as she likes his smell, she doesn't like his attitude.

Alam niyang may iba't-ibang pinagdadaanan ang mga tao pero tila pasan ni Damien ang buong mundo dahil sa kinikilos nito. She overheard him speaking coldly. Damien did not smile or laugh.

Palagi lamang nakakunot ang noo nito at minsan ay hindi pa maiguhit ang mukha. Ngunit, kahit ganoon ang inaakto ng binata nababasa naman ni Alyssa sa mga mata nito na ibang-iba ang ikinikilos nito sa totoong damdamin na nakapaloob sa mga mata ng binata.

When she saw there is no Damien's presence, she walks and went to the kitchen. Napangiti ang dalaga dahil komportableng-komportable siya kay Carmela -ang asawa ni Doktor Harvey na siyang namamahala sa buong mga kawaksi nitong Estate.

Papasok na sana siya upang batiin si Carmela ngunit narinig niya ang pag-uusap nina Leon at nila Doktor Harvey. "I'm bothered Mr. Leon, she's not eating for three days in a row. Tubig lang ang iniinom niya at palagi niyang sinasabi sa asawa ko na busog siya," anito sa dalawang lalaki na itinuturing na ni Alyssa na mga nakakatandang kapatid.

"She never touched the food I served. Akala ko wala lang siyang gana pero sabi naman ng asawa ko kailangan ni Alyssa ang kumain para bumalik ang lakas nito," pag-aalalang sabi ni Carmela habang nakatingin sa dalawang lalaki na umiinom ng kape sa harapan nilang mag-asawa.

Ruthless Men Series 4:Damien's RetributionWhere stories live. Discover now