Tigang 3

95 3 0
                                    

Dear Diary,

Desperada na talaga ako na madiligan si Kipay. Kaya alam mo ba kung anong ginawa ko kagabi Diary? Sabihin mong gusto mong marinig ang kwento ko, kung hindi gugurihan ko ang pahinang ito, wag mo akong subukan.

Mabuti naman at sinabi mong gusto mong makinig sa kwento ko ngayon Diary. Stress pa naman ako kaya gusto kitang kausap.

Yun nga, dahil nalulungkot ako kagabi, binuksan ko ang laptop ko. Nagsearch ako ng mga dating site na pwede kong salihan. Sa swerte naman ay nakahanap ako ng legit na dating site sa internet. Ay di dali-dali akong nagsign up.

Excited na talaga ako na magkaboyfriend Diary, tuwang-tuwa ako pagpasok ko sa dating site na yun. Ang dami ko agad naka-chat unang pasok ko pa lang doon. Mas gwapo pa kay Adonis ang iba tapos may Brazillian pa. Ang laki-laki ng kanya sa picture Diary.

Napapakagat labi nga ako sa tuwing magpa-pop up ang picture nya sa inbox ko. Yun ba namang kalakihan agad nya sa baba ang bubungad sayo. Sige ewan ko naman kung hindi ka mapakagat labi. Iniisip ko nga kung paano kaya yun magkakasya sa Kipay ko, halos kasing laki na ng pusa ang umbok nya, omg!

Ay di chat chat kami Diary, nawewet na nga ako sa pinag-uusapan namin. Ang dami nyang alam na kinky words. Kung itatanong mo Diary kung hindi ba ako nababastos sa pinag-uusapan namin.

Aba syempre hindi ang sagot ko, ano ka ba! E pangarap ko kayang madiligan na. Tapos ang sweet sweet pa nya Diary. Kanina nga nagchat pa sya bago matulog. Ang sabi nya wag daw akong magpalit ng panty para daw wet ako palagi. Di ba ang sweet nya Diary.

Kakamiss kaya ang may nagpapaalala palagi sa akin. Ikaw kasi wala ka namang concern sa akin. Ni hindi ka nga nagogoodnight man lang kapag nagpapaalam ako sayo na matutulog na ako. Nakakatampo ka na talaga Diary ha.

So iyon na nga, paggising nung kachat ko na kinukwento ko sayo. Nag good morning agad sya sa akin. Ang sweet talaga nya, promise! Walang wala kang sinabi sa kanya Diary.

Tapos nagvideo call kami Diary, aba ang putik! Hindi ko nakita ang mukha nya Diary. Alam mo ba kung anong bumungad sa akin sa camera, yung teetee nya na parang mushroom na pink habang bumubuga ng melted vanilla ice cream. Nagulat talaga ako Diary.

Inaamin ko Diary, nagkasala ang mga mata ko. May ilang segundo kong tinitigan iyon. Sa sobrang tigang ko sa —pagmamahal napalunok ako ng sarili kong laway at nasapo ko bigla ang dibdib ko.

Pakiramdam ko pati ako gustong labasan ng melted vanilla ice cream sa Kipay ko. Pero dahil tigang na medyo tumatandang dalagang Pilipina ako. Minura ko yung kachat ko Diary. Sabi ko.

"Putang ina mo, mamatay ka sana sa sarap!" Sabay block ka sa gagong manyakis na yun Diary.

Nangangatal ako sa inis sa kanya, kaya pati account ko sa dating site na yun denelete ko na. Hahanap na lang ulit ako ng dating site na matitino ang member.

Ito nga pala ang pangalan ng dating site Diary Pornhabhab.com. Wag na wag kang dadaan o sisilip man lang sa dating site na yan ha. Matuto ka na sa karanasan ko. Wala kang makukuhang pag-ibig dyan, puro mga manyakis sila at malilibog, promise!

Sya dyan ka na nga, may gagawin pa akong importanteng mahalaga.

PS. Bukas na ang libing ni Aling Pasing. Hindi ko lang alam kung desidido na ba si Tyang Pipita at Tyong Pipito sumama sa patay. Basta't ako si Adonis ang inaabangan ko sa libing. Sana wala syang kasamang hipon.

Tigang— sa pagmamahal,

Candida Si.

Diary ng tigang-sa pagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon