Tigang 13

52 3 0
                                    

Dear Diary,

Kanina maagang nagpunta si bestfriend sa bahay. Dito sya nag-almusal. Pero alam mo ba mapapamura ka na lang sa lukaret kong kaibigan na yan. Alam mo bang hindi na makatingin ng tuwid sa kanya si Tyong Pipito at Tyong Kanor.

Alam mo kung bakit? Tanungin mo ako bilis! Nanggigigil talaga ako sa babaeng yun kanina. Kung di ko lang sya bff baka pinalayas ko na sya kanina dito sa bahay namin.

Akalain mo ba namang ang leggings na suot ng bruha ay kulay light gray na kita na ang Camel Toe ng putragis na babaita na yun! Hiyang-hiya naman si Felix Bakat sa Camel toe nya. Pinagbibihis ko sya ng running leggings na meron ako dahil iyon medyo makapal pero ayaw ng bruha. Doon daw sya komportable sa leggings nya kapag naggigym sya.

"Ano, so ganyan ka palagi kapag naggigym ka?" Nanlalaki ang mga mata na tanong ko kay Sweetania.

"Oo, bakit ba? Dito kaya napaibig si Arturo ko." Pagmamalaki pa sa akin ng bruha.

"Langya ka, mabuti hindi nalilibugan sayo ang mga lalaki sa gym nyan. Halos masipat na yang hiwa mo, tang inames ka!" Reklamo ko sa kanya pero tinawanan lang ako ng bruha at pinisil ang ilong ko.

"Relax bestfriend, Camel toe lang naman ang makikita nila hindi naman yung loob. Tsaka ikaw dapat ganitong leggings ang sinusuot mo para yung mga boys sa gym maakit sayo at ligawan ka na." Nanunuya pang wika nya sa akin.

"Tigilan mo nga ako, anong palagay mo naman sa akin ilaladlad ko ang sukat ng kipay ko sa publiko? Tsaka magmamahal na tunay sa akin ang hanap ko, hindi manyakis na napaibig lang sa camel toe ko. Pambihira ka hindi ka na nahiya kay Tyong Pipito at Tyong Kanor. Sila ang hiyang-hiya sayo, gaga ka!"

"Bakit naman ako mahihiya, ayaw nila nun. Kapag umalis tayo mamaya nakatayo na yung kanila. Ipupwesto na lang kay Tyang Pukendesa at Tyang Pipita mo." Humahalakhak na pagmamalaki pa ng bruha kong kaibigan kanina.

Tapos dapat magtatricycle kami papunta ng gym Diary, pero dahil sa camel toe ng bruhilda kong bestfriend. Nagdecide na lang ako na idrive ang kotse ko kesa naman pagpiyestahan ng mga kalalakihan ang bakat ni Sweetania na akala moy nag-aanyaya sa sinomang makakakita na kumanta ng bubuka ang bulaklak at papasok ang reyna, ganern!

Binibigyan ko rin ng jacket na panakip sa pempem nya ang bruha pero ayaw talaga nya kaya hinayaan ko na lang. 

Bahala sya! Basta ako desente ang suot ko. Hindi ko ata maimagine na magsuot ng leggings na labas ang camel toe. Mahihiya ang langaw na dumapo sa kipay ko pag ganon. Tsaka ang laki kong babae kaya sigurado malaki din ang camel toe ko. Jusko day baka pagkaguluhan pa ako ng mga kalalakihan kapag nagkataon ng dahil kay camel toe na yan.

Tapos pagdating namin kanina sa gym ni Adonis, sapaw ang festicles ko ng dahil sa walangyang camel toe ni bestfriend. Ang lahat ba naman ng tao sa gym sa hiwa nya nakatingin putik na yan. Maging si Adonis ko doon din nakatingin sa halip na sa maganda kong mukha.

Pero move on na tayo sa camel toe ng hitad kong bestfriend, punta tayo sa istorya ko. Si Adonis ko kanina ang naging gym instructor ko. Oh mey ged! Kinikilig talaga ako. Ilang beses nyang hinawakan ang malambot kong kamay. Tapos palagi nya akong inaalalayan at sinasabihan ng be careful and relax lang daw ako.

"Alam mo Adonis para kang paggi-gym?" Banat ko kay Adonis kanina habang inaalalayan nya akong magbuhat ng dumbbell.

"Bakit naman? Dahil ba macho ako?" Sagot ni Adonis na pinakita pa ang muscle nyang namumutok sa laki, uhm yummy!

"Hindi!"

"E ano nga?"

"Para kang paggi-gym kasi kapag nahirapan ka na at napagod. Susuko ka na lang bigla at titigil. Parang pag-ibig mo sa akin bigla mo na lang sinukuan." Banat ko kay Adonis, boom!

Napatanga sya pero agad ding nakabawi at ngumisi. Grabe ang yummy ng ngiti nya at ang dimple nya OMG!

"Ikaw talaga puro ka hugot hanggang ngayon." Tumatawang wika ni Adonis sa akin. "Alam mo ang pag-ibig ko sayo parang batuta ng gwardiya. Tuwid, matigas at matibay!" Banat ni Adonis kaya napakagat labi ako.

Iniisip ko kung ano kayang batuta ang tinutukoy nya. Nawewet tuloy ako. Naisip ko tuloy kahit pala wala akong camel toe pagpasok kanina, siguro napansin din ako ni papa Adonis. Kitang-kita ko kasi kanina na nagulat sya nung makita nya ako na pumasok sa gym nya. Yun nga lang inagaw ni Sweetania at ng camel toe nya ang attention ni papa Adonis ko.

Nasa kalagitnaan na kami ng session namin kanina, ang saya-saya namin ni Adonis kaya lang umeksena ang hipon nyang girlfriend na si Bruhilda kaya ipinasa ako ni Adonis sa kasamahan nya para magtuloy ng pag-iinstruct sa akin.

Aawayin pa sana ako ng bruhilda dahil nadatnan nya na naghuhugutan kami ni Adonis at nagtatawanan. Ganon kasi kami noong magkasintahan pa kami palagi kaming naghuhugutan. Wag kang ano, hugot lines ang tinutukoy ko ha. 

Pero dahil kasama ko si bestfriend agad akong nilapatan ni bestfriend at pinagtaasan nya ng kilay si Hilda. Tila nahiya ang hipong si Bruhilda sa camel toe ni Sweetania dahil pagkababa nito ng tingin sa camel toe ni bestfriend umirap na ito at tumalikod sabay hila kay Adonis papunta ng opisina ng gym nito. Syempre naman siguro naramdaman ng Hilda na yun na sapaw sya kay bff kaya nilayasan na lang kami bigla. Ako lang naman kasi ang kayang inisin ng hipon na yun.

Ang saya-saya ko lang talaga Diary. Kahit sinira ni Sweetania ang mga attention ng mga boys sa akin. Ayos na rin dahil nakasama ko kahit saglit lang ang Adonis ko.

Sya sige na Diary, sobrang sakit ng katawan ko kaya matutulog ako ng maaga ngayon.

PS. Babalik kami ulit ni bestfriend sa gym. Ako ang mission ni camel toe este ni bestfriend. Hindi daw sya babalik ng Manila hanggat hindi ako bumabalik sa dati kong sexy na katawan. Ang main goal daw nya ay maglaway ang mga lalaki sa katawan ko lalo na si Adonis na hipon naman ang girlfriend. Flattered naman ako sa bff ko, kahit hitad sya love na love talaga nya ako at concern sya sa akin. Ipapahanap nga daw nya ako kay Arturo ng Arabo. Para daw magkaasawa na ako.

Dyan ka na nga Diary.

Tigang—sa pagmamahal,

Candida Si.

Diary ng tigang-sa pagmamahalWhere stories live. Discover now