❪ JIHOON'S ❫
⋯
Nasa bench nanaman ako, nakaupo, nag-iisip.
"Sorry.." pumasok na si Seulbin sa bahay nila. Natira kami sa labas ni Sihyeon, masama siyang nakatingin sa akin.
"Alam kong malaki ang galit mo sa akin, Jihoon. Pero wag na wag mong idadamay ang kapatid ko sa issue na meron tayo."
"Ikaw ang nagsimula ng lahat ng 'to. At ano ngayon? Kapatid mo naman ang magtutuloy? At sinong paglalaruan niyo? Kaming tatlo nina Doyoung at Aeyan?"
"Ano bang mga pinagsasasabi mo? Gusto ka ng kapatid ko at wala akong kinalaman sa lahat ng mga nangyayari sa inyo ngayon."
"Sa tingin mo ba maniniwala pa ako sayo?"
"Ah.. Oo nga pala, naging sarado na ang utak mo.."
"..Hindi ko inaakalang magiging ganito ka dahil sa nasaktan kita. Dapat pala pinalayo ko na lang ng tuluyan sayo si Seulbin."
"Hindi na gagana sakin 'yang mga sinasabi mo. Hindi na ako makikinig sayo, Sihyeon."
"May sinabi ba akong makinig ka sakin?.."
"..Ngayon pa lang sinasabi ko na sayo, Jihoon. Kung sinayang kita noon.."
"..Mas sinasayang mo ang kapatid ko ngayon."
Binalewala ko lahat ng mga sinabi ni Sihyeon. Pero lahat ng 'yon ay totoo.. Ano bang pinaggagawa ko?
Siguro, tama nga si Doyoung.
Siguro, hindi pa nga ako nakakamove-on sa lahat lalo na kay Sihyeon. Nandito pa din yung galit, yung lungkot, yung takot na maiwan ulit. 2 years ago na ang mga nangyari, pero ako pa din ang taong nasaktan noon. Hindi ako nagbago, hindi ko nagawang magpatawad.
Kaya pati mga taong nasa paligid ko, naapektuhan.
Lalo na si Seulbin.
Nagkamali ako sa kanya. Hinusgahan ko agad siya dahil lang nalaman kong kapatid niya si Sihyeon. Nainis ako ng bahagya sa kanya dahil kamukha niya yung taong nanakita sakin. Kahit wala siyang ginagawa sakin, napansin ko pa din siya.
Pero inisipan ko agad siya ng masama.
I'm sorry, Seulbin..
I'm really sorry.. Masyado akong pinangunahan ng emosyon ko. Dapat hindi ko sinabi o ginawa sayo 'yon. Lalo na't gusto mo pala ako..
Siguro pinagsisihan niya ngayon na nagustuhan niya ako.
Kung ako din naman ang nasa posisyon niya, hindi ko pipiliin ang sarili ko pagkatapos ng mga ginawa ko sa kanya.
Pero bakit hindi niya sinabi agad? Bakit siya nagtiis? Bakit niya pa ginawa lahat ng 'yon para lang sakin?
She's too good for me. And I'm too bad for her.
Totoo ang sinabi ni Doyoung, nagsayang lang siya ng oras sakin. At sinayang ko naman siya.
Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko mula sa bulsa ng patalon ko. Kinuha ko 'yon at tinignan ang notification.
[1] Messenger. Ha Aeyan sent you a message.
⋯
1:19 pm
Aeyan
mag-usap tayo, jihoon.Seen 1:20 pm
Aeyan
ayaw mo man o hindi, kailangan
natin mag-usap.Aeyan
gusto ko na 'to mataposAeyan
ayoko ng lokohin ka paAeyan
si doyoung ang totoo kong
gustoAeyan
si seulbin ang nagkakagusto
sayo, hindi ako.Jihoon
alam koJihoon
sige, usap tayo mamayang
uwian.Jihoon
dito na lang tayo magkita sa
likod ng schoolJihoon
nasa isa sa mga bench lang
ako mamayaAeyan
okAeyan
thank you.Jihoon
aeyanJihoon
may gusto lang akong
tanunginAeyan
ano 'yon?Jihoon
bakit tinulungan mo ako ng
mga panahon na malungkot
ako?Jihoon
at pano mo nalaman ang
sitwasyon ko noon?Jihoon
hindi naman tayo magkakilalaAeyan
jihoon..Aeyan
sasabihin ko mamaya sayoJihoon
ok..lapit na matapos pero
parang ang bilis ng mga
nangyayari AHAHAHAHA
BINABASA MO ANG
TWEEDLE TWINS 'ʲⁱʰᵒᵒⁿ 'ᵈᵒʸᵒᵘⁿᵍ
Short Story"The confession you gave me was a mistake. Hindi 'yon para sa akin. At hindi din ako ang para sayo." ✦ She made a love letter for the one she truly likes but gave it instead to someone who looks like him. ✎ DoHoon × Reader. ᝰ ✧ Park Jihoon. And Kim ...