18

2.8M 79.3K 202K
                                    


"Do you want anything else?" 


Napakunot ang noo ko kay Hiro habang naglilibot ako sa store at naghahanap pa ng mapapasalubong kay Avrielle. Hawak-hawak niya sa isang kamay niya ang Rapunzel doll at sinusundan ako habang nagtitingin ako. Kinakabahan tuloy ako sa kanya, e. 


I looked at the some cute headbands Avi might like. I picked two, one with some pink and white flowers, and the other one with a cute crown. Binigay ko 'yon kay Hiro at tinalikuran na siya kaagad, tinatago ang ngisi. 


Tustusan mo ang anak mo, aba! 


Sa tagal niyang nawala, kulang pa ang gagastusin niya sa mga binibili ko ngayon para kay Avi kaysa sa mga ginastos ko sa pangangailangan ng anak ko sa loob ng halos limang taon. 


Kumuha pa 'ko ng isang stuff toy ni Olaf at inabot ulit kay Hiro. Wala siyang sinasabi at tinatanggap lang lahat ng binibigay ko, tahimik at hindi nagrereklamo. Alam ko namang hindi siya mauubusan ng pera. Hindi naman para sa 'kin ang mga 'yon kaya hindi ako nahihiya. Para 'yon sa anak niya! 


"'Yan lang. Thank you." I gave him a fake smile. 


"Alright," he casually said and walked towards the cashier. 


I was smiling while he was paying, pinag-iisipan na ang sasabihin ko kay Avi kapag inabot ko ang mga pasalubong na 'yon. Hindi ko matatanggi na paminsan-minsan, lalo na tuwing may nakikita siyang mga pamilya sa daan, tinatanong niya kung bakit may kulang sa aming dalawa. She would look for her father and ask about him from time-to-time. Ang sinasabi ko lang ay sasagutin ko siya kapag lumaki na siya, that was why she would always drink milk everyday, believing that she would grow faster when she drank milk.


I know that I can't hide the kid forever. Avrielle needed to meet her father, pero hahanap muna ako ng tyempo. Natatakot ako sa reaksyon ni Hiro at natatakot akong baka tanggihan niya si Avi. Kapag nangyari 'yon, hinding-hindi na 'ko magpapakita sa kanya. Hindi ko kayang masaktan si Avi nang ganoon. 


Marami tuloy siyang dala paglabas namin ng store. Hinihintay na pala kami nila Kyla roon kaya naman pinauna ko si Hiro para hindi kami magsabay. 


"Ang tagal mo naman, Yanna!" reklamo ni Kyla. "Ang haba na ng pila sa Journey! Ay, Cap! Nag-shopping ka 'ata, ah?" 


Hindi sumagot si Hiro at ngumiti lang nang bahagya, hawak-hawak 'yong paperbag. Naglakad na rin kami kaagad para makasakay sa mga gustong sakyan nitong si Kyla. Mabuti na lang at walang matanda dahil nagpaiwan na naman ang purser namin. Mas gusto 'ata niyang maglibot mag-isa kaysa makasama kaming mga mas bata sa kanya. Sa kakulitan ba naman ni Kyla, mapapagod lang 'yon. 


Pumila kami at sumakay sa dalawang ride. Mahahaba ang pila kaya naman paniguradong kakaunti lang ang masasakyan namin. Minalas pa 'ko sa pang-huling ride bago kami kumain dahil tigda-dalawa lang ang upuan. Magkatabi pa si Kyla at Brianna. 


"Okay ka lang ba mag-isa, Miss Fernandez?" tanong ni Caleb na hindi alam kung saan uupo. 

Safe Skies, Archer (University Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon