✧ 050

452 25 37
                                    

SEULBIN'S

Naglalakad na ako ngayon palabas ng school. Nakakapagod 'tong araw na 'to, emotionally and physically. Parang andami na nangyari simula last 2 weeks. Iba ang dinulot samin ng pagkakamaling nagawa ni Aeyan.

Nakatungo akonv naglalakad, hinang-hina sa buhay. Gusto ko na matapos lahat ng 'to. Gusto ko na lang bumalik sa dati, buti pa noon kahit hindi kami napapansin ng mga crush namin tahimik ang buhay. Tanging schoolworks lang ang pinoproblema.

Ngayon, dumagdag pa 'to.

Naglagay nanaman ako ng earphones sa tenga ko, malamang sa tenga ko ilalagay 'yon, earphones eh. Pero walang music ulit syempre. Feeling ko kasi may nakasunod sa akin..

Gusto ko lang marinig kung hanggang saan niya ako balak sundan.

6:01 pm.

6:16 pm. Sinusundan pa din niya ako. Malapit na ako sa street namin shete. Baka mamaya stalker 'to, malaman pa kung saan ako nakatira!

Pero ayoko lumingon. Katakot, baka mamaya multo lang pala 'yon na naririnig ko.

Nasa street na ako namin pero may nakasunod pa din, jusko ano ba naman 'to. Crush ba ako nito o ano? Baka mamaya, inaakala niyang ako si Sihyeon ah. My gosh, andami pa namang stalker non!

Tumigil ako sa paglalakad at tumigil din naman 'to. Maglalakas loob na ako. Nasa tapat ng bahay namin naman din kami.

"Yah, bakit―" napatigil agad ako sa pagsasalita ng makita ko kung sino 'yon.

Ang lungkot ng mukha niya at medyo nakatungo din siya.

"Jihoon.."

"Ano bang.. Problema mo sakin, Seulbin?" biglang imik niya.

Hindi siya tumitingin sa mga mata ko. Nagtaka din naman ako bigla ng dahil sa tinanong niya. Problema ko sa kanya? Wala naman.. Baka siya, may problema sakin.

"Jihoon. Umuwi ka na.. Magpahinga ka na sa inyo, sobrang tamlay mo tignan―"

"Bakit ka ba nanggugulo sa buhay ko?!"

Tangina?

"Ikaw.. Ikaw at ang kapatid mo! Pinlano niyo 'to diba? Pinlano niyo kong paikutin diba?!"

Ang lakas ng sigaw niya, nakatingin lang ako sa mga mata niya. Puro galit, at lungkot.. Ano bang ginawa ko sa kanyang masama? At si Sihyeon.. Anong meron sa kanila?

Bigla niya akong nilapitan at hinawakan sa magkabilang braso. Hindi mahigpit ang hawak niya at sobrang light lang, pero walang tigil sa pagpatak ang mga luha niya habang nakatingin sakin.

"Sabihin mo sa mukha ko, Seulbin. Bakit niyo 'to ginagawa sakin?.."

"..Ako ang nasaktan ng kapatid mo, pero bakit parang ako pa din ang pinaglalaruan niyo ngayon?"

"J-Jihoon, hindi kita maintindihan.. Anong nasaktan ka ng kapatid ko? Ano bang ginawa niya sayo? At.. At bakit ako?"

TWEEDLE TWINS 'ʲⁱʰᵒᵒⁿ 'ᵈᵒʸᵒᵘⁿᵍTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon