Tigang 7

59 3 0
                                    

Dear Diary,

Di ba sabi ko sayo kagabi parang hindi pa navivirginan ni Mang Kanor si Tyang Pipita? 

Naku, hindi ka maniniwala Diary! Kagabi bigla akong nagising dahil nadidinig ko ang mga boses nilang dalawa. Gustong-gusto ko ngang sumilip sa pinto ng kwarto nila kasi feeling ko sinasaksak ni Mang Kanor si Tyang ng patalim.

"Aray, aray!" Yan palagi ang sigaw ni Tyang kagabi. 

Kaya hindi ko alam ang gagawin ko at hindi ko maintindihan ang mararamdaman ko. Naisip ko nga na baka may karumal-dumal ng ginagawa si Mang Kanor sa Tyang Pipita ko. Kasi naman patigil-tigil yung pag sabi ni Tyang ng aray.

Dinig ko isang saksak isang aray ni Tyang. Naisip ko din agad na baka ninanakawan ni Mang Kanor si Tyang, madami kasi yung pera at alahas sa kwarto nya. Kaya nga walang kasambahay ang pinapapasok nya sa kwarto nya, for safety purposes daw. Sya talaga mismo ang naglilinis sa room nya. 

Tapos laging nakalock ang kwarto nun, ewan ko baka may yamashita treasure sya don. Kaya ayaw nyang ipagkatiwala sa iba ang room nya kahit sa kambal nya. Kulang na nga lang lagyan nya ng gwardya ang labas ng pinto ng kwarto nya na yun.

Tapos maya-maya pa sabi ni Tyang.

"Tang ina Kanor bilisan mo naman ang pagsaksak, ang sakit pag mabagal ang saksak mo!" Sabi ni Tyang na parang gigil na gigil kay Mang Kanor.

Nanlaki ang mga mata ko sa nadinig ko, Diary. Naisip ko bakit naman magmamadaling mamatay si Tyang. Kahit naman tigang yun alam kong ayaw pa nun mamatay. Hindi nga sya sumama kay Aling Pasing e, ako ang pinasasama nya.

"Ano masakit pa ba?" Dinig ko na sabi naman ni Mang Kanor.

"Hindi na." Nadinig ko na namang sabi ni Tyang tapos nagtawanan sila na parang kinikiliti ang matandang dalagang tigang kong Tyang. 

Tapos nagharutan na sila nang nagharutan. Nang mga sumunod, aba hindi na aray ang maririnig mo na sinasabi ni Tyang. Basta hindi ko na ikukwento sayo, alam mo na yun. Kulang na lang talaga tadyakan ko ang pinto ng kwarto ng dalawang yun para tumigil na sila sa kauungol nila. Nakakarindi kaya!

Hindi na talaga ako nakatulog magdamag, Diary. Kaya ang laki ng eye bags ko paggising. Si Tyong ganoon din. Kaya nagtaka sa amin si Tyang Pipita at Mang Kanor kung bakit para kaming mga zombie ni Tyong Pipito.

"Sana oil!" Sabay naming sambit ni Tyong Pipito kaninang umaga. Hindi kami lumilingon kay Tyang at Mang Kanor. Diretso lang kaming upo sa may hapag kainan.

Kumunot ang noo nina Tyang sabay abot sa amin ng baby oil. Ihilot daw namin sa mga ulo namin. Tang ina hindi ata gets nina Tyang at Mang Kanor na pinuyat nila kami kagabi dahil sa kalandian nila at kalibugan.

Tapos nang tumayo si Tyang sa pagkakaupo para kumuha ng tubig sa fridge. Aba ang matandang dalaga na tigang iika-ika ang lakad, hayoop! Navirginan na nga ni Mang Kanor ang tigang na katawang lupa ni Tyang.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng pagkainggit, Diary. Gusto ko na ring maranasan na maglakad ng iika-ika. Tapos yun bang may mag-aalaga sa akin at ipagluluto din ako sa umaga.

Ang sipag naman kasi ni Mang Kanor sa gawaing bahay. Pinaalis na nga nila ang isang katulong namin dahil hayahay lang daw palagi simula ng dumating si Mang Kanor. Tapos ang sweet sweet pa nya kay Tyang.

Hay ako kaya Diary, kailan kaya ako makakatagpo ng isang Mang Kanor. Nawawalan na talaga ako ng pag-asa. Pero bigla akong namotivate nung naisip ko si Tyang at Mang Kanor.

Biruin mo senior citizen na nang madiligan ang kipay ni Tyang Pipita tapos umaapaw pa sya sa pagmamahal ni Mang Kanor ngayon. Hindi ko na nga nakikita na nakasimangot si Tyang ngayon. Palagi syang masaya at nakangiti. Lalo na kapag umaga. At ang bait-bait na nya ngayon sa akin.

Naiinggit talaga ako kay Tyang. Sana all talaga ano?

Sige na Diary, papasok na ako sa grocery store pero pepetiks lang ako. Kasi naman puyat ako ng dahil sa chukchakang naganap kagabi sa kabilang kwarto. Kaya matutulog lang ako sa opisina ko mamaya. Pero promise hindi ko na talaga sinisilip si Adonis sa gym nya. Imbyerna na ako sa kanila ni hipon Bruhilda.

PS. Malapit na ang birthday ko Diary. Punta ka ha? At alam mo naman ang wish ko di ba? Pero sekreto lang muna natin yun. Kasi di ba alam mo naman na tigang na ako kaya alam mong tubig ang kailangan ko para madiligan ang nanunuyot kong puso at hmmp—

Goodnight.

Tigang— sa pagmamahal,

Candida Si.

Diary ng tigang-sa pagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon