✧ 052

447 36 51
                                    

DOYOUNG'S

"Class, another announcement nga pala before tayo mag-dismiss. We will be having our camping in Japan 2 weeks from now, so prepare well for it."

"Oo naman Miss! Shet, akala ko lokohan lang yung camping natin sa Japan."

"Yes! Makakapaghanap na din ako ng bago kong crush!"

"Remember, it's for the camping nating YG S.K. sa YG Japan. Sa ibang bansa pa talaga kayo maghahanap ng crush, class dismissed."

"Hehe."

Pagkaalis ng teacher namin ay agad akong nagligpit ng gamit ko, balak ko kasing puntahan si Aeyan sa room niya. Sabay sana kami mag-lunch hehe.

Nakangiti akong naglalakad sa hallway. Grabe kinikilig ako na ewan, pupuntahan ko lang naman si Aeyan hshshshs. Sabi na nga ba tama ang mga assumptions namin ni Yedam hyung eh, gusto niya din ako. Buti na lang talaga at totoo huhu.

Napatigil ako sa paglalakad ng may napansin akong presensya mula sa damuhan sa likod ng school namin. May nakaupo na lalaki sa isa sa mga bench, kamukha ng likod ni Jihoon.

Agad akong bumaba at saka siya pinuntahan. Busy daw, tss. Ang sabihin niya, busy sa kakaupo dito.

"Jihoon?" tawag ko, napalingon naman kaagad siya sakin.

"Bakit nandito ka? Tara, sabay tayo mag-lunch." anyaya ko, hindi niya ako sinagot at saka tumalikod ulit sa akin.

Ang sungit ha.

"Jihoon. Sabay-sabay na tayo nina Aeyan kumain, may sasabihin kami sayo."

"Hindi natin kailangan mag-usap. At wala kayong kailangan i-explain sa akin."

Alam na ba niya? Paano..

"May alam ka? Kailan pa?"

"Nahalata ko si Aeyan una pa lang, at narinig ko kayong nag-uusap ni Seulbin nung isang araw." seryoso na sagot niya.

Galit na ata siya sa amin.. Naiintindihan ko naman kung bakit, pero hindi ko naman intensyon na sirain sila ni Aeyan. Ako lang din naman ang gumawa ng paraan para malaman naming dalawa ang totoo..

"Jihoon, I'm sorry.. Hindi naman ako umamin kay Aeyan para masira kayo, gusto ko lang din sabihin kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya.."

Tumayo siya bigla pagkatapos ng sinabi ko. Naglakad siya papunta sa direksyon ko at nilagpasan ako ng hindi tinitignan. Agad ko siyang hinawakan sa braso at pinigilan, tatakas ka nanaman..

"Pakinggan mo naman ang mga sasabihin ni Aeyan.."

"Para saan pa? Parehas lang din naman kayo ng sasabihin. Aaminin niyo lang din naman sakin na pagkakamali lang ang lahat, na kasinungalingan lang ang mga nangyari.."

Humarap siya sa akin at saka ako tinignan sa mata. Pulang-pula yung mga mata niya, halatang naiiyak na din siya.. I'm sorry.

"Sasabihin niyo lang din naman sa akin na gusto niyo ang isa't isa at wala lang ako."

Naaawa ako kay Jihoon. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa, baka masapak ako eh..

"Hoon―"

"Tama na, Doyoung." pagpuputol niya sa akin, kasabay nito ang pagtanggal niya sa kamay ko na nakahawak pa din sa braso niya.

"Nagsinungaling si Aeyan, dapat panindigan niya hanggang sa huli ang lahat ng mga sinabi at ginawa niya sa akin."

TWEEDLE TWINS 'ʲⁱʰᵒᵒⁿ 'ᵈᵒʸᵒᵘⁿᵍWhere stories live. Discover now