Chapter 3

126 54 5
                                    

Umaga pa lang ay nakabusangot na ako habang nakaharap sa salamin at sinusuklayan ang buhok ko.

"Kanina ka pa kasi ginigising, ayaw mong gumising! Mas nauna ka namang natulog kaysa sa akin. Ano te? Masyadong nasarapan sa dreamland?"

Umirap lang ako at hindi na sumagot. Umagang-umaga highblood na naman tong kapatid ko.

Hindi ba dapat ako ang mag inarte kasi nga hindi nya ako ginising? Kahit anong pilit nya sa akin na ginising nya ako, eh kung hindi naman ako nagising aba'y syempre aakalain ko talagang hindi nya ako ginising.

"Bilisan nyo na kumilos dyaan. Mahuhuli na kayo sa klase, kakain pa kayo ng almusal," eksena ni Mama.

Nyii, di uso katok ma? Charot.

"Opo." Sagot naming dalawa.

Antaray, marunong pa palang mag opo tong babaeng to.

Tiningnan ko ang orasan at nakitang 4:55 na ng umaga. Pareho kaming pang-umaga ni Pia, pero magkaiba kami ng eskwelahan na pinapasukan.

Graduating na ako ng senior high, samantalang sya naman ay nasa junior highschool. Sabay kaming umaalis ng bahay pero naghihiwalay lang din kami dyan sa kanto.

Sasakay pa kasi ako ng tricycle papuntang school habang sya ay nilalakad lang yung paaralan nila dahil malapit lang naman.

Nang matapos ako sa paga-ayos ng sarili at ng mga gamit, ay pumanhik na ako sa kusina para kumain.

Hmmmm, tosilog ang menu ngayon ni mama. Tosino na may kasamang itlog.

Habang kumakain ay bigla na lang akong napahinto nang may maalala. Fudgebar!! Hindi ako nakapag-review para sa midterm!!!

-------

"Please put all your cellphones here in front and put all your things at the back. Move. Now!"

Mabilis naman kaming kumilos at nagkanda-ugaga sa pag-surrender ng phone at ng mga gamit.

"Ready your folders."

Kinalabit ko si Morice para hingin sa kanya yung pinabili kong folder. Tinamad ako bumili e.

"Thanks. Bayaran na lang kita mamaya," sabi ko sa kanya pagka-abot nito.

"Wag na." Sagot naman nya.

Oh diba napakayaman? Kaya syempre bilang mabuting kaibigan, hindi na ako tumanggi. Sayang din yung otso pesos. Pamasahe ko na rin yon. Hehe.

"I explained already the rules and regulations. Ang mahuli kong nangongopya at nagpapakopya, automatically zero."

"Yes ma'am." Sagot ng buong klase.

Two sits apart kami at sa likod ako nakapwesto. Hindi naman ako kinakabahan dahil nakapag scan naman ako ng notes kanina pagkapasok.

Kami ni Hazel ang naunang pumasok kaysa sa iba. Alas sais pa lang ay nandito na kami tapos alas otso naman ang start ng exam.  Kaya mahaba-habang oras din yung nalaan ko sa pag scan. Tapos isang oras din ang breaktime mamaya bago mag exam ulit para sa dalawang subject.

Kaya yakang-yaka!! Mwehehehe. Fighting!!

"Just take your time. Mahaba naman ang oras. Kapag tapos na kayo, pwede nyo nang ibigay ang test paper. You may start answering."

Pagkasabi noon ng proctor namin ay nagsimula na rin akong sagutan ang exam.

Wala pang 20 minutes ay natapos ko na. Dinouble-check ko ulit ang mga sagot. Hindi lang pala double, triple pa hanggang sa makontento na ako.

Lovers in Fake WorldWhere stories live. Discover now