Ang pansamantalang huling sulat

74 5 3
                                    

Dear Diary,

Maaga pa lang dumating na agad si Papa Romeo oh my Romeo kanina sa bahay ni bespren. Advance ang lolo mo ng 2 hours, dalas-dalas tuloy kami nag-ayos ng mga bata dahil nga baka mainip si Romeo paghihintay sa amin. Hindi ko kasi nasabi sa kanya na 10 o'clock pa kami mamimili ni bespren.

Anyway, wala namang problema kay Romeo na maghintay. Enjoy na enjoy naman syang laruin yung mga aso ni bespren sa may salas. 

Pagdating namin sa supermarket, naku yung mga anak ni bespren dinaig pa ang mga nakawala sa kural ng baboy. Sobrang lilikot nila. Gustong-gusto na sila pagkukurutin ni Sweetania dahil napapagod na sya kakahabol dun sa dalawa. Kung saan-saan kasi sumusuot yung dalawang bata at nagtatago. 

Pagkakasaway ayun na naman, kaya nangangayayat yung yaya ng mga yun dahil sa sobrang likot nila. Pati si bespren parang mapuputol na palagi ang litid sa leeg kakasaway sa mga yun araw-araw.

 Ganon pala ang may anak ano, mahirap na masarap. Mababait naman at sweet ang mga bata na yun, kaya lang may mga pagkapilyo talaga sila minsan. Yun na nga, para makapamili na si bespren ng mga kailangan sa bahay. Kami na lang ni Romeo ang nagbantay dun sa malilikot na mga bata. My goodness para kaming naghahabol palagi sa cheetah. Ang bilis nilang makawala sa paningin namin. Mabuti na lang sanay si Romeo magbantay ng bata dahil noong nagkaroon daw sya ng kapatid sa mama nya, sya madalas ang pinagbabantay ng mama nya sa kapatid nya kapag may pupuntahan ang mama nya at yung stepdad nya.

Pagkatapos magshopping ni Sweetania, kumain kami sa isang restaurant. Mabuti na lang behave na yung dalawang bata. Sabi ni Sweetania sinermonan daw nya kanina sa kotse yung dalawa kaya mga behave na. Pigil na pigil talaga sa galit si Sweetania kanina kaya inilabas nya ang inis dun sa dalawang chikiting noong nasa kotse na sila kaya naman pala ang babait na paglabas nila ng kotse. 

Pagkakain namin hinatid lang namin ang mag-iina sa bahay nila. Pagkatapos dumiretso na kami sa birthday ng brother ni Romeo. Nagtaka ako dahil hindi naman kami sa bahay ng daddy nya papunta. Hanggang sa lumiko ang kotse nya sa isang hotel.

Kinabahan ako Diary, naisip ko agad bakit kami pupunta sa biglang liko. Si Romeo ko gusto na ata akong diligan agad-agad. Oh gosh hindi pa ako handa Diary!

Nang nasa parking lot na kami ng hotel hindi agad ako nag-alis ng seatbelt dahil nga kinakabahan ako kung bakit kami naroroon. Sabi nya relax lang daw ako, sa may rooftop lang daw kami pupunta hindi sa naiisip kong kung ano. Mukhang nabasa nya agad ang nasa isip ko Diary.

Pero bago kami dumiretso sa may rooftop, naghintay muna kami ng may 30 minutes siguro sa loob ng kotse. Nagkwentuhan lang kami doon. Di naman ako naiinip basta sya ang kasama ko. Then after 30 minutes dumiretso muna kami sa lobby ng hotel. Kinausap nya yung manager ng hotel sa di ko malamang dahilan.

Tapos tumingin sila ng kausap nya sa relo nila sa kamay, nagtaka naman ako. Pero hindi ko naman naririnig ang pinag-uusapan nila dahil nakaupo lang ako sa couch para sa mga waiting customers at tambay sa hotel na yun. Nang matapos makipag-usap ni Romeo dun sa manager, lumapit na sa akin si Romeo. Sabi nya tambay muna daw kami ng mga 30 minutes dun sa lobby. Okay lang naman sa akin dahil masarap namang tumambay doon, malamig at maaliwalas.

Naisip ko na lang na baka doon sa may rooftop ng hotel gaganapin ang birthday party ng kapatid nya at di pa ready kaya hindi pa kami pwedeng umakyat.

Hanggang sa hinudyatan na si Romeo ng manager na pwede na raw kaming umakyat sa may rooftop.

Hindi ko alam Diary kung bakit bigla akong kinabahan ng nasa elevator na kami. Hawak nya ang kamay ko the whole time. Tapos ng magbukas na ang elevator bumungad agad sa amin ang isang nakaset-up na table doon sa rooftop na puno ng mga bulaklak at kung ano-ano pang mga decoration. Medyo hapon na yun at palubog na ang araw Diary.

Diary ng tigang-sa pagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon