✧ 036

467 29 47
                                    

AEYAN 'S

Nagkita na kami ni Jihoon dito sa ice cream parlor shop na sinabi ko. Kaso parang lutang ata 'tong kasama ko at kanina pa hindi nagsasalita. Ang tipid niya din naman sumagot sa mga tanong ko, gusto kong magtanong kung may problema ba kaso parang nakakailang.

"Jihoon." tawag ko. Nakatulala nanaman siya, ano ba problema nito?

"Park Jihoon."

"Hm?"

"Anong gusto mong bilhin? Kanina pa tayo dito nakaupo." sabi ko, bigla naman siyang napatingin sa paligid niya.

"Ay.. Ahaha, halika dun tayo sa may cashier." anyaya niya naman, agad akong sumunod.

"Anong gusto mo diyan?"

"Uhm.. Hindi ko alam, siguro ikaw.." sagot niya.

Napatingin agad ako sakanya, ayan nanaman siya sa mga hirit niya.

"..Joke AHAHAHA!"

Kahit ako napatawa na lang dahil sa sinabi niya. Grabe tawang-tawa ata siya sa ginawa niya, smile na smile eh. Cute.

Pero Doyoung pa din hays.

"Ano mga gusto mo? Ako, gusto ko yung double dutch."

"Ay, hindi mo ko gusto?" pagtatanong niya, tumingin ulit ako sa kanya. Hindi.

Hindi ko masagot yung tinanong niya sakin, ayoko naman kasing magsinungaling nanaman ulit. Napansin niya atang natahimik ako ng sandali, naging awkward nanaman kami. Tumayo siya ng maayos at nagtanong na lang ulit.

"Kung anong sayo, 'yun na lang din yung akin." imik niya at saka ngumiti sa akin. Ningitian ko na lang din siya pabalik.

"Sige."

Bumalik naman siya sa table namin kanina, sinundan ko siya ng tingin habang papunta siya doon. Grabe, wala talagang balak magbayad.

Pagkaupo sa table ay ningitian niya lang ako at nag-hand gesture ng 'thank you'. Amp ka Jihoon, pasimpleng takas ang ginawa.

Habang kumakain ay nagtatawanan at nagkekwentuhan lang kami ni Jihoon. Eto ang pinaka nagustuhan ko kapag kasama siya, hindi ko naiisip na nagkukunwari lang ako. Kahit papaano, natural pa din ako umasta pag kasama siya.

Kaya sana kapag sinabi ko na ang totoo sa kanya, maging magkaibigan pa din kami kahit papaano.

At sana masabi ko pa sa kanya ang totoo..

"Nga pala, bakit tulala ka kanina?" pagtatanong ko sa kanya.

"Ah.. Wala, nagkasagutan lang kami ni Doyoung kaninang umaga."

Doyoung.

"B-bakit naman? Ayos na ba kayong dalawa ngayon?"

Napatingin siya sakin ng malungkot pagkatanong ko non at napangiti ng pilit. Hindi ko maintindihan.. Bakit ganyan ang reaksyon niya? Seryoso ba yung naging sagutan nila ni Doyoung?

"Tinanong ko lang naman kung nanliligaw siya kay Seulbin tapos ayon, parang ayaw niya sabihin sakin."

"Si Doyoung.. Nanliligaw kay Seulbin?"

TWEEDLE TWINS 'ʲⁱʰᵒᵒⁿ 'ᵈᵒʸᵒᵘⁿᵍWhere stories live. Discover now