KABANATA 49

11.4K 438 74
                                    

[Adara]

"Congrats, Adara!"

"Ang galing galing mo, Adara! Bagay na bagay sa 'yo!"

Nginitian ko silang lahat at nagpasalamat ako sa mga crew paglabas ko ng studio. This day marks my first TV appearance as the newest anchor of ACF News. The management informed me about this few days ago and of course, hindi na 'ko nagpatumpik-tumpik pa. Tinanggap ko agad.

How about Elisse? Well, she was given 2 choices. Ang kusa siyang mag-resign o ang magpatuloy siya sa trabaho behind the camera. Hindi naman naging gano'n kalupit sa kanya ang ACF Net dahil hindi naman siya basta itinapon na lang. They still gave her a chance.

"Oh my gaaad! Ang ganda-ganda mo sa TV, nakakainis! Sarap sugatan ng mukha mo!"

"Baliw!" Natatawa ako habang binubugbog ako ng hampas ni Nina. Simula no'ng malaman niyang ako na ang papalit kay Elisse ay hindi na siya mapakali sa katatalon niya hanggang kaninang mag-live ako. Daig pa ang nanay ko sa excitement niya!

Medyo kinabahan ako nang kaunti bago sumalang kanina. Siyempre isa 'to sa life goals ko at hindi ako makapaniwalang nagawa ko na. Kaso nakalulungkot lang na pareho nang walang iyong dalawang tao na pinakagusto kong makasaksi ng tagumpay kong ito. Iyong dalawang tao na pinangakuan kong magagawa ko ang bagay na 'to. Sina Papa at Christian.

Umakyat ako sa rooftop kung saan ako madalas na maglabas ng sama ng loob. Nadiskubre kong mas okay pa lang umiyak dito kaysa sa loob ng CR.

Tiningala ko ang nakasisilaw na kalangitan. "Nakita mo ba 'ko kanina, Pa? Ang astig ko, 'di ba? Nagawa ko rin sa wakas... Natupad ko 'yong pangarap nating dalawa." Ipinikit ko ang mga mata ko at nagbagsakan ang mga luha ko. Napayuko ako. "Kaso atat ka masyado. Hindi mo tuloy ako napanood nang live," mahinang bulong ko.

Itong tagumpay na bang ito ang kapalit ng mga mahal kong nawala? Kung mabibigyan lang sana ako ng pangalawang pagkakataon para pumili, I'd rather lose this dream than those two. Ano ba ang saysay nito kung wala naman sila para saksihan ako? Humugot ako ng isa pang malalim na paghinga. Ano rin ba ang saysay pa ng pag-iisip kong 'to kung parehong iniwan na nila 'ko.

Niyakap ko ang sarili ko at hinayaan ko ang puso kong malungkot at lumuha. Sa lugar lang na ito ko nailalabas ang tunay na nararamdaman ko. Dahil pagbaba ko, kailangan ko muling iharap sa lahat ang isang matapang na Adara.

[Nasaan ka na?!] nailayo ko agad ang cellphone ko sa lakas ng sigaw ni Portia. Mukhang badtrip na naman ang babaeng 'to.

"Pababa na. Galit na galit?" Naglakad ako palabas ng rooftop.

Paglabas ko ng building ay agad kong nakita ang isang magarang sasakyan lulan ang bruha kong kaibigan. Biruin niyong nagawa niyang itago sa 'kin na nagmula pala siya sa isang mayamang pamilya? Hindi lang basta mayaman! Kilala ang pamilya niya sa malalaking businesses dito sa bansa. Pinaniwala niya 'kong dalawa kaming batang yagit na nakapasok sa isang mamahaling eskwela!

Padabog akong sumakay sa kotse niya. She drives well too! Daig pa niya ang lalaki kapag nakahawak na ng manibela at akala ko noong minsan ay mamamatay na kami nang mag-overtake siya sa dalawang malalaking truck! At doon ko nga napatunayang reyna siya ng kalsada. 'Yon nga lang, runaway princess ang peg ng lola niyo. Matagal-tagal na rin nang lumayas siya sa bahay nila para mamuhay nang tahimik, simple, at payapa. At ang nakaloloka pa, iyong mga pumuntang magulang niya no'ng graduation namin ay binayaran lang niya. Isn't it she crazy?

"Can't I really come?" pang-twenty times na niyang tanong.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano ba kasing gagawin mo ro'n at nagpupumilit ka?"

STS #1: Dauntless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon