Tigang 19

74 5 2
                                    

Dear Diary,

Kanina sinundo ako ni Romeo. Nag-date muna kami syempre bago nya ako dinala sa bahay ng daddy nya at stepmom nya. Sa tagal kong hindi nakita ang second family ni Romeo, hindi ko na alam ang itsura nila. Pero sila tandang-tanda pa rin ako, mas gumanda daw ako ngayon. Naman! Maliit na bagay!

Yun nga, may tatlo na palang kapatid ngayon si Romeo sa daddy nya at sa mama naman nya ay may isa daw syang kapatid na babae. Naalala ko pa noon, gustong-gusto ni Romeo na magkaroon ng kapatid. Nalulungkot daw kasi sya dahil wala man lang syang makalaro simula pagkabata, wala ding mapagsabihan ng mga happy story nya at hinaing sa buhay. I feel him dahil solo din ako di ba? Tapos pinagkaitan pa ng magulang sa murang edad, maswerte nga kako sya dahil alive na alive pa ang mga parents nya, jiwalay nga lang ng jahay.

So yun na nga ang eksena kanina sa bahay ng dad nya, super asikaso nila ako. Feeling ko talaga parte na ulit ako ng pamilya nila. Ganoon naman talaga sila noon pa man sa akin maging mama ni Romeo, sila yung pamilya na pinangarap ko na magkaroon noon pa man. Alam din nila na patakas lamang ang relasyon namin ni Romeo noon. Minsan nga kasabwat namin noon ang mama ni Romeo kapag tatakas ako sa bahay nina Tyang at Tyong. Kasama ni Romeo ang mama nya lagi noon na nagaabang sa akin sa labas ng gate para sunduin ako. Ganyan nila kami kasuportado ng anak nila. Nakikipartners in crime din sila sa amin ng anak nila.

Tapos ngayon, akala ng dad ni Romeo jowa ko pa rin ang anak nila. Ang tagal na raw naming magjowa bakit hindi pa raw kami nagpapakasal at nakakabuo ng baby. Hay, si daddy talaga naka segway pa ng ganon. How I wish ganon nga ang nangyari sa amin noon, di sana ilan na rin ang baby namin ng anak nila. Ganda pa naman ng lahi ni Romeo.

Anyway, inabot kami ng gabi sa bahay ng dad ni Romeo, mga ala sais ng gabi nagpaalam na rin kaming dalawa. Pinababalik ulit kami bukas kasi birthday daw ng bunsong anak nila. Bahala na kung sasama ako bukas, may lakad kasi kami ni bespren. Nagpapasama sya na magshopping, ang lilikot ng mga anak nun kaya dapat palagi syang may kasama na alalay, nakabakasyon kasi ang yaya ng mga anak nya ngayon kaya ako muna ang julalay nya pansamantala. Practice ko na rin daw yun para pag nagkaanak kami ni Romeo. As if naman kami na ni Dudong noh!

Pagdating namin ni Romeo sa labas ng bahay ni bespren hindi muna ako pinababa ni Romeo ng kotse. Gusto pa daw nya akong makausap pa. Nagkipagkwentuhan naman ako.

Ang lolo mo, di na ata nakatiis sa kagandahan ko. Bigla ba naman akong hinalikan sa labi habang nagkukwento ako ng nakaraan namin. Syempre Diary natulala ako at nafrozen. Ganon naman talaga ang reaction ng kahit sino na ninakawan ng halik ng isang binata di ba?

Tapos hindi pa nasiyahan, niyakap pa ako. Akala mo ba pumalag ako? Syempre hindi noh, matagal na kayang walang yumayakap sa akin at humahalik. Nakalimutan ko na nga ang pakiramdam ng yakapin at halikan ng taong mahal ko.

Pero walang halong biro Diary, sobra ko talagang namiss si Romeo. At ang yakap naman nya sa akin ay may respeto kaya hinayaan ko lang. Ano namang palagay mo sa akin, basta na lang magpapamanyak.

Nagsorry naman sya after nyang makakalas sa akin. Di na raw kasi nya mapigilan ang sarili nya na hindi ako yakapin bago kami maghiwalay ngayong gabi. Tapos sabi nya mahal daw nya ako. Kung mahal ko rin ba daw sya?

Hindi agad ako nakasagot Diary, parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. Pero ang isip ko gustong-gusto ng sabihin sa kanya na mahal ko rin sya. Kaya lang ang lalamunan ko at dila wala talagang pakisama.

Hanggang sa nainip na ng kahihintay ng sagot ko si Romeo. May inabot sya sa likod kotse nya, may mga bottled water pala doon. Inabutan nya ako ng isa. Narinig siguro nya ang panay kong paglagok ng laway kaya parang nanunuyo ang lalamunan ko at di na makapaglabas ng salita.

Pakiramdam ko bawat paglagok ko sa tubig kanina dinig na dinig din nya. Hindi kasi sya umaalis ng tingin sa akin habang nilalangga ko yung tubig na inabot nya sa akin.

"You okay now?" Tanong nya sa akin ng halos mainom ko lahat ng tubig sa bote.

"Yeah." Sagot ko lang. "Thank you anyway."

"Welcome."

"Ano ulit ang tanong mo?" Sabi ko sa kanya pero sa loob ko, kinakabahan talaga ako. Ewan ko ba Diary, para kaming bumabalik ulit noong nagliligawan pa lang kami. Ganitong-ganito ang pakiramdam ko noong tanungin din nya ako kung mahal ko ba sya. Kabado ako at di rin nakapagsalita agad noon.

"Alam mo hindi ka pa rin nagbabago, ganito rin tayo noon, remember? Inabutan din kita noon ng tubig dahil nanunuyo ang lalamunan mo sabi mo. O baka umiiwas ka lang talaga sa tanong ko? Ano sa tingin mo?"

"Hindi ah." Tanggi ko agad. Bakit naman ako iiwas e tigang na tigang na nga ako sa pagmamahal.

"So, kung hindi ka umiiwas ano yung tanong ko sayo kanina?"

"Kung mahal ba kita?"

"Anong sagot mo?" Pilyong tanong nya sa akin na may mapupungay pang tingin.

"Ano sa palagay mo?" Pakipot pa ako kunwari syempre.

"I don't know. Pero ang alam ko mahal na mahal pa rin kita Candid."

"Mahal din kita!" Biglaan kong sambit. Panandalian kami parehong natahimik Diary. Hindi siguro makapaniwala si Romeo sa sinabi ko. Ako naman, nahihiya na ewan sa kanya. Syempre kahapon lang sya nanligaw di ba? Tapos ngayon sinagot ko na agad sila.

Di ba ang bilis, Diary? Dinaig pa namin ang  dumaan sa express way. Patatagalin ko pa ba naman ang pagpapahirap sa kanya e ex ko na naman sya di ba? Kilala ko na sya, kilala na nya ako. Binata sya, dalaga ako. Gwapo sya, maganda ako. Kaya bagay kami di ba? Joke lang Diary, baka mayabangan ka na sa akin.

Totoo na walang masama sa pagsagot ko sa kanya ng mabilis. E doon din naman kasi kami papunta kaya binilisan ko na ang pagsagot sa kanya. Pero hindi yun dahil sa atat na akong magkajowa ha. Yun ay dahil mahal ko naman talaga yung tao kaya ayoko ng sayangin pa ang mga oras namin sa ligawan.

Isa pa sinabi din nya na 3 months lang ang bakasyon nya sa Pilipinas kaya wala dapat masayang na oras sa aming dalawa. Tutal mahal naman namin ang isa't-isa. Kaya walang masama sa pagsagot ko sa kanya ng mabilis.

"Totoo ba yan?" Tanong nya ng may ilang minuto na kaming nagpapakiramdaman.

"Oo naman, mula noon hanggang ngayon hindi naman nawala ang pagmamahal ko sayo, Romeo. Kaya siguro walang dumating na ibang magmamahal sa akin dahil ikaw ang hinihintay ng puso ko." Yan ang drama ko kanina Diary.

Sa sobrang tuwa ni Romeo niyakap nya ulit ako ng mahigpit at ang sumunod ay hinalikan nya ulit ako sa labi. Mas matagal na yun dahil nga kami na!

O di ba, may jowa na ako ngayon Diary. Hindi ka rin makapaniwala ano?

Kahit ako, hindi rin makapaniwala na may jowa na ako. Ang sarap talaga ng may nagmamahal Diary, alam mo bang bago natulog si Romeo kani-kanina lang. Tumawag muna yun sa akin para lang maggoodnight sa akin at mag I love you. Kinikilig talaga akes!

Dyan ka na nga Diary. Matutulog na rin ako. Sasama daw sa amin ni bespren bukas si Romeo. Para daw daw may lalaki kaming tagabitbit at tagasaway sa mga malilikot na anak ni Sweetania. Tapos sa hapon tsaka na lang kami pupunta sa bahay ulit ng daddy ni Romeo.

PS. May ibibigay daw sya sa akin bukas. Excited na ako kung ano yun kaya kinulit ko sya nang kinulit pero hindi rin naman nya sinabi. Bukas na lang daw kapag nasa bahay na kami ng daddy nya. Darating din daw ang mama nya at stepdad nya doon, kaya mas maganda daw na bukas ko na lang malaman.

Ba-bye na Diary. Goodnight!

Hindi na gaanong tigang—sa pagmamahal,

Candida Si.

Diary ng tigang-sa pagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon