Tigang 4

84 3 0
                                    

Dear Diary,

Kanina ang saya-saya ng puso ko dahil nakita ko si Adonis nakikibuhat sa ataul ni Aling Pasing. Sobrang yummy nya kanina Diary, bakat na bakat ang matikas nyang dibdib sa suot nyang puting tshirt. Natuwa ako lalo dahil nagbihis na sya ng damit. Siguro pinaghandaan nya talaga ang pagkikita namin kaya nagbihis sya at naligo ano?

Tapos alam mo ba, napadako ang mga mata ko sa alaga ni Adonis, grabe naalala ko yung Brazilian na ka-chat ko na ga-pusa ang laki ng alaga. Ang kay Adonis parang malapit na sa size ng pusa Diary. Naeexcite tuloy ako makita yung kanya kapag naging kami na. OMG! Talap-talap!

Alam mo ba Diary, nagtama ang paningin namin kanina habang nagbubuhat sya ng ataul ng patay. Gusto ko nga syang tulungan at punasan ng pawis, kaya nga lang umeksena si Bruhilda na hipon.

Pinalayas ni Hilda yung isang taga-buhat ng ataul na katulong ni Adonis. Tapos sya ang pumalit. Ang sama talaga ng ugali ng hipon na yun, ngali-ngali kong masungalngal ang nguso nya para magmukha syang nilasing na hipon.

Kakainis talaga sya, inunahan pa ako sa naisip kong idea na makibuhat din sa ataul ni Aling Pasing.

Tapos alam mo ba kanina sa sementeryo, aba wala pa palang hukay ang lupa na paglilibingan ni Aling Pasing. Diyos ko, lahat kami nagulat. Tapos yung mga nag-iiyakan na kamag-anak ni Aling Pasing sabay-sabay nagsitigil sa pag-iyak. Lahat sila biglang nag-apoy sa galit sa supolturero. Naputol ba naman ang pag-iyak nila bigla kaya sinong matutuwa di ba?

Nakalimutan daw ng supolturero na maghukay. Pero infairness dahil sa sobrang bait ni Adonis sya ang nagboluntaryo na maghukay ng paglalagayakan ni Aling Pasing, Diary. Such a nice man di ba? Mas lalo tuloy tumibok ang pu-ko sa kanya. O malisyoso ka na naman, Diary. Puso ko ang tinutukoy ko wag kang berde, gago ka!

So ayun nga nag-umpisa ng magpatik ng lupa si Adonis. Lahat kami pinapanood syang maghukay ng libingan. Sanay na sanay talaga sya Diary, di maipagkakaila na dati nya yung trabaho. Tapos nung pinagpawisan sya, naghubad sya ng t-shirt, Diary.

Tang inames, napalunok ako ng laway sa nakita kong walong monay sa tyan nya! Tapos yung labi ko bigla kong nadilaan sa sobrang yummy ng nakikita ko. Parang ang tigas-tigas ng abs nya. Jusko day!

At alam mo ba Diary yung pawis nyang tumatagaktak dahil sa pagpapatik ng lupa. Parang ang sarap sipsip, Diary. Gosh!

Mula sa matigas nyang dibdib umaagos yung pawis papunta sa abs nya. Tapos umiipon sa gitna yung pawis pababa sa pusod nya palandas sa may karug nya. Jusko Lord parang mas lalong lumakas ang pintig ng pu-so ko.

Alam mo ba kung ano yung karug ha, Diary? Tawa ka nang tawa dyan! Try mong hanapin sa google. Pero pag hindi lumabas e ako na lang ang magsasabi sayo.

Ang karug yun e karugtong ng buhok nya sa kanyang umbok. Mula sa puson nya pababa. Patuloy na naagos ang pawis nya doon mula dibdib hanggang karug kaya hindi ko maalis ang mata ko sa kanya. Iniimagine ko tuloy na pinupunasan ko ng panyo kong Armando Caruso ang pawis nya pababa doon sa karug nya. Hmmp, yum, yum!

Pero imagination lang yun, Diary. Hindi ako tigang sa ano ha? Tigang lang ako sa pagmamahal pero hindi ako desperada, sinasabi ko sayo! Hindi ako ang tipo ng babae na basta na lang titihaya sa lalaking yummy na gaya ni Adonis ko.

Tapos yun nga kanina habang naghuhukay sya ng lupa nagtatalsikan pa yung lupa sa abs nya. Naku lalo na akong nagnasa sa kanya, Diary.

Nakakalungkot lang dahil hindi na nya ako mahal. Miss na miss ko na talaga noong mahal na mahal pa ako ng Adonis ko.

Hay, kailan kaya ako liligawan uli ni Adonis. Miss na miss ko na yung paglalaro namin at pagkain sa tuwing magkasama kami. Palaging ang sarap ng pinapakain nya sa akin. Tapos alam mo ba Diary ang galing dumila nyang si Adonis tsaka sumipsip.

O wag kang malisyoso na naman dyan, ang sinasabi ko ay magaling syang dumila ng ice cream in a cone. Palagi nya akong nauunahan makaubos ng ice cream sa may mini stop dahil sa galing nyang dumila. Tapos sinisipsip nya agad yung mga tumutulo kaya walang nasasayang na ice cream sa kanya.

Minsan nga sabay kaming nagdidilaan sa isang ice cream cone. Kaso napakadaya nya, ang lapad kasi ng dila nya kaya madami syang nakakain kesa sa akin. Naiisip ko nga kanina habang naghuhukay sya ng puntod, kung kailan ulit kami magkakasabay kumain at magdilaan ng ice cream.

Pero biglang nawala na naman ang mood ko kanina sa sementeryo Diary. Dahil habang naghuhukay si Adonis ng libingan. Nakihukay din si Bruhilda. Sya ang nagpala ng mga lupa na katatapos lang patikin ni Adonis. Tapos nakikita ko pa na naghaharutan sila. Imbyerna talaga!

Ang sarap nila ilibing ng buhay dun sa hinuhukay nilang libingan, Diary. Hanggang matapos ang libing nakasimangot talaga ako dahil sa inis. At sa inis ko nga naiwan ko si Tyang at Tyong sa sementeryo.

Nagdrive agad ako ng aking SUV palayo dahil nga nagseselos ako. O humanga ka na naman Diary dahil may kotse ako at maalam ako magdrive?

Aba syempre naman, di ba sabi ko nga sayo mayaman sina papa at mama tsaka ang kambal. Kaya malamang kahit paano naaambunan din ako ng grasya.

Yun nga kanina, galit na galit sa akin si Tyang Pipita nung tinawagan ako na balikan ko daw sila agad-agad. Sila na lang daw ni Tyong ang nasa sementeryo. Naku po katakot takot na sermon ang inabot ko sa mga tigang na kambal na yun kanina Diary.

Sana nga mainlove na sila para tantanan na nila ako. Ginagawa akong bata ng kambal na yun. Pero alam mo Diary mahal na mahal ko ang kambal na yun kahit masusungit sila. Dahil nga yun sa siguro tigang na sila kaya mainit lagi ang ulo nila ano? Ganon daw kasi kalimitan ang mood ng mga matatandang dalaga at binata. Naku wag ko naman sana maranasan ang ganon.

Pero alam mo minsan hindi ko talaga ramdan na mahal ako ng kambal na tigang. Palagi kasi nila akong sinesermonan at binabawalan sa maraming bagay.

Ayaw ko ng ma-stress kaya mabalik ako kay Adonis Diary. Ayun nga nakita ko na naman sya di ba? Kaso nga lang naputol ang pantasya ko sa kanya. Si Adonis na dati'y isang hampaslupa at hamak na tagahukay ng libingan. Pero ngayon businessman na kaya lang suplado na, kakainis.

Pag ako talaga sumeksi na gaya ni Bruhilda, hu u sya sa akin. Kulang lang kaya ako sa exercise noh. Pero ang mukha ko sadyang maganda na. Di kagaya ni Bruhilda na kahit si Vicky Belo baka tanggihan na iplastic surgery sya. Malulugi talaga ang Belo medical group sa Bruhilda na yun. Samantalang ako ehersisyo lang pak na pak na!

Alam mo kasi Diary hindi ko nasabi sayo na medyo chubby ako, maganda ako, makinis, chinita na gaya nga ni Jun Ji-hyun. Ito nga lang katawan ko ang inaayawan siguro ng mga kalalakihan. Pero hindi naman ako dabyana, mga 70 kilos lang naman ako. Takot ba kayong mga lalaki sa mga 70 kilos ang timbang na babae Diary? Tell me para makapagdiet na ako.

Pero kapag sinipag ako magpapapayat na talaga ako. Hu u sa akin yang mga lalaking yan, promise!

Oopps, joke lang. Di ba nga tigang ako-sa pagmamahal kaya para sa kanila ang pagpapapayat ko kapag sinipag ako.

Dyan ka na nga Diary hindi ka naman umiimik bwisit ka, buti hindi napapanis ang laway mo dyan?

PS. Hindi sumama sa patay si Tyong at Tyang Pipita. Nakilibing lang sila. Yun nga lang sinumpong ng mga high blood dahil nga iniwan ko sila sa sementeryo. Pero ngayon kalmado na sila.

May nakita akong wishing star pagtingala ko kanina sa langit habang kinakausap ka, Diary. Wish ko ngayong gabi sa wishing star na yun. Sana makahanap na ng lovelife ang kambal na tigang para hindi ako ang pinag-iinitan nila palagi ng ulo.

Tigang-sa pagmamahal,

Candida Si.

Diary ng tigang-sa pagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon