KABANATA 44

10.2K 382 49
                                    

[Third Person]

Gumising si Adara nang wala na sa tabi niya si Christian. Umahon siya sa kama at lumabas ng kwarto para tingnan kung nasa sala ba ito ngunit wala rin. Lumabas siya ng unit niya at tinungo ang unit ni Christian sa tapat. Pagpasok niya ay agad na napatakip siya ng ilong. Umalingasaw sa kanyang pang-amoy ang alak at nakita ang walang damit pang-itaas na si Christian na natutulog sa sahig.

Naglasing ba ito kagabi?

Nagtataka niyang pinulot ang mga lata ng alak na nagkalat sa sahig. Kilala niya si Christian at hindi ito iinom nang basta. Umiinom lang ito kapag may nag-ayang kaibigan, pero ang uminom ito mag-isa ay napaka-imposible. Alam din ni Adara kung gaano kataas ang tolerance ni Christian sa alkohol. Kaya't kung malalasing ito ay patunay lang na marami talaga itong nainom.

Tinipon niya sa isang plastic ang mga bote at lata ng alak. Itinabi niya ito saka binalikan ang nobyong mahimbing pa rin ang tulog. Maayos naman silang natulog kagabi kaya bakit ito maglalasing nang ganito?

Inayos niya ang higa nito mula sa pagkakadapa at nilagyan ng unan. Nilakasan din niya ang AC dahil pinagpapawisan na ito. Nagluto siya ng sabaw na pwede nitong mahigop mamaya dahil siguradong masakit ang ulo nito paggising.

Nang matapos siya sa pagluluto ay umangat ang tingin niya sa bagong gising na si Christian. Tumungo ito sa ref, hawak ang tila sumasakit nitong ulo. Kumuha ito ng tubig at napatingin ito sa kanya pagkatapos uminom. Nilapitan niya ito at inayos ang buhok nitong magulo at nakatayo pa.

"Bakit ka uminom?" marahang tanong niya rito. Hindi naman siya galit sa pag-inom nito. Gusto lang niyang malaman kung bakit.

"Sorry, baby. I can't sleep last night."

"Bakit hindi mo 'ko ginising?"

Yumakap ito sa kanyang at ipinatong ang ulo sa balikat niya. "You're tired. I don't wanna disturb you."

Napairap tuloy siya.

"Sa susunod na ulitin mo 'to, magagalit na talaga ako sa 'yo."

"Sorry."

Pinaupo niya ito at binigyan ng niluto niyang sabaw. Pinanood niya ito habang kumakain.

"Your mom called me. Pinapapunta niya tayo for dinner later sa inyo," ani Adara.

Naalala ni Christian ang paulit-ulit na pagtawag ng ina kagabi. Marahil ito siguro ang nais nitong sabihin.

Tumingin ito sa kanya. "Are you good to go?"

Tumango siya. "Nakakahiya kung hindi tayo pupunta."

Kabado si Adara para sa pagpunta nila mamaya dahil sa posibleng pagkikita nila ni Sam. At isa pang kinakakaba niya ay ang pormal na pagpapakilala sa kanya ni Christian bilang girlfriend nito. Nabanggit kasi nito sa kanya noon na sa susunod na pagsasama sama ng pamilya ay doon nila ipagtatapat ang tungkol sa kanilang dalawa. Natatakot siyang lalong masaktan si Sam ngunit ayaw naman niyang itago ang relasyon nila ni Christian. Pinilit niyang alisin muna ang bagay na iyon sa kanyang isipan. Bahala na mamaya, pero hiling niyang sana ay wala siyang masaktan na kahit sino.

Maghapon silang naging abala ni Christian sa kanya-kanyang trabaho nila. Nasa kani-kanilang unit sila dahil may conference meeting through video call si Christian sa kanyang mga empleyado sa firm. Dati naman ay ginagawa nito iyon kahit nasa unit niya ito, pero hindi na lang siya nagtanong pa. Nanahimik na lang si Adara sa unit niya at isinubsob ang sarili sa mga kailangan niyang isulat.

Pilit niyang pinuno ng puro tungkol sa trabaho ang utak niya. Sumasakit lang ang dibdib niya sa tuwing nakaiisip ng kung anu-ano ang utak niya. Lalo na't patungkol ang lahat ng ito sa magkapatid na Christian at Sam.

STS #1: Dauntless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon