KABANATA 13

12K 414 61
                                    

Angel's note: Hi. I apologize sa mga chapter na ma-e-encounter ninyo na nakasulat using third POV. I actually attempted to write this whole story using 3rd POV, but unfortunately hindi ko natripan. Hahaha. Don't worry I'll edit them soon. Hindi pa lang ngayon, pero soon for sure. Thank you!

---

[Third Person]

Once again, Eli wasn't able to protect her from his mother. Nawala lamang ang atensyon sa kanya ni Donya Catalina dahil sa insidente ng barilan na bigla na lamang naganap sa lugar. And unfortunately, Christian was shot. 

Maingat na sinuyod ng tingin ni Adara ang paligid. Maingat na baka sa kaunting galaw nila ay may mangyaring na namang pagputok ng baril. Nanginginig ang kanyang mga kamay na hinawi ang mga takas na hibla ng kanyang buhok. Balot siya ng takot sa kung ano ang dahilan ng insidenteng ito.

"May kaaway ka ba? May nagawan ka ba ng masama? Siguradong hindi simpleng tao ang na-offend mo para gawin iyan sa'yo," balisa niyang tanong kay Christian. Nanlalamig ang mga kamay niya sa kaba dulot ng pagkagulat at sa malamig na hanging humahampas mula sa dagat.

"I did not offend anyone. They offended me to be exact," sagot nitong tila may pinatutungkulan.

"Bakit naman humantong sa gan'to? Sinong normal na tao ang makagagawa nito sa'yo?" hindi mapanatag na tanong niya.

"An abnormal person for sure. I can assure that. Ugh," may halong biro pa nitong sagot kasabay ng pagdaing sa sugat.

Sinamaan ito ng tingin ni Adara. "Kailangan mong madala sa ospital."

"No you can't do that," sabi nito na halatang tinitiis ang sakit.

"Bakit hindi? Gusto mo bang pabayaan na lang kitang maubusan ng dugo riyan?" singhal niya. Unti-unti na siyang naiinis dito katulad ng dati dahil sa katigasan ng ulo nito.

"I have to go back to the hotel. Kailangan kong balikan-"

"Nasisiraan ka na ba?!"

"You won't understand it, but I have to leave!" pagmpupumilit nito habang sinusubukang maglakad mag-isa. Hinigpitan ni Adara ang pagkakahawak dito at mas inilapit niya ito sa kanyang katawan upang hindi makapagpumiglas.

"You won't go anywhere! And you have to listen to me!" galit na niya itong sinigawan.

Bagama't nagtatalo silang dalawa sa dilim, hindi nawala ang pag-aalala ni Adara nang muling tignan ang kalagayan ni Christian. Kumalat na ang mantsa ng dugo sa kulay puti nitong suot ngunit wala na siyang mabakas na sakit sa mga mata nito. Kahit may tama ito ng baril ay sobrang determinado itong bumalik sa hotel nang walang lunas. Mabuti na lamang ay napigilan ito ni Adara at sapilitang hinatak patungo sa bahay nila.

"P-please, 'wag kang mamamatay. K-Kailangan mong lumaban," nanginginig ang boses na sabi niya habang naglalakad sila sa dilim. Iba't ibang senaryo na ang pumapasok sa isipan niya at natitiyak niyang hindi siya titigilan ng kanyang konsensya kung sakaling may mangyaring masama rito.

"Stupid. I won't die with a single shot," masungit pa rin nitong utas, hawak ang nagdurugo nitong tagiliran.

"Wag ka na lang magsalita, pwede ba?" inis niyang singhal dito. "May sikretong butas doon sa likod ng bahay namin. Doon tayo dadaan. Sa mga oras na ito, tulog na sigurado si Papa," aniya habang deretsong nakatingin sa daan patungo sa kanila.

Habang naglalakad ay biglang may pumasok na signal sa suot na earpiece ni Christian. Bahagyang napangiwi siya nang tanggalin niya ang kamay sa nagdurugong tagiliran para ayusin itong device na nasa kanyang tainga.

[Christian? Are you there? Please respond.]

"I'm here," mahinang sagot nito rito. "Did you catch that fucking main trader?" magkasalubong ang kilay na tanong niya. Naglakakad pa rin sila ni Adara patungo roon sa sinasabi nitong sikretong butas.

STS #1: Dauntless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon