KABANATA 48

10.8K 391 45
                                    

[Adara]

Bumalik ako sa unit ko na sobrang sama ng loob ko. Halos hindi ako makapagsalita nang maayos, pero pinilit kong makatawag. Malalim na ang gabi pero hindi ko na kayang manatili pa dito. I called someone I know who could help me at this moment.

My mama.

Inilagay ko sa maleta ko lahat ng gamit ko. Isiniksik ko sa loob lahat ng mga importanteng bagay na kailangan ko. Sana pwede ko rin siyang isiksik dito. I need him too. But fuck. Mabilis akong nakapag-empake. Para akong hinahabol ng kung sino sa pagmamadali kong makaalis sa lugar na 'to.

I took a last glance of my unit. This would be the last time I could recall all the memories I had in here. I treasure them all so much, but I can't be stuck here. Kailangan kong tulungan ang sarili ko. At isa sa pinakaunang dapat kong gawin ay ang talikuran ang mga bagay na makapagpapaalala sa 'kin sa kanya. I decided to just sell this condo unit. Hindi ko na kayang balikan pa ang lugar na 'to pagkatapos ng lahat ng nangyari. Patuloy lang nitong ipaaalala sa akin na minsan akong minahal ni Christian.

Mabigat ang loob ko na binuksan ang pintuan. Paglabas ko ay saktong palabas din siya ng unit niya. Tangina. Grabe ka naman tadhana, napakalupit mo.

Ako na ang naunang nag-iwas ng tingin. I tried my very best not to show him I'm hurting as hell right now. Hinila ko ang maleta ko at sinarado ang pinto.

"Adara, where are you going? Gabi na."

"As if you care?" I answered in my coldest tone without even glancing at him. Naglakad ako palayo at agad na sumakay ng elevator. I closed it quickly before he could get in. Paglabas ko ng building ay naroon na si Ms. Amara.

"Sorry if I disturbed you," sabi ko habang inilalagay ko sa compartment ng sasakyan niya ang maleta ko.

"I'm glad you did, anak."

Anak.

That sounds nice.

Nginitian ko siya at sumakay na rin kami. We drove to an exclusive subdivision nearby. Late na rin kaya wala na kaming nadaanang traffic. She's living a really good life... alone.

"W-Wala kayong ibang pamilya? I mean... didn't you think of having a new family here?"

Natawa lang siya, pero kahit iyong pagtawa niya ay napaka-elegante.

"Your boyfriend investigated me already so he probably told you I only have you."

"He's not my boyfriend anymore. We already broke up."

"Oh." Napatakip siya ng kanyang bibig na parang may nasabi siyang mali.

"It's fine, M-Ma."

Napangiti siya nang malapad at niyakap ko.

"Don't worry, anak. There are plenty of fish in the sea. I've got a lot of recommendations for you soon," aniya. Natawa na lang ako at niyakap din siya. I'm sorry, Mama, but it will only be Christian or no one.

Hinatid niya 'ko sa magiging kwarto ko. It's a 3 story house and I couldn't help but think how she managed to live here alone. She has a maid, but apparently ay mag-isa lang talaga siya sa napakalaking bahay na 'to. And yeah—I have my grandfather pa pala. Kaso nasa ospital na raw ito dahil kailangang i-monitor ang katawan nito.

"Just knock on my room if you need anything, okay?"

"Thanks, Ma."

Itinabi ko muna ang maleta ko sa gilid at bukas na lang ako mag-aayos. Bukod sa late na ay nakaramdam na rin ako ng antok at pagod. Ibinagsak ko ang katawan ko sa napakalambot na kama. Grabe, sobrang lambot nito! Ang laki laki pa! Kung alam ko lang siguro na matagal na niyang alam na anak niya ko ay iisipin kong pinaghandaan talaga niya ang pagtira ko rito sa bahay niya. Kaso ilang buwan pa lang naman simula nang magkakilala kami.

STS #1: Dauntless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon