KABANATA 6

14.8K 453 25
                                    

[Adara]

MANHID na nga yata ako sa dami ng mga hindi magagandang nangyari sa buhay ko mula Sorsogon hanggang dito sa Maynila. Akala ko ay makapag-uumipisa na akong muli sa buhay kong nawalan ng patutunguhan, pero heto na naman at sinusundan ako ng naging puno't dulo ng lahat ng sakit na dinanas ko.

"Eli James Almendras!"

"Yes, my love?"

Lumingon siya at sinubuan ko siya nitong baon niyang lunch. Dito kami sa science garden nagtatanghalian dahil bukod sa medyo tago ito ay magandang tumambay dito kahit bawal.

"Bukas sa cafeteria ka na kumain ng luinch ha," sabi ko habang para akong nanay na pinapakain siya.

"Why? Ayaw mo 'kong kasabay?" nakangusong sagot niya habang ngumunguya.

"Siyempre, gusto. Kaso baka mapansin ng barkada mo na lagi ka na lang hindi sumasabay sa kanila. Di kaya naghihinala na sila kung saan ka nagpupunta?"

Kumunot ang kaniyang noo. "Ano naman? Alam naman nilang ikaw ang kasama ko."

"Alam nga nila kasi mag-best friend tayo. Pero baka maghinala na sila na you know, may something."

Kumurba ang magkabilang dulo ng kaniyang labi. "Matagal na silang naghihinala. Di mo alam?"

Nanlaki ang mga mata ko at hinampas siya sa braso. "At talagang taas noo mo pang sinasabi sa'kin 'yan?!"

"Oo naman! Sobrang proud ako sa girlfriend ko. Gusto kong ipagmayabang sa lahat na akin ka, Adara." Hinaplos niya ang aking buhok at hinalikan ako sa noo.

Hindi ko napigilang mapabuntonghininga. "Sorry, Eli. Sorry I didn't come from a well-off family."

Sumeryeso ang kaniyang mukha. "I don't care. Mahal kita kung sino ka at hindi kung sino ang pamilya mo. Tandaan mo 'yan."

Muli na namang bumalik ang kaba ko sa kaniyang pamilya. Siguradong hindi hahayaan ng mga Almendras na sa isang hampaslupang babae iibig ang unico hijo nila. Especially Elisse. Lalo akong kasusuklaman n'on.

"Paano kung... paghiwalayin nila tayo?" Mataman niya akong tinitigan. Hinila niya ako sa braso at pinaupo sa kaniyang kandungan.

Naramdaman ko ang mabilis at malakas na pagkabog ng kaniyang dibdib sa aking likuran. Humigpit ang yakap ng kaniyang mga brasong nakapulupot sa akin.

"Basta't kahit ano'ng mangyari, lagi mong tatandaan na tunay ang pagmamahal ko sa'yo."

At 'yon ang pinanghawakan ko. Na kahit nagtagumpay silang paghiwalayin kami ay alam ko sa puso ko na minahal niya 'ko nang totoo.

I looked at his arms around me. Parang namayat siya at mas naging maputla ang kulay ng kaniyang balat. Hinawakan ko ang kaniyang mukha na nakapatong sa aking balikat.

"Siguro hindi ito ang tamang panahon para sa'ting dalawa. Malay mo sa next life natin, pareho na tayo ng estado sa buhay," pabiro kong sabi kahit na parang my kutsilyong unti-unting bumabaon sa dibdib ko. Naramdaman ko ang sunod-sunod na pagpatak ng kaniyang mga luha sa balikat ko. Napakasakit makitang nasasaktan ang taong mahal mo pero wala kang magawa.

"Mahal na mahal kita, Adara."

Alam ko, Eli.

Humarap ako sa kaniya at hinawakan ko ang kaniyang mga kamay.

"Kung tayo talaga sa huli, magtiwala tayo sa kagustuhan ng Diyos. Alam niya kung ano ang makabubuti sa atin. At sa ngayon, kailangan nating sumunod sa kagustuhan Niya. Go back to Sorsogon, Eli. Magpatuloy ka sa buhay mo nang wala ako."

STS #1: Dauntless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon