✧ 045

440 30 15
                                    

DOYOUNG'S

"Woy, sabay ulit tayo umuwi." sabi ko kay Seulbin.

Kailangan ko siya ngayon, kailangan ko marinig kung ano ba sa tingin niya ang dapat kong gawin. Aamin pa ba ako kay Aeyan o hindi na?

"Sige."

Nandito lang kami sa mga bench ng school. Hindi ko alam kung paano sisimulan, nakakainis naman kasi si Yedam hyung. Napaisip tuloy akong umamin kay Aeyan ng wala sa oras.

Hindi naman na ako umaasa, pero tama din ang sinabi ni Yedam hyung. Hindi ako makakapagmove-on kay Aeyan hangga't hindi ko nasasabi yung totoong nararamdaman ko sa kanya.

"Akala ko ba uuwi na tayo? Bakit andito pa tayo?"

"May.. Itatanong kasi ako sayo."

"Ano 'yon?"

"Tungkol kay Aeyan."

"Hm? Anong tungkol sa kanya?"

"Sa tingin mo ba, ayos lang na umamin pa ako sa kanya ngayon?"

"Aamin.. Ka?"

"Oo.. Naisip ko lang kasi na, mas maganda ng umamin sa kanya bago ko siya tuluyang hayaan kay Jihoon.."

"..Lagi pa din akong magkakaroon ng pake kay Aeyan hangga't hindi ko sinasabi sa kanya ang totoo. At ayoko naman mangyari 'yon, lalo na kapag naging sila na ng kaibigan ko."

Natahimik kaming parehas ng ilang saglit, siguro napaisip din 'tong kasama ko. Sorry, dagdag pa ako sa mga isipin mo haha.

"H-Hindi ko alam, Doyoung.."

"..Ikaw, kung ano ang gusto mo.." nag-aalangan na sagot sakin ni Seulbin.

Napabuga ako ng hangin. Ang gusto ko? Gusto ko talaga sabihin kay Aeyan kung ano yung nararamadaman ko pero ayoko din kasi baka magkagulo lang ang lahat.

"Pero sana.. Kung ano man ang maging desisyon mo, sana hindi mo pagsisihan."

"Sana nga, haha."

"Best luck para sayo, Doyoung-ah." ngiting sabi sakin ni Seulbin habang tinatapik ang likod ko.

"Tara na, madilim na din oh." anyaya ko.

Agad din kaming tumayo parehas at umalis.

JIHOON'S

No. Hindi pwede.

Bakit hindi niya sinabi sakin? Bakit hindi ko alam? Kung hindi ko pa narinig, hindi ko pa malalaman. Ano ba naman 'to Doyoung?

Tapos ngayon, aamin ka pa kay Aeyan?

Tangina.

Ako pala talaga ang talo dito.

Ako pala talaga ang talo dito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
TWEEDLE TWINS 'ʲⁱʰᵒᵒⁿ 'ᵈᵒʸᵒᵘⁿᵍWhere stories live. Discover now