✧ 055

445 22 34
                                    

AEYAN'S

"Sigurado kang ayaw mo sumama samin?"

"Kayo na lang, nakapag-usap na kami ni Jihoon."

"Edi alam na niya?"

"Oo. Matagal na."

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Doyoung. Panong matagal ng alam ni Jihoon ang lahat? Edi ano 'yon, nakikisakay lang siya sa mga ginagawa ko ganon?

"Basta, sabihin mo na lang sa kanya yung mga gusto mong sabihin." tumango na lang ako sa sinabi ni Doyoung.

Nandito kami sa may mga locker, sinamahan na ako ni Doyoung. Si Seulbin kasi di pa din nagpaparamdam, ano kaya nangyari sa babaeng 'yon. Dapat dalawa kaming haharap kay Jihoon since parehas lang kaming nagkamali. Pero ewan, mukhang may dinadamdam din yung babaeng 'yon. Ayoko naman pilitin na sabihin niya sakin, baka magalit pa.

Naalis ang pagkasandal ni Doyoung sa tabi ng locker ko at bigla siyang nagpaalam sakin.

"Una na ako. Chat ka na lang sakin kapag kailangan mo ko." sabi niya sakin at saka ginulo ang buhok ko na parang aso, hays. Tinignan ko lang siya habang naglalakad papalayo, akala ko ba sasamahan niya ako papunta kay Jihoon eh bat ako iniwan?

Napalingon ako sa likod ko, nandiyan na pala siya.. Sobrang pale ng mukha niya, parang walang kabuhay-buhay.

"Aeyan." rinig kong bulong niya. Ngumiti lang ako ng pilit.

"Tara."

Nandito kami sa isang bench, sa likod ulit ng school. Nakaupo kaming dalawa, ang tahimik namin. Hindi ko alam kung paano ba sisimulan 'tong usapan namin. Alam niya naman na kasi..

"Ano pa bang sasabihin mo?" biglang tanong niya. Sa wakas, nagsalita na din.

"Alam ko na ang lahat, Aeyan. Dati pa. Di mi na kailangan mag-explain sakin."

"Gusto ko lang humingi ng sorry.. Alam kong mali pero ginawa ko pa din. I'm really sorry, Jihoon."

Nakatingin lang ako sa kanya ngayon, nakatungo naman siya at nakatingin lang sa mga kamay niya. Hindi na siya umimik. Tumahimik nanaman kami parehas.

Maiintindihan ko naman kung igagaya niya ako doon sa dati niyang nililigawan. Pero sana dumating din ang panahon na mapatawad niya ako, kami ni Seulbin, sa lahat ng mga nagawa naming mali sa kanya.

"Mauuna na ako, Jihoon.. Ingat ka sa pag-uwi―"

"Hindi ko maintindihan ang lahat, Aeyan." sa pag-imik niyang 'yon ay tumingin siya sakin ng diretsa.

Nakita ko ang mga luha sa mga mata niya. Shit, I'm so sorry..

"Bakit.. Bakit mo ginawa 'yon dati kung hindi mo naman pala ako gusto?" pagtatanong niya. Dati?

"Yung Park Jihoon na kinausap mo 2 years ago.. Ako 'yon. Ako yung may aso na profile picture. Ako yung nanligaw kay Sihyeon noon. Ako yung minessage mo ng bigla-biglaan. Ako yung hindi mo kakilala pero cinomfort mo.."

"..Ako yung nagkagusto sayo dahil sa ginawa mo."

Jusko, bakit ba lalong gumugulo 'to?

Bakit kasi..

"Ngayon, sabihin mo sakin, bakit mo ako kinausap at pano mo nalaman yung tungkol sa amin ni Sihyeon ng mga panahong 'yon?"

"Gusto niya lang naman tumulong.." bulong ko.

"Ano?"

Ok, isang bagong explanation nanaman ang gagawin ko dito.

"Hindi ako ang nag-message sayo ng mga panahon na 'yon, Jihoon. Ginamit niya lang ang account ko.."

"..Gusto niya lang naman kasi tulungan ka na malimutan si Sihyeon kahit papaano. Alam niyang hindi magiging madali para sayo kasi nakita niya lahat ng mga binibigay mo kay Sihyeon kaya ayun, minessage ka niya kaso account ko yung ginamit niya."

Natulala si Jihoon sa mga sinabi ko, alam kong hindi niya ma-poprocess agad sa utak niya, dalawang taon ba naman siya nag-akala na ako yung nag-send sa kanya lahat ng mga messages na 'yon. 'Yun pa ang naging dahilan para magustuhan niya ako tapos di pala totoo.

"S-Sino bang tinutukoy mo? Sinong nag-message sakin?"

"Si Seulbin."

Hehe. Kasalanan niya nanaman, joke hshshs.

"Seul..Bin?"

Kung tulala siya kanina, lutang naman siya ngayon. Bakit ba ganito 'to? Parang mas nalungkot siya nungmalaman niyang si Seulbin ang nasa likod ng lahat eh. Ayaw niya ba kay Seulbin? Kamukha din naman 'yon ng dati niyang nililigawan, magpapaka-choosy pa ba siya?

"Uhm.. Jihoon? Ayos ka lang ba? Sorry talaga sa lahat.. Ako na din ang magsosorry para kay Seulbin, hindi naman namin ineexpect na magiging ganito. Kung alam lang namin, edi sana pinigilan ko na lang siya sa pag-memessage sayo at paggamit sa account ko."

Hindi siya nagsasalita, nakatulala lang siya sa hangin. Tumayo na ako at pumunta sa harap niya.

"Jihoon, I'm sorry pero si Doyoung.. Si Doyoung talaga ang gusto ko simula't simula pa lang. At kung nagustuhan mo ako dahil sa mga inakala mong ginawa kong pag-memessage sayo noon.. Then, malamang kay Seulbin ka nagkagusto, hindi sa akin. 'Yun lang, see you bukas.." huli kong sabi at saka umalis.

Umalis ako ng walang kaalam-alam kung naintindihan niya pa ba yung mga last na sinabi ko.

Habang naglalakad ay napatingin ako sa mga ulap. Grabe, hindi ko inakalang aabot sa ganito ang lahat. Mula sa mga messages ni Seulbin para kay Jihoon, hanggang sa love letter na dapat ibibigay ko kay Doyoung pero nahulog ko sa bag ni Jihoon.

Andaming nangyari, pero salamat na din at nagkaaminan na kaming lahat. At least, alam na namin kung ano ang totoo.

At sana hindi na ulit kami makulong sa mga kasinungalingan na ginawa namin, at sa mga tinatago naming mga damdamin.

At sana hindi na ulit kami makulong sa mga kasinungalingan na ginawa namin, at sa mga tinatago naming mga damdamin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

grabe, ang daldal ko.

TWEEDLE TWINS 'ʲⁱʰᵒᵒⁿ 'ᵈᵒʸᵒᵘⁿᵍTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon