"Is this supposed to hurt or what?"
Kanina pa nagrereklamo si Hiro habang nakadapa roon sa nilatag na foam sa sahig ng bahay at walang suot pantaas. Nagpamasahe kasi sila Mama kaya napagtripan pa si Hiro at pati siya dinamay. Nakaupo ako sa sofa at tinatawanan siya.
"Aw," reklamo niya ulit nang durog-durugin noong matandang lalaki 'yong likod niya.
Kumakain ako ng popcorn habang pinapanood siyang maghirap doon. Si Mama umalis saglit para magtrabaho kaya naiwan kami nila Tita. Si Tita ay naglilinis ng bakuran.
"Diinan n'yo pa po. 'Yong hardcore," sabi ko sa nanghihilot.
"That's not funny." Umirap si Hiro habang nakapatong ang baba sa palad. "Ah!"
Tumawa ulit ako habang pinaparusahan siya roon. Vinideo-han ko pa siya para may pang-blackmail ako kaya noong natapos siya, todo kuha siya sa cellphone ko para i-delete 'yon.
"Magluluto na po kayo, Tita?" tanong ni Hiro sa Tita ko nang pumasok sa kusina.
Binayaran ko muna 'yong manghihilot bago ako sumunod sa kanila sa kusina. Kumuha ako ng baso ng tubig at pasimpleng nakinig sa usapan nila.
"Oo, halika, tuturuan kita ng bagong putahe." Tuwang-tuwa si Tita kay Hiro.
Ilang araw na siyang nandito simula noong umuwi kami mula Palawan at bawat araw, tumutulong siya sa pagluluto dahil gusto raw niya matuto.
"Ano pong favorite ni Yanna?" mahinang tanong niya pero narinig ko naman.
"Si Yanna? Sinigang na bangus," sagot ni Tita.
"I want to learn how to cook that." Tumango si Hiro at desidido pa ang mukha.
Napangiti ako habang umiinom sa baso at nilapag 'yon sa lababo bago pumuntang sofa. Hinayaan ko muna sila roon mag-cooking lesson at nanood na lang ako ng TV. Bukas, babalik na ulit kaming Manila ni Hiro dahil may gagawin daw sila sa school, at ako naman ay mag e-enroll ng 2nd sem.
Napatingin ako sa pinto nang marinig ko si Mama sa gate, inaabangan ang pagpasok niya. Napataas ang kilay ko nang may kasama na naman siyang lalaki papasok ng bahay at may dala-dala siyang mga mamahaling paperbag. Napalingon din si Hiro mula sa kusina.
"Si Yanna, anak ko. Yanna, si Tito Raymond," pagpapakilala ni Mama nang makita ako sa sofa.
"Hi." Nilahad ng matandang lalaki ang kamay niya sa 'kin at ngumiti.
Mukha siyang mas matanda kay Mama ngunit may hitsura at maganda ang tindig. Pagkatingin ko sa relong suot, alam ko na kaagad na mayaman ang lalaki. Naka-corporate attire pa siya.
Tumayo ako at kinuha ang kamay niya, walang reaksyon sa mukha. Lumaki ang ngiti niya at hindi na binitawan ang kamay ko. Agad kumunot ang noo ko at sapilitang binawi 'yon.
BINABASA MO ANG
Safe Skies, Archer (University Series #2)
RomanceUniversity Series #2 Hiro, a student pilot from DLSU, was very clear with his number one goal in life. It was to study in the best flying school in Florida. However, he agreed to have a no strings attached relationship with Yanna from FEU Tourism, t...