27

4.1M 90.7K 349K
                                    


"Mag-shopping kami bukas, Yammers! Sama ka ba?" 


Maga pa ang mata ko nang bumalik ako sa hotel room namin ni Kyla. Umiwas na lang ako ng tingin at tumalikod sa kanya habang tinatanggal ang scarf para hindi niya makita ang mukha ko. 


"Hindi, eh. Iba ang alis namin ni Avi," mahinang sabi ko. 


"Ah, oo nga! Enjoy kayo! Si Cap kaya? Tanungin ko nga!" 


Humarap ako sa kanya para pigilan siya dahil alam ko naman ang sagot. Hiro will probably hang out with Avrielle and I tomorrow. He promised her to see Rapunzel! Panigurado, pupunta kaming Disneyland bukas.


"K-kasama namin siya," nahihirapang sagot ko.


Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Kyla pero nawala rin nang takpan ang bibig sa gulat. Hindi ako nagsalita at tinalikuran na ulit siya para kuhanin ang twalya sa may cabinet. 


"S-sige, Yanna! Enjoy kayo!" Hindi na siya nagtanong pa pero pakiramdam kong may tumatakbo na sa utak niya. 


Pagka-shower ko ay natulog na rin ako kaagad dahil masakit ang mga mata kakaiyak. Naglagay na lang ako ng eyemask para hindi mamugto kinabukasan. Ayaw ko namang magmukhang pagod bukas at malaki ang eyebags! 


Kinabukasan, maaga akong gumising dahil ang sabi ni Hiro, maaga raw kami aalis. Hindi ko alam kung gaano kaaga pero kinuha ko na ang isusuot ko at umakyat na sa hotel room nila Sam. Hindi ko na ginising pa si Kyla at iniwan ko na lang siyang tulog doon. 


Kumatok ako at pinagbuksan naman ako kaagad ni Sam. Nagsusuot na siya ng hikaw ngayon dahil may maaga raw siyang meeting kasama ang isang Japanese designer. Naabutan ko si Avrielle na nakaupo na naman sa sahig at nanonood ng Disney movie sa laptop ni Sam. Naka-pajamas pa at gulo-gulo ang buhok. 


"Kumain na 'to?" tanong ko kay Sam. 


"Oo, nag-cereal na siya," sagot ni Sam at pumasok na ulit ng kwarto, masyadong abala dahil aalis din siya ngayong araw. 


"Avi, ligo na..." Lumapit ako sa kanya para dalhin siya sa banyo. 


"Mommy, I'm watching." Ngumuso siya at hindi inalis ang tingin doon sa laptop. 


"Avi, ilang beses mo nang napanood 'yan. Shower na, baby, dali." 


Hinawakan ko ang kamay niya at sinubukang hatakin siya patayo pero matigas ang ulo at nagpabigat pa! Kaunti na lang ay kaladkarin ko siya sa sahig ng hotel room. Nakanguso pa siya at nagpapaawa sa akin. 


"Hay nako, Avrielle, ha." Humalukipkip ako at binitawan siya. "Daddy will get mad if we're late." 


She immediately stood up and ran towards the bathroom, giggling. Napasapo ako sa noo ko bago kinuha ang towel niya at sumunod sa kanya sa banyo. Good thing the hotel had a bathtub. Hindi ako mahihirapan dito kay Avrielle. 

Safe Skies, Archer (University Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon