KABANATA 34

10K 409 71
                                    

[Adara]

Matagal kong pinangarap na masaksihan ang eksenang ito. Itong nagkakagulong news room tuwing may breaking news katulad ngayon. Kaso kinailangan ko munang magpalipas ng tatlong taon para masilayan ito. At kasalanan iyon lahat ni Franco Almendras.

Sa tuwa ko sa panonood sa eksena, nakalimutan kong kanina pa pala ako nakatayo. Ngumiti ako nang lapitan ako ng mukhang stressed na stressed na si Sir Joey Bernal, suot ang trademark nitong scarf sa kanyang leeg. I don't know him personally, pero ni-review ko ang profile ng mga bosses na makatatrabaho ko rito. At itong si Sir Joey, siya ang itinuturing na dragon ng news room. Kaunting pagkakamali mo, sigaw na katakot-takot ang aabutin mo. Siya rin iyong tipo ng boss na hindi pwedeng walang makitang mali sa gawa mo. Meron at meron siyang mapupuna lagi. Kaya marami ang may ayaw sa kanya.

"Are you Adara Alejo?" mataray na tanong niya. Bilang ito ang unang beses ko pa lang na makakausap siya, medyo napa-ohh ako sa way ng pananalita niya. But I'm sure na hindi siya bakla. May pagka-feminine lang siyang umasta.

"Yes, sir." I offered my hand which he gladly accepted. He looks really professional. Iyong tipong ma-i-intimidate ka agad sa aura niya.

"Sakto ang dating mo. This chaos is really getting out of hand," stress na stress na sabi niya. "We need your cooperation ASAP."

I gave him an assuring smile. "Sure."

"Do I still have to brief you?"

"No need for that, sir."

"Great. Let me bring you to your work station first." Iginiya niya ako sa lamesang pupwestuhan ko. Pagkaupong pagkaupo ko, inilapag agad niya sa harapan ko ang hard drive na naglalaman ng mga script na kailangan kong i-copyedit. Actually, hindi naman ako copyeditor. Kaso nagkataon na on leave iyong isa nilang copyeditor kaya pansamantalang pinatulong muna ako rito. "Kailangan natin 'yan ng before 11am. Live tayo ng 12nn," istriktong bilin niya.

"Copy that," sagot ko at ipinakilala niya sa 'kin ang production assistant na mag-a-assist sa 'kin. He wished me luck bago siya umalis. I still have 4 more hours. Inayos ko muna sandali ang gamit ko sa lamesa bago ang lahat. Pagkatapos ay binuksan ko ang computer at chineck ko ang laman ng hard drive. Sinimulan kong bulatlatin ang mga script na narito.

ACF News, being one of the best news station in the country, they have the best people as well. Kumpleto na halos ang mga data sa script ng mga reporters. And to see na narito lahat sa mga sinulat nila iyong mga galing sa post ng The Eradicator, sobrang satisfied ko sa unang araw ko sa trabaho. Chineck kong mabuti ang boses nila sa isyu. At nakatutuwa na kagaya ng pagkakakilala ko sa ACF News, wala silang kinikilingan na panig. Nagkataon lang siguro na napabilang sa kanila si Elisse kaya nabahiran sila ng mantsa.

Minor editing lang halos ang ginawa ko. But still, I had to check them well dahil kapag may lumusot na mali sa datos ng balita, sa 'kin ang sisi rito. Finorward ko lahat ng edited scripts ko sa production assistant na si Chelsea para sa printing at distribution ng scripts sa mga video editors. Bago pumatak ang 11am kong deadline ay natapos ko lahat ng pina-edit nila sa 'kin pati na rin 'yong mga pinahabol nila.

"Nasa'n na si Angel? Follow up niyo sa kanya yung for writing story niya!" galit na sigaw ni Boss Joey.

"Nasa coverage pa sir!" sagot ng isa sa mga news writer na nandito.

"Pasulat niyo sa iba! Kailangan maihabol ang update kay Mayor Almendras!"

Halos nagsisigawan lang sila mula sa kani-kanilang mga work station. Tumayo bigla iyong kausap ni Boss Joey at sinuyod ng kanyang mga mata ang posibleng maaaring makapagsulat n'ong istorya.

STS #1: Dauntless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon