20

3.1M 83.1K 276K
                                    


"Who's that?" 


Sa sobrang panic ko ay nababa ko kaagad ang tawag ng anak ko at gulat na lumingon kay Hiro na nakatayo hindi kalayuan sa 'kin. Hindi ko tuloy alam kung narinig o nakita niya si Avi dahil sa distansya niya sa 'kin.


"U-uh..." Hindi ako makapagsalita at tumingin ulit sa phone ko.


Kinuha niya 'yon at saglit na tiningnan. Nang makitang nagva-vibrate 'yon ay binalik na ulit sa 'kin. 


"Sam's calling," he simply said. 


Hindi ako makapagsalita at dali-daling umalis para pumasok sa may C.R. Doon ko sinagot ang tawag ni Avrielle sa 'kin. Nakanguso siya ngayon at masama ang tingin sa 'kin dahil binabaan ko siya ng tawag. 


"I'm sorry, I panicked, anak." I sighed. "I was with my co-workers." 


"Okay, I'll call later." She smiled. "Love you, Mommy." 


"I love you," sabi ko at binaba niya na kaagad ang tawag. 


Napabuntong-hininga ako at tinignan ang sarili ko sa salamin. Nanlamig at namutla ako roon, ah! Napa-retouch tuloy ako ng makeup ko bago ako lumabas ng C.R. Nakita ko si Hiro na nakaupo sa may bench, hinihintay ako. 


"Are you done?" he asked and stood up. 


Tumango ako at hindi nagsalita dahil nangunguna pa rin ang kaba dahil sa nangyari kanina. Naglakad ako papuntang food court dahil doon kami magkikita-kita nina Kyla. Pagdating namin ay naroon na sila, nakaupo, at nagkekwentuhan. Parang mga walang jetlag. 


"Nandito na si Yanna!" Kumaway si Kyla sa 'kin at napatingin sa likod ko. "At si Cap?" 


"Nagkasalubong lang kami sa labas," agad na depensa ko. 


"Ah..." Tumango si Kyla at inaya na 'ko umupo. "Kumusta? May nabili ka ba, Cap?" 


Umiling lang si Hiro at tumabi na roon kay Dylan. May pinagbubulungan silang dalawa ngayon na hindi ko marinig. Umupo ako sa tabi ni Brianna na parang tangang nakangiti mag-isa habang nakatingin sa 'kin.


"Bakit?" nagtatakang tanong ko. 


"Wala lang." She giggled again. 


Dumating na rin ang service namin kaya bumalik na rin kami kaagad sa hotel. Dahil sa jetlag, dinalaw ako ng antok at natulog kaagad kahit hindi pa naman gabi. Nagising tuloy ako nang madaling-araw at ang flight ay 7 AM ng umaga kaya hindi na 'ko natulog. 


Nagpalit ako ng leggings, shirt, at jacket para mag-gym saglit sa baba. Mabuti na lang at bukas 'yon nang 24 hours kaya pwede akong magpalipas muna ng oras doon. Napatigil ako nang pagkalabas ko mismo ng hotel room ay nakasandal si Hiro sa may pader ng hallway, may kausap sa phone. 

Safe Skies, Archer (University Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon