✦ 029

470 30 16
                                    

S E U L B I N ' S

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

S E U L B I N ' S

Nasa harap ko na ngayon si Aeyan, katabi at katawanan niya ang lalaking matagal ko ng ginusto. Nakatingin lang ako sa kanila ng may malungkot na ngiti sa mukha.

Tama pa ba 'tong ginagawa ko?

Pinipilit ko yung kaibigan ko sa taong gusto ko para lang hindi masaktan ang isa sa kanila, kahit na alam ko namang gusto din si Aeyan ng taong totoo niyang gusto.

Sabi ko para sa kanilang dalawa 'to, pero bakit puro nagiging para kay Jihoon lang ang lahat?

But they look happy together.

Totoo ang tawa at ngiti na pinapakita ni Aeyan sa harap ni Jihoon. They look like a happy couple, habang ako, thrid wheel sa likod.

Kahit na isama ko pa sa tabi ko si Doyoung ngayon, I'll still be just an extra sa kanilang tatlo. This is just a love triangle, my feelings will always be invisible.

After all, one-sided lang naman ako dito. Hindi masusuklian ang kung ano mang nararamdaman ko para sa isa sa kanila.

Kahit na si Doyoung pa ang magustuhan ko, ganon pa din, si Aeyan pa din ang gusto niya.

Napatungo na lang ako sa mga iniisip ko. Overthinker amp. Nakakainis maging ganito.

Nakakainis panoorin na lang ang taong gusto ko na maging masaya sa iba.. Alam kong mali pero hindi ko mapigilan. How I wish I'm the person he's laughing with.

"Aeyan. Thank you." kasabay nito ang paghawak ni Jihoon sa wrist ni Aeyan bago tuluyan siyang pumasok sa loob ng gate nila.

"Hm? Para naman saan?"

"Para sa lahat.. Para sa pag-papagaan ng loob ko nung mga panahong down na down ako."

"Anong.. Sinasabi mo?"

Nginitian lang siya ni Jihoon at.. Niyakap.

"Dahil sa mga sinabi mo noon, naging malakas ulit ang loob ko. Thank you talaga." dagdag niya pa.

Tinapik-tapik ni Aeyan ang likod nito, at agad na humiwalay. Mukha nanaman siyang naiilang, halatang-halata sa mukha niya kahit na nakangiti pa din siya.

"S-Sige na, Jihoon.. Seulbin, chat ka sakin kapag nakauwi ka na ha. Ingat kayo parehas pauwi.." mailang na paalam samin ni Aeyan. Pasimple niya akong tinignan, kumaway na lang ako sa kanya.

Natira na lang kaming dalawa ni Jihoon sa daanan. Naka-una na ako sa kanya ngayon, hindi ko alam kung ano na bang nangyayari sa kanya sa likod ko. Ayoko naman siyang lingunin, baka sabihin lagi ko siyang tinitignan.

Nagsaksak na lang ako ng earphones sa parehas na tenga ko. Pero syempre, walang music para rinig ko man kung tatawagin niya ako.

Sobrang tahimik lang namin dalawa habang naglalakad. Hindi ko nga alam kung nasa likod ko pa siya eh. Narating na namin ang street kung saan magkalapit lang ang mga bahay namin. Imagine, four years na kaming magkapitbahay pero never pa kaming nag-uusap.

Bigla akong nakaramdam ng presensya na malapit sakin, lilingunin ko na sana ito ng biglang tinanggal niya ang isang earphone ko. Dahilan para tuluyan akong humarap sa kanya.

Hinawakan niya lang 'yon sa ere at parang pinag-aaralan ang mukha ko. Seryoso lang ang mukha niya pero napansin kong kumunot ang noo niya sakin.

"Doon ka ba nakatira?" tanong niya sakin habang nakaturo sa bahay namin.

"H-Ha? Ah.. Oo.. Bakit?"

Hindi niya ako sinagot, tumingin lang siya sa bahay namin. Ang weird, anong meron?

"Sige, pasok ka na." sabi niya habang nakangiti sakin. His smile, it was beautiful. It was so genuine. Ngumiti na lang din ako sa kanya.

"Bye.." paalam ko habang naglalakad papalayo sa kanya at papalapit sa bahay namin. Kumaway naman siya sakin.

Bago tuluyang pumasok ng gate namin, nilingon ko ulit siya at kumaway.

I'll never forget that smile. And this time.

Thank you, Jihoon..

Thank you, Jihoon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
TWEEDLE TWINS 'ʲⁱʰᵒᵒⁿ 'ᵈᵒʸᵒᵘⁿᵍWhere stories live. Discover now