✧ Epilouge. 1st Part.

586 23 57
                                    

AEYAN'S

Kakadating lang namin dito sa Japan, sa YG University Japan to be specific. Grabe ang ganda ng campus nila dito, ang aesthetic amp.

Pakiramdam ko tuloy nasa loob kami ng animè AHAHAHA Feel na feel ko yung buong lugar eh, kala mo naman talaga.

"Hoy, tama na picture." saway sakin ni Seulbin.

"Heh." imik ko lang sa kanya at saka nagpatuloy magpicture.

Grabe, ang ganda-ganda talaga dito.

"Ok, students. Please proceed to your camping sites, we will be starting our camping at exactly 10 pm. Pwede pa din naman kayong matulog ngayon since kailangang gising kayo mamayang 10 pm hanggang 5 am bukas.."

"..Are we clear, YGU Korea?"

"Yes ma'am!" sagot naming lahat sa leader namin.

"Also, kung aalis kayo ng campus, siguraduhin niyo lang na makakabalik kayo on-time. Dahil kung hindi, magiging bawas 'yon sa deportment niyo for this quarter." dagdag pa niya.

Agad kong hinila si Seulbin at naglibot-libot sa loob ng campus. Nagpipicture pa din ako hehe. Eto namang kasama ko, puro cellphone ang ginagawa tsk. Di niya ba na-appreciate lahat ng 'to? Sa bagay, mayaman nga pala 'tong mga 'to, bakasyunan na lang nila ang Japan.

"Shet, tignan mo Seulbin oh!" tawag ko sa kanya at saka tinuro yung mga coy fish na nasa fountain nila dito sa loob. Ang cute shemay!

"Wow, ang ganda." oh diba, kahit siya na-amaze. Only in Japan lang talaga hays.

So nandito kami sa fountain, naki-picture na din si Seulbin kasi nga na-amaze na kami parehas doon sa fountain nilang puno ng coy fish. Pagkatapos noon ay naglakad-lakad pa kami, hanggang sa makaabot kami sa isang part ng campus kung saan andaming cherry blossoms. Kaya ayun, picture-picture ulit kami AHAHAHAHA.

Tinitignan namin parehas ni Seulbin yung mga pictures na tinake namin parehas habang naglalakad pabalik na sa camping sites namin. Tama na daw ang picture pero tignan mo, parang mas madami pa siyang nakuhanan kesa sakin tsk tsk.

"Ganda ah." biglang singit ng isang boses sa likod namin. Ang pogi naman, ay, kaya naman pala..

Si Doyoung kasi hshs.

"Parehas tayo ng camping site diba?" tanong ni Seulbin kay Doyoung, tumango naman ito.

Sana all parehas ng camping site hays.

Sabay-sabay na kaming tatlo na pumunta sa camping site, umupo muna si Doyoung doon sa camping site ko. Habang si Seulbin, inaayos yung gamit niya sa camping site nila. Di naman sila ganon kalayo mula sakin, tanaw ko pa din naman sila mula dito.

"Uy, iwan ko na muna kayong dalawa diyan ah. Bibili lang akong pagkain sa labas." paalam samin ni Seulbin. Kumaway kami parehas ni Doyoung sa kanya bago siya tuluyang umalis.

Ngayon, kami na lang dalawa ang nandito. Ewan ko ba, di ko din alam kung saan pumunta yung mga kaklase ko. Baka naglibot-libot na din dito.

Inopen ko ang cellphone ko at saka tinignan ng paulit-ulit yung mga pictures. Ang gaganda talaga, di ako magsasawang tignan 'to.

Patuloy lang ako sa pag-tingin sa mga 'yon hanggang sa maramdaman ko ng nakatingin sa akin si Doyoung.. Hindi ko maiwasang hindi tumingin sa kanya ng sandali.

TWEEDLE TWINS 'ʲⁱʰᵒᵒⁿ 'ᵈᵒʸᵒᵘⁿᵍTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon