Unang sulat

192 3 1
                                    

Dear diary,

Ako nga pala si Candida Si, alam mo ba kung bakit Si ang apelyido ko?

Yun ay dahil may lahing Chinese ang angkan ng papa ko si Manni Si. Miss na miss ko na nga si papa at si mama ko.

Elementarya pa lamang ako kinuha na sila ni Lord. Masyado kasi silang mababait kaya maagang kinuha ni Lord. Yung dalawa kong kasama ngayon sa bahay hindi mababait kaya hindi makuha kuha ni Lord, joke lang! Love ko ang mga yun kahit napaka-iinit lagi ng mga ulo nila sa akin.

Pero si mama ko purong Pinay yun. Sa kanya ko nakuha ang angkin kong kagandahan at alindog. At sa papa ko naman nakuha ang angkin kong kaputian at chinitang mata. Mula ng mamatay sila ay si Tyang Pipita at ang kambal na nyang si Tyong Pipito na ang nag-alaga sa akin. Kapatid sila ng mama ko.

Alam mo bang hanggang ngayon binata at dalaga pa rin si Tyang at Tyong ko. Ang dinig ko nga virgin pa daw pareho ang kambal na yun. Yun ang sabi-sabi ng mga chismosa naming mga kapitbahay.

Kaya daw napakasusungit ng kambal dahil natuyuan na raw ng bulaklak si Tyang at ang nota naman daw ni Tyong ay naigahan na rin at naluoy na besh. Naniniwala naman ako minsan sa mga kapitbahay namin dahil wala ka talagang maililihim sa kanila. Kulang na nga lang pati suot kong panty alamin din ng mga itchoserang mga palaka na yan sa nayon e.

Alam mo ba Diary tinutukso ako ng mga kaklase ko noong elementarya. Sabi nila ang bastos daw ng pangalan ko. Aba anong magagawa ko kung Candida ang ibinigay na pangalan ng mama at papa ko. Alangan namang hukayin ko sila sa lupa para ipabago ang pangalan ko. Tapos kapag tinatawag nila ako sabi nila. "Candi, Candi!"

Tanginames ginawa pang mas balahura ang pangalan ko ng mga pisante. Anong palagay nila sa pangalan ko, pakandihing aso. Akala naman nila kay gaganda nila at kay gugwapo. Pangalan lang naman ang maganda sa kanila. Pero ako, ang feslak ko wapak na wapak besh! 

Di gaya nila na ngayon e hindi mo na maintindihan ang mga itsura, yung iba bungi na, meron din namang kay lalaki ng mga tyan dahil kakainom ng alak sa kanto. Nagulat talaga ako sa mga itsura ng mga classmate ko noong nagreunion kami last year, ang gagaling nilang mamintas noon pero ngayon wala na akong ma-say sa kanila. 

Naniniwala na talaga ako sa kasabihan na kapag cute ka noong bata, kakata-cute ka na paglaki. Pero hindi ko naman sinasabing pangkalahatan yun ha. Binabase ko lang sa mga classmate ko na saksakan ng pintasera at pintasero noon sa akin.

But you know what diary, in Estados Unidos they call me Candid. I guess it's pretty awesome, right? Ay ano ba yan ba't ba ako napapa-english. I hate English, nanonosebleed kasi ako. Alam mo bang noong nag-aaral ako sa tate bumayad pa si Tyang at Tyong ng translator ko. Kasa-kasama ko yun sa eskwela maghapon. Yaman-yamanan kasi ang Tyang at Tyong ko na yun.

Ayaw daw nilang dumugo ang ilong ko araw-araw kaya nag-hired sila ng private translator ko. Kulang na nga lang pati translator ko mag-aral na rin ng Accounting kasama ko. Sya na rin ang pinapasagot ko sa lahat ng exam ko pati sa mga recitation. Sulit na sulit talaga ang bayad nina Tyang doon.

Mabuti ka pa nga Diary wala kang kaangal-angal sa pangalan ko. Salamat ha. The best supporter ka talaga.

Oo nga pala, ang apelyido ng mama ko ay Sin, sya si Chiquita Sin, nice name di ba? Pero hindi sya makasalanan ha, sadya lang perfect combination sila ng apelyido ng papa ko na Si. Pinagtagpo talaga sila ng tadhana ano? Medyo rhyme ng konte and apelyido nila. Medyo lang!

Mabuti nga hindi naging Sid ang apelyido nina mama. Baka sabihin na talaga ng mga classmate ko sobrang L ko at bastos dahil sa pangalan ko at apelyido.

Pero alam mo sa totoo lang Diary, natatakot ako. Kasi naman trenta anyos na ako pero hindi pa rin ako nadidiligan. Baka malanta na rin at matigang ang kipay ko kagaya ng kay Tyang Pipita ko.

Pero hindi naman sa pagmamayabang Diary, nagkaroon na rin ako ng jowa dati. Si Adonis at si Romeo.

Sa isang araw ikukwento ko sayo ang istorya ng pag-iibigan namin noon. Si Romeo sana e mapapangasawa ko na yun noon. Kaya lamang kinailangan kong mag-aral sa Estados Unidos. Pero pagbalik ko sa Pilipinas may iba nang jowa ang gago.

Sobra akong nasaktan noon Diary. Nawalan ako ng gana na umibig muli. Sampong taon na akong walang jowa, alam mo ba yun? Oo nga pala nasabi ko na nga pala kanina di ba, kulit ko din e no! Teka nasabi ko na nga ba? Hindi pa ata, pero ngayon alam mo na?

Yun nga akala ko hindi na ako malilipasan at akala ko rin totoo ang kasabihan na darating at darating ang taong itinakda para sayo.

Pero anong petsa na Diary? Malapit na akong mawala sa kalendaryo pero tigang pa rin ako. Nasa laylayan na ako ng kalendaryo besh, isang-isang tadyak na lang laglag na ako sa kalendaryo talaga. 

Tapos ang tagal ko ng single. Hay, namimiss ko na yung may nagtetext sa akin at tumatawag tapos papaalalahanan ako na kumain na ako o kaya matulog ako ng maaga. Tapos yayayain ako na magsimba kapag linggo, tapos kakain kami sa Jollibee tapos manonood ng sine sa SM. Alam mo yung mga simpleng bagay lang na ginagawa namin ni Papa Romeo at Papa Adonis noon pero sadyang nakakakilig. Naranasan mo na rin ba ang ganon? Kung hindi pa, aba magsimula ka na rin maghanap ng majojowa. Unahan tayo besh!

Ngayon si Tyang Pipita at Tyong Pipito na lang ang nagsasabi sa akin na kumain na ako at matulog. May kasama pa yung bulyaw Diary ha.

Napaka-istrikto kasi ng kambal na yun palibhasa mga tigang na. Pero sila ang dahilan kaya ako pinagpalit ni Romeo at Adonis. Ayaw nila na magkakajowa ako. Kaya ngayon pare-pareho kaming tatlo na tigang—sa pagmamahal.

Sana ikaw na lang ang pwede kong maging jowa Diary, kaso paano mo naman ako hahalikan at paano mo bubuhayin ang katawang lupa ko kung isa ka lamang papel. Namimiss ko na talaga ang mahalikan ng isang Adonis at isang Romeo. Yung mga halik nila at haplos sa akin hanggang alaala na lang Diary.

Ang sakit sakit kapag inaalala ko na lang ang nakaraan kong pag-ibig. Naisip ko nga minsan na sana ibinigay ko na sa kanila ang hinihiling nilang pasukin ang aking bulaklak. Tapos kakantahan ko sana sila ng bubuka ang bulaklak dadaan ang reyna, pakembot-kembot pa! Boom tiyaya boom, tiyaya boom yeyeh! 

Ganern! Para mas masaya ang bigayan.

Kaso sa takot ko kay Tyong at Tyang noon kaya hindi ko sinunod ang kahilingan ng dalawang yun. Nakakapanghinayang talaga Diary. Igang-iga na talaga ang balon ni Candida Si.

Sya dyan ka na nga Diary, bukas na ulit.

PS. Pupunta nga pala kami nina Tyang at Tyong bukas sa patay. Kukwentuhan ulit kita, pramis! Ipag-pray mo na sana nasa lamay ang lalaking magdidilig sa akin—ng pagmamahal.

Ako ang babaeng tigang—sa pagmamahal.

Candida Si.

Diary ng tigang-sa pagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon