Chapter 1

206 59 15
                                    

Maxene's

"Nakatutok ka na naman dyan sa cellphone mo, Max."

"Oo nga. Uso namang kausapin kami dito te. Hindi yung ginagawa mo kaming display."

"Echusera. Kami yung nasa malapit pero bakit parang kami pa yung nakikihati sa oras mo?"

Napakunot ako ng noo dahil sa mga sinasabi nila. Binitawan ko ang phone at nilipat sa kanila ang tingin.

"Seriously guys? Anong dinadrama nyo? Eh ang sabi nyo i-chat ko si Ma'am?" Takang tanong ko sa kanila.

Pero ang mga bruha, in-isnob lang ako.

Pagka-send ko ng message ay nagsimula na rin akong kumain. Wala ni isa sa amin ang nagsalita at balak magsalita.

Ganito kami everytime kapag nasa labas kumakain. Sa fastfoods or restaurants. Pero kapag nasa bahay kami, grabe yung ingay namin kahit nasa hapag kainan.

Uhmm, siguro may hiya pa naman kami sa mukha kaya ganito?

*ting*

Lahat kami ay napatingin sa phone. Kinuha ko ito at tiningnan ang message.

"Good afternoom babe. Don't forget to eat your lunch," basa ko. Agad naman ako napatingin sa mga reaksyon ng kaibigan ko.

Okay, hindi maganda.

"Akala ko reply na ni Ma'am e, hehe."

Aambahan na sana ako ng tinidor ni Morice kaya agad naman akong umilag.

*ting*

Lahat kami ay napatingin ulit sa phone. Akmang kukunin ko to pero pinigilan na nila ako.

"Huwag mo na subukan. Mamaya si Pearsy na naman yan. Dzuh, repect naman sa mga dyosa mong kaibigan?" Pagtataray ni Hazel.

"Dyosa pero single?" Pang-aasar ko sa kanya.

Mukhang napikon naman ito at sya naman ang umamba sa akin ng tinidor. Buti na lang at napigilan nila ito nila Morice at Joena.

Shuxx. Mga kaibigan ko ba talaga to? Ang ha-harsh sa akin. Tssk.

"Please tell your classmates, do not forget to bring their own folder for the exam tomorrow. Tnx."

Napangiwi naman kaming lahat dahil sa message ni ma'am. Midterm na kasi namin bukas, ewan ko ba at para saan pa ang folder eh two sits apart naman lagi. Sa tingin mo makakakopya ka pa non?

Pagkatapos naming kumain ay agad rin kaming nagpaalam sa isa't-isa at kanya-kanyang uwian na. Dumaan muna ako sa puregold para bumili na manga-ngatngat habang nagre-review mamaya.

"Oh ate, nandyan ka na pala. Tamang-tama kakain pa lang kami. Halika na," bungad sa akin ng kapatid ko.

Tumango lang ako dito at dumiretso sa kwarto para magbihis at ilapag ang sangkatutak na mga pagkain. Shet, ubos na naman allowance ko. Wag nga lang maki-hati yung mga langgam sa akin dito.

"Naalala ko palang kakakain lang namin nila Morice. Tssk."

Pinuntahan ko sila papa sa kusina at nagpaalam na hindi na ako kakain. Pumayag naman ang mga ito kaya bumalik na ako sa kwarto.

"Alas dose pa lang? Bakit parang ang bagal ng oras?" Tanong ko sa sarili ko.

Humilata ako at binuksan ang dummy account ko. Tadtad ang notifications nito, messages at friend requests.

Ayy, sana ol.

It's been a year since I made this account. So far, naging masaya at maayos naman ang buhay ko dito sa virtual world. Infact, dito ko pa nahanap ang lalaking minamahal ko ngayon at minamahal ako.

Lovers in Fake WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon