25

3.8M 95.7K 154K
                                    


"Cap, Yanna, nandyan na 'yong service."


Lumingon ako kay Kyla at inagaw ang braso ko mula sa pagkakahawak ni Hiro. Hindi niya inalis ang tingin sa 'kin at saglit pang nanatili sa kinatatayuan niya habang ako ay naglalakad na palabas ng airport.


Tumabi ako kay Kyla sa likod, kabado, at gusto nang maiyak. Sumunod si Hiro at sumakay roon sa harapan, malayo sa 'kin. Hindi ako makatingin sa kanya at tahimik lang siya buong byahe papuntang hotel. 


Parang gusto kong bumagal muna ang oras para makapaghanda sa lahat ng sasabihin ko kay Hiro. I owed him a lot. An apology, an explanation, the truth. Hindi ko napaghandaan 'to sa tagal kong pinagpaplanuhan na sabihin sa kanya.


Siguro nga kahit kailan, hindi ako magiging handa. Wala pala talagang right timing. Lahat ng 'yom, ginagawa ko lang sa utak ko para magbigay ng dahilan sa sarili na huwag sabihin. Gusto ko lang talagang patagalin. 


"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Kyla sa 'kin nang mapansin ang hitsura ko. 


Tumango ako at hindi nagsalita. Nang huminto ang van sa tapat ng hotel ay parang ayaw kong bumaba. Alam kong hindi papalagpasin ni Hiro ang araw na 'to nang hindi ako nakakausap. Hindi siya tanga. Alam kong may namumuo nang impormasyon sa utak niya dahil sa sinabi ng anak ko. 


Ka-roommate ko si Kyla at katabi ng kwarto namin ang kina Hiro. Pagkapasok namin sa hotel room namin ay sumunod si Hiro. Nagulat si Kyla at tumingin sa kanya, hindi pa nabababa ang mga gamit. 


"Cap!" gulat na sabi ni Kyla. 


"U-uh, Kyla..." Lumingon ako sa kanya. "Mag-uusap lang kami." 


Pinabalik-balik niya ang tingin sa 'min ni Hiro bago siya tumango at dahan-dahang lumabas ng hotel room. Binitawan ko ang maleta ko at nilagay sa gilid, umaaktong abala sa pag-aayos ng gamit. Hindi ko pa nga natatanggal ang heels ko. 


"Could you please stop doing that?" narinig ko ang galit na boses ni Hiro.


Dahan-dahan kong binitawan ang bag ko at huminga nang malalim bago lumingon sa kanya. Matapang ko siyang hinarap, ngunit nanghina rin nang makita ko sa mga mata niya ang galit, pagtataka, at kalungkutan. 


"Tanungin mo na 'ko." I tried not to stutter. I was ready... or I was just pretending to be all along. Heto na 'yon, eh. Ito na ang pagkakataon kong aminin sa kanya lahat pagkatapos kong itago nang ilang taon. Paniguradong marami siyang gustong sabihin. Ako rin naman. 


Matagal niya 'kong tinitigan at kinuyom ang nanginginig na kamao. I knew he was trying to fight the sudden burst of extreme emotions that he had inside him. I bit my lower lip and stared at him with fearful eyes. 


"Is she my child?" nahihirapang tanong niya sa akin. His eyes were hopeful that I would say yes. 


Parang may kumirot sa dibdib ko at nahirapan akong huminga. I looked away, trying to stop myself from crying with that one question. Hiro's eyes shined with tears too as he waited for me to talk. I knew he was on the verge of crying and breaking down. 

Safe Skies, Archer (University Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon