Chapter 24

66 21 4
                                    

Tatlong araw at dalawang gabi na hindi nagparamdam si Pearsy simula nung huling chat namin nung nakaraang gabi.

Kinabukasan ay binati nya pa ako ng 'goodmorning' ngunit matapos non ay hindi na sya nag online pa kinagabihan.

Busy?

Paulit-ulit kong tinatatak yan sa isip ko. Na baka nga busy lang sya. Pero kahit ang utak ko mahirap paniwalain.

Dahil alam kong kahit na busy sya ay nagagawa nya pa ring mag online at magsabi sa akin. Tsaka hindi yon tumatagal ng tatlong araw na walang paramdam.

Tinatadtad ko na ng mga messages pero kahit ni isa ay wala pa rin syang nase-seen.

Yung pag-aalala na naramdaman ko noon sa kung ano mang problema na meron sya, mas doble na yung pag-aalala ko ngayon.

Baka kung anong nang nangyari sa kanya.

O baka natauhan sya bigla?

I have this guts na pilit sinisigaw ng utak ko.

Parang sinasabi nya na kailangan ko nang i-handa ang sarili ko sa kung anong pwedeng mangyari sa pagbalik ni Pearsy.

As if he's going to break up with me.

Abala kaming lahat sa pagc-comply ng requirements namin tungkol sa work immersion. Kailangan daw kasi ng portfolio na may lamang certificate, evaluation, at daily journal since day 1.

Natapos ko na yung daily journal nung isang araw habang hinihintay pa rin si Pearsy tapos kahapon lang namin nakuha ang certification at evaluation kasi kahapon lang rin naasikaso ni Ma'am Daizelle.

Kahapon din ay nilibre na kami nila Sir Michael ng pizza. Doon kami kumain sa canteen nila, pero umuwi rin naman agad kami.

It means, hindi na kami babalik ngayong araw sa kumpanya.

Pinasa na ang namin ang portfolio kasabay pa ang ibang mga kaklase ko na natapos na rin sa work immersion. 

"Magkita na lang tayo mamaya, kukunin ko lang yung laptop sa bahay," ani ko sa grupo ko.

Isa na lang ang p-problemahin namin. 

Ang research paper. Nasa chapter 2 at 3 pa nga lang kami. Tssk.

Pagka-dismiss ay umuwi na agad kami sa kanya-kanyang bahay.

Infairness, ngayon na lang ulit ako naka-uwi ng tanghali. Char! Aalis din naman ako ulit.

Maga-alas dos na ako nakarating sa may 7/11 kung saan ako hinintay ni Adrian.

Si Adrian lang kasi ang ka-grupo ko na kasama ko sa work immersion, kaya naman naging komportable na ako sa kanya.

Sila Morice at Joena naman ay nasa group 2, si Hazel sa group 1 tapos si Mark na nasa group 5.

Pagdating namin sa bahay ni Dave ay kaunti pa lang ang nandoon. Yung iba ay alas-tres na dumating.

Sinimulan naman namin agad ang research pero hindi talaga mai-iwasang may hindi gagawa. Karamihan sa mga lalaki ay naglaro lang ng ML, nanood ng basketball sa youtube at kanya-kanyang trash talk.

Si Sheena na ang pina-type ko sa laptop dahil napapagod na ako.

Alas singko ay napag-pasyahan ko ng umuwi. Oo, ako lang umuwi. Hinayaan ko na sila.

Konti lang din naman ang nagagawa namin e. Diba dapat team work? Kaso nag team work lang sila sa ML. Kaya mas magandang ako na lang ang gagawa mag-isa.

Lovers in Fake WorldWhere stories live. Discover now