✧ 024

508 38 76
                                    

A E Y A N ' S

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

A E Y A N ' S

Mabilis akong naglalakad sa hallway, kung makikita mo ako ngayon, masasabi mong para akong sundalo maglakad. Nakasimangot pa, oh ang pangit diba. Tss, bwisit kasi.

Malapit na ako sa cafeteria pero unti-unti akong napa-bagal sa paglalakad.

Para akong tanga dito, ano ako? Jowa ni Doyoung na huhulihin siya nakikipagharutan sa best friend ko? Amp.

Kinalma ko ang sarili at inisip kung pupunta pa ba ako sa cafeteria o hindi na. Kaso kailangan kasi walang kasabay si Jihoon mag-lunch.

Tumuloy ako, pero agad kumunot ang noo ko pagkapasok.

"Masyadong close." bulong ko habang masamang nakatingin sa dalawa. Ramdam ko namang may humawak sa wrist ko. Jihoon..

"Ang cute nila diba?" bulong niya din, ramdam na ramdam ko yung hangin sa tenga ko. Ramdam ko din yung baba niya sa taas ng balikat ko. Masyado ding close.

"O-Oo nga.." mailang na sabi ko habang dumidistansya sa kanya. Jusko, napasang-ayon pa ako ng di oras dahil kay Jihoon.

"Tara, doon tayo." anyaya niya sakin at mahinang hinila ako sa table nila. Nandoon si Yedam na nag-phophone lang at naka-earphones. Kasama din niya si Asahi na tahimik na nagddrawing. Napatingin silang dalawa ng dumating kami ni Jihoon.

Tinapik ni Yedam si Asahi, nag-ayos naman ng mga gamit 'to. Aalis na ba sila? Wag muna, ayokong mag-isa nanaman kaming dalawa ni Jihoon dito.

"Jihoon hyung, iwan na namin kayo diyan ah." pagpapaalam ni Yedam, tatango na sana si Jihoon kaso biglang may tumulak kay Asahi para mapa-upo ulit siya.

"Ayusin mo muna yung drone." seryosong sabi ni Jaehyuk sa kanya habang hinarangan ang isang side ni Asahi at ang kabilang kamay naman ay may hawak na tray. Siningkitan niya ito ng mata at lumapit pa kay Asahi, para akong nanonood ng gay romance dahil sa ginagawa nila AHAHAHA!

Nakatingala lang sa kanya si Asahi, ang cute amp. Nagulat naman ako ng may biglang bumatok kay Jaehyuk, shit, muntik niya na mahalikan si Asahi AHAHAHAHAHAHA BWISET.

Napapikit tuloy si Asahi, ang cute talaga.

"Harot-harot talaga, hyung." sabi ni Junghwan dito.

So bale nandito na silang lahat except kay Haruto, Mashiho, Junkyu, Yoshinori at Doyoung. Malamang wala dito si Doyoung kasi nandon siya sa isang table, kasama si Seulbin..

Nagtatawanan lang kami nung una, hanggang sa mapunta na yung topic kay Doyoung. Pasilip-silip din ako sa kabilang table, parang focused na sila ngayon magsagot.

"Hindi ko pa nakikita si Doyoung magkagusto sa isang babae."

"Ako din."

Napatingin ako kayna Hyunsuk. Same, pag-iisip ko. Hindi ko pa din nakikita si Doyoung manuyo ng kung sinong babae. Kaya siguro nagawa ko din itago sa kanya after ilang taon yung nararamdaman ko, kasi alam kong wala siyang ibang gusto.

"Pero ngayon ko lang nakita si Doyoung na maging close sa isang babae."

Natigilan ako ng bahagya. Ngayon lang.. At kay Seulbin pa.

"Parang nagiging bet ko na si Seulbin noona para kay Doyoung hyung." imik ni Jeongwoo.

"Ang bakla mo nanaman Jeongwoo."

"Heh."

"Tignan mo kasi, baliktad silang dalawa ni Seulbin noona. Si noona, parang may pagka-seryoso kahit na maingay tapos focused sa pag-aaral. Si hyung naman, maloko tsaka mapang-asar pero lowkey lang tapos mas kina-career ang pagsasayaw kesa sa pag-aaral. Opposite attracts."

"Sa bagay, fit nila ang isa't isa kung ganon."

Napatulala na ako ng tuluyan. Halos parehas kami ni Doyoung, ibig sabihin ba non hindi kami mag-fifit para sa isa't isa? Bwisit na paniniwala 'yan Jeongwoo.

Napatingin ulit kaming lahat kayna Doyoung. Parang tinuturuan na ata ni Seulbin si Doyoung ng hindi ko alam na subject. Tango lang ng tango si Doyoung sa kanya, sulat din lang siya ng sulat habang abala sa pagsasalita si Seulbin.

"Oooh.. Smooth." sabay-sabay na sabi ng mga kasama kong lalaki dahil sa nakita nilang ginawa ni Doyoung kay Seulbin.

Biglang siningit ni Doyoung sa likod ng tenga ni Seulbin ang buhok nito. Pinalo lang siya ni Seulbin ng malakas at agad na tinawanan lang ni Doyoung 'yon. Sobrang napasimangot ako sa mga nangyayari.

Kung hindi lang sana ako nagkamali, baka ako ang nasa pwesto ni Seulbin ngayon.

Kasalanan ko pa din pala..

"Shit, ship ko na 'tong dalawang 'to!" pang-aasar ni Junghwan, ay hindi, ako lang pala yung naasar sa sinabi niya.

"Hoy bata, shit ka diyan." saway ni Hyunsuk.

"Napakinggan ko lang sa pag-didiss rap mo, hyung hehe."

"Aba, ako pa sinisi?"

"Akala ko ba tigil ka na sa diss rap mo ha, Hyunsuk?"

"Asan ang 'hyung' Bang Yedam?"

"Hanapin mo."

"Hindi din." napatigil sila sa pagsasagutan ng magsalita si Jihoon, nakatingin kayna Seulbin. Napatingin kaming lahat sa kanya.

"Hm? Anong 'hindi din'?"

"Hindi din sila bagay."

"Luh. Bitter mo, porket lumalablayp na best friend mo eh."

"Nope. Hindi nga. Doyoung deserves better."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, so ano? Hindi ba 'better' si Seulbin? Aba, best friend ko 'yan baka di niya alam. Awayin ko siya dito eh.

"Seulbin is better, pero pakiramdam ko may iba pang babagayan si Seulbin kesa kay Doyoung."

Napaisip ako dahil sa sinabi niya, parang ganon na din ang iba. Di ko maintindihan, sino ba sa tingin niya ang ibang babagayan ni Seulbin except kay Doyoung? Minsan di ko din alam tumatakbo sa isip ng lalaking 'to eh.

"Tsk tsk. Iniisip mo nanaman 'yon, Jihoon." biglang sabi ni Yedam. Parang na-gets agad ng iba ang tinutukoy ni Yedam sa sinabi niya.

Pero ako, di ko gets. Anong meron?

ang haba amp,, sorry ;-;

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ang haba amp,, sorry ;-;

TWEEDLE TWINS 'ʲⁱʰᵒᵒⁿ 'ᵈᵒʸᵒᵘⁿᵍWhere stories live. Discover now