KABANATA 12

11.9K 390 49
                                    

[Adara]

Pabalik na ako ng Surfing Camp at sa likuran ko ay seryoso ngang sumunod si Christian. Wala pa naman daw kasi siyang gagawin sa hotel at isa pa, wala rin daw si Sam dahil may sinundo sa airport. Habang naglalakad kami ay bigla kong naalala iyong unang beses naming magkita sa bus terminal. Grabe iyong inis ko sa kanya noon. Napatakip ako ng kamay sa bibig ko dahil natatawa ako.

"What's funny?" medyo masungit na tanong niya. Natatawa pa rin akong hinarap siya. Ngunit pagkaharap ko ay siyang patuloy niya sa paglalakad kaya muntikan akong sumalpok sa dibdib niyang may katigasan. Paano ko nalaman? Sa gulat ko kasi ay naihawak ko ang mga kamay ko rito.

Nakapikit pa rin ako at may matigas pa ring bagay na nasasalat ang mga kamay ko. Bigla niyang hinawakan ang isa kong kamay na nasa dibdib niya. Dahan-dahan akong nagmulat at kunot noo siyang nakatingin sa akin.

"Sorry," sabi ko saka ako umatras. "Ang tigas niyan ah. Madalas ka sa gym, 'no?"

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya na agad namang napalitan ng nakalolokong ngiti.

"You're fond of hard body," nakangising saad niya. Hindi tanong, kundi deklarasyon.

Inipit ko sa likod ng tainga ko ang buhok ko. "Hoy parang sinasabi mo namang mahilig akong magmanyak ng abs," nakapamaywang kong sabi.

Natatawa siyang nauna sa paglalakad. "That came from your mouth."

"Nagagandahan lang ako, pero hindi ako manyak."

"Wala naman akong sinasabing manyak ka."

Oo nga, 'no? Hay naku ka talaga, Adara! Ikaw mismo nambubuking ng mga deep secrets mo! Itinikom ko na lang ang bibig ko dahil baka kung ano pa ang mai-share kong hindi kagandahan. Nakarating kami sa surfing camp at nakita ko ang isang batang lalaki na nagpupulot ng shells sa dalampasigan. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at...

"Atoy!"

"Ahhh!" gulat na sigaw niya. Napahiga siya sa dalampasigan at natapon ang mga shells na pinulot niya. Isang alon ang humampas at tinangay ang lahat ng ito pabalik sa dagat. Mangiyak-ngiyak siyang lumingon sa akin. "Ate Adara?!"

Nawala iyong yamot niya nang makita ako. Agad siyang tumayo at yumakap sa baywang ko. Siya si Atoy. Anak siya ng isa sa mga pinakamasipag na magsasaka rito sa Buenavista. Bata pa lang ay iniwan na sila ng nanay niya kaya mag-isa siyang itinataguyod ng kanyang itay. Medyo sakitin itong si Atoy dahil simula sanggol pa lang kilala ko na iyan. Madalas siyang iwan sa amin ni Mang Arturo dahil kailangan niyang magsaka at walang magbabantay.

"Ang tangkad mo na ah! Pero bakit pumapayat ka yata?" tanong ko habang sinisipat-sipat ang katawan niya.

"Nagkasakit kasi ako, Ate. Pero magaling na ako. Magiging macho na ulit ako tulad ng gusto mo!" masiglang sagot niya at ipinakita sa akin ang patpatin niyang braso.

"Macho pala gusto," bulong nitong katabi ko.

"Wala akong sinasabing gusto ko ng macho!" sabi ko.

"Di ba Ate Adara lagi mong sinasabi sa akin iyon? Na gusto mong magpakasal sa macho para kaya ka niyang ipagtanggol sa mga bad guys?"

"Atoy!" Jusko itong batang ito. Balak yatang i-chismis lahat ng sinabi ko sa kanya! Marahan ko siyang hinawakan sa braso at inilayo nang kaunti. "Wag mo namang ipangalandakan sa harap ng ibang tao yung mga sinabi ko. Di ba sabi ko sikreto lang natin iyon?"

Umakto pa itong nagulat. Naku, pasalamat ka at cute kang bata ka!

"Ay sorry, Ate. Medyo makakalimutin na rin ako ngayon. Tumatanda na yata ako."

"Ke-bata bata mo pa ano ba iyang pinagsasabi mo."

"Sige, Ate promise hindi ko na ipagsasabi yung iba pa," sabi niya.

STS #1: Dauntless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon