SPECIAL CHAPTER

11.3K 295 73
                                    

Dauntless: Special Chapter

"Sigurado ka talagang ikaw ang pupunta? Delikado ang coverage na 'to, Adara. Kapag nalaman pa 'yan ng asawa mo, tiyak ako ang mananagot."

Hindi ko agad pinansin ang paglilitanya ni Boss Joey at kinuha ko ang backpack ko para ilulan ang mga gamit na kailangan ko. Papunta kasi ako ngayon sa isang malaking drug operation ng PDEA, sangkot ang malalaking pangalan sa senado na matagal ko nang binabantayan.

"Don't worry, ako na ang bahala kay Christian. I'll make sure na hindi kayo guguluhin ng asawa ko at makaaasa rin kayong babalik ako nang buhay." Nginisian ko ito at tinapik nang mahina sa balikat.

Sinuot ko ang mga dapat kong suotin bilang proteksyon sa posibleng mangyaring putukan mamaya. Naghanda rin ako ng dalawang baril sakaling magkaroon ng engkwentro at kailanganin ko ang mga ito.

Pagdating ko sa area kasama ang mga pulis, tinimbrehan agad kami na maging alerto. Hawak ko ang earpiece na nakasuot sa tainga ko habang nakayukong pinalilibutan namin ang isang malaking gusali. Hindi ito katulad ng mga tipikal na abandonadong building na pinupugaran ng mga adik. Sa katunayan ay para itong isang ipinasarang private hotel sa isang tagong lugar. Hindi mo aakalaing may tao sa loob sa sobrang dilim nito kung pagmamasdan mo lang ito sa labas. At nangyari ang hindi namin inakalang mangyayari lahat.

"Dapa!"

Traitors from our group came out. Tinutukan kami ng baril ng mga ito at dahil nakatakip ng mask ang kanilang mga mukha, hindi namin nakilalang hindi talaga sila parte ng aming grupo. Mayroong dalawa sa mga kasama kong pulis ang nagtangkang lumaban at napatay. Nagkaroon ng engkwentro at marami ang nasugatan.

Kabilang na ako ro'n.

May agad namang dumating na backup para dalhin kami sa ospital at ituloy ang operasyon. Pero wala na ang mga target namin sa loob. Nakatakas na ang mga ito.

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko sa 'yong bata ka!" Paroo't parito ang paglakad ni Boss Joey sa harapan ko habang tinatanggal ng doktor ang balang tumama sa kaliwang balikat ko. Napangiwi ako kahit pa may anesthesia naman silang itinurok. "Kung nakinig ka lang sana sa 'kin, e 'di wala ka sana rito ngayon!"

Natawagan na raw ng ospital si Christian pero nauna pang dumating dito ang galit na galit kong boss.

"Nangyari na ang nangyari, boss. At saka kung sakali namang hindi ako ang nagpunta ro'n siguradong baka hindi lang daplis ang abutin ng—a-aray ko." Napadaing ako bago ko pa man matapos ang pagpapaliwanag ko. "D-dahan-dahan naman po, doc." Nginitian lang ako nito at sinamaan naman ako ng tingin ni Boss Joey.

Dumating na si Christian, pero imbes na ako ang una niyang lapitan ay 'yong doktor ang una niyang kinausap. Para akong biglang nakaramdam ng kaba at napalunok. His arms were folded across his chest as I watched him talk seriously with the doctor. Sobrang kalmado lang niyang nakikipag-usap pero alam kong the calmer he looks, the scarier he is. Ghad.

Nakalabas na kami ng ospital lahat-lahat, pero hindi pa rin siya nagsasalita. Lalo tuloy akong kinakabahan sa ginagawa niya. Inalalayan naman niya 'ko nang mabuti pasakay sa sasakyan niya. Sinuotan niya rin ako ng seatbelt dahil naka-cast ang braso kong nadaplisan, pero talagang hindi niya 'ko kinakausap.

Pagdating namin sa bahay at pagpasok namin sa kwarto, kumuha agad siya ng maliit na palanggang may towel at saka niya 'ko maingat na pinunasan. Hindi pa nga siya nakapagbibihis ay ako agad ang inasikaso niya. Lalo tuloy akong na-guilty.

"Christian?"

"What?" nakayukong tugon niya habang pinupunasan ang mga paa ko.

"H-hindi mo pa 'ko pagagalitan?"

STS #1: Dauntless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon