✦ 011

536 35 57
                                    

A E Y A N ' S

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

A E Y A N ' S

Nakasimangot akong nag-aayos ng gamit ko, uwian na namin.

Pasilip-silip ako sa labas, chinecheck ko kung nandoon na ba si Jihoon. Ayokong umuwi ng kami lang dalawa, baka mamaya ma-issue pa kami jusko.

"Seulbin, tara na!"

"Anong 'tara na' ka diyan? Sasabay ka kay Jihoon diba?"

"Sshh! Wag ka namang maingay! Ayoko nga sumabay sa kanya, lalo na't kami lang dalawa."

Pilit kong hinahatak si Seulbin pero ayaw niyang umalis sa kinakatayuan niya. Napansin ko namang sinamaan niya ako ng tingin dahil sa sinabi ko.

"Gusto mong panindigan diba? Edi ayan, panindigan mo na."

Bakitba nakakatakot 'tong babaeng 'to pag nagsasalita about kay Jihoon? Parang ang laki-laki ng nagawa kong kasalanan sa kanya, amp. Sumimangot ulit ako.

"Bakit ba tinutulak mo ko kay Jihoon, nakakainis ka."

"Tinutulungan lang kita magpanggap, gaga."

Tangina naman teh. Dapat di na lang ako nag-confess! Nakakabwisit 'tong katangahan na 'to, puta.

"Nandiyan na si Jihoon.." biglang bulong sakin ni Seulbin. Huhu. Mama, ayoko!

Tinignan ko muli si Seulbin ng malungkot at saka lumabas ng room kung nasaan nakatayo si Jihoon. Mukha siyang nagtataka at naghahanap sa loob ng room, hindi ba sinabi sa kanya ni Doyoung na hindi siya magpapractice ngayon?

"Hindi umattend si Doyoung." matamlay na sabi ko. Napakamot naman siya likod ng batok niya.

"Ganon ba.. Hindi niya naman kasi sinabi sakin."

Ang awkwardnaming dalawa dito. Hindi na ako sumagot sa kanya nung sinabi niya 'yon, nakatungo lang din ako. Ayokong ipahalata sa kanya na ayokong sumabay. Nakakahiya doon sa tao.

"Eh si Seulbin? Hindi ba siya sasabay satin?"

"Ah.. May pupuntahan pa daw siya eh.".

"So, tayo lang dalawa?"

Napatingin ako sa kanya, hindi ko mabasa ang reaksiyon niya. Parang masaya na hindi. Tumango na lamang ako at umiwas ulit ng tingin.

"Ayaw mo ba? Kasi kung ayaw mo, pwede namang―"

"Hindi. Sabay na tayo." sagot ko at nagpumilit na ngumiti. Ang bait ni Jihoon. Sa sobrang bait niya, nakaka-guilty na hayaan siya mag-isang umuwi. Kaya kahit na ayoko, gugustuhin ko na lang para sa kanya..

TWEEDLE TWINS 'ʲⁱʰᵒᵒⁿ 'ᵈᵒʸᵒᵘⁿᵍWhere stories live. Discover now