KABANATA 41

9.8K 419 57
                                    

[Adara]

Madilim ang mukha ni Christian na binitbit iyong mga damit niya palabas ng kwarto ko. Labag na labag sa kanyang kalooban ang hindi ako makasama buong gabi. Nasanay kasi siya sa condo na kahit ano'ng oras ay pwede niya 'kong puntahan. Hindi ko tuloy mapigilan ang puso ko na lalong mahulog sa kanya.

Ewan ko ba, pero sa kahit ano yatang gawin niya ay mas napamamahal ako nang husto sa kanya. Hindi ko alam kung tama pa ba ang magmahal nang higit pa sa sobra ngunit kung bawal man, huli na ang lahat sa 'kin para umatras pa. Si Christian na ang buhay ko ngayon. Siya na ang dahilan ng pag-ikot ng mundo ko.

Napalingon ako sa cellphone kong biglang umilaw sa dumating na text message. Si Cara? Ano naman ang gusto nito?

'Nais kang makausap ni Don Franco bukas, alas otso ng umaga.'

Ilang segundo kong tinitigan iyong mensahe. Woah. Hanggang ngayon pala ay do'n pa rin siya nagtatrabaho. Pero teka... paano nilang nalaman na nandito na 'ko? Wow ha. Bilib na talaga ako sa pakpak ng balita. Hindi pa lumilipas ang gabi ay nalaman agad nila at gusto pa ng maagang schedule sa 'kin kinabukasan. Nagtipa ako ng sagot sa kanyang text.

'Okay.'

Nagpatay na ako ng ilaw para matulog na. Ngunit hindi ko maiwasan ang mapaisip sa mangyayari bukas. Dahil dito ay hindi ako madalaw ng antok.

"Baby..."

"Shit. Christian?!"

Napalingon ako kahit wala akong makita sa dilim. Ano na namang ginagawa nito rito?!

"Sshh." Naramdaman ko ang paghiga niya sa tabi ko at pagyakap sa likuran ko. "I just wanna hug you. I don't know, but I keep on missing you," bulong na sagot niya.

"Ganyan ka na ba kaadik sa 'kin?" pabirong tanong ko. I felt him nod. Dahil sa pagtabi niya ay mabilis akong dinalaw ng antok at masarap na nakatulog magdamag.

Paggising ko ay pakiramdam ko, napaka-komportable ng higaan ko. Napakabango pa. Napangiti akong niyakap iyong yakap yakap kong bagay at nagmulat ako ng mata.

"Ahhhhhh!" Napaahon ako mula sa pagkakahiga ko sa ibabaw ni Christian nang makita ang mukha ni Sam sa tabi namin.

"Ugh why are you shouti—ahhhhh!" Pati si Christian ay nagulat at nasipa si Sam na bumagsak sa sahig.

"A-Aray! Ang aga aga. Ano bang problema niyong dalawa!" sigaw na tanong nito na nasa lapag at nakapikit pa. 'Di ba dapat ako ang magtanong n'on sa kanya?! Bakit siya nandito?! Wala rin itong suot na pang-itaas na damit at magulo ang buhok.

"What the hell, Sam?! Why are you here?!" sigaw sa kanya ni Christian.

Napakamot ito ng ulo. "You kept on coming here so I had no choice," antok na wika nito habang nagkukusot ng mata at naghikab pa.

"But still! You shouldn't have slept in here, Sam!"

"Whatever, Kuya." Tumayo ito at nagmartsa na palabas.

Hawak ko pa rin ang dibdib kong kumakabog.

"Are you okay?" Christian asked.

Tumango ako. "Nagulat lang ako," medyo natatawa kong sagot. Napailing-iling na lang din si Christian at sabay kaming natawa nang magkatinginan. Nakaloloka talaga ang kambal na ito.

Bumangon na kami at nag-ayos ng mga sarili. Sakto ay tutungo sila ngayon sa municipal court sa bayan ng Gubat para i-submit iyong forensic result n'ong nakuha naming scalpel 3 years ago. Ayaw na akong sumama pa ni Christian dahil sandali lang naman sila. Hindi na rin ako kumontra pa dahil may iba rin naman akong lakad ngayon. Napagpasyahan kong 'wag nang sabihin ito sa kanila dahil baka kontrahin lang nila 'ko.

STS #1: Dauntless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon