Chapter 14

72 25 1
                                    

"Pumunta kayo sa main building namin at hanapin nyo si Ma'am April. May number naman ako sa inyo, ite-text ko na lang yung mga details and schedule kung kailan kayo pwedeng pumunta roon."

"Yes Ma'am."

"Sige. You may now go."

"Thank you po."

Nakahinga kami ng maluwag paglabas ng office ni Ma'am Dazielle.

Hindi naman sa ano, kaso parang naubusan ako ng hangin sa loob dahil sa kaba. Huhu.

"Hays, kailan naman kaya ang final interview?" Tanong ni Hazel sa amin.

Nagkibit-balikat lang ako dahil pare-pareho lang naman kaming walang alam.

"Saan na kayo nyan ngayon?" Tanong naman ni Adrian.

"Uuwi na." Sagot ko sa kanya.

"Where?" Singit ni Mark.

"Sa bahay?" Alanganin kong sagot.

Malamang sa bahay uuwi, saan mo pa ba gusto kaming umiwi Mark? Sa inyo? Charot.

"I mean, saan yung daan nyo?" Paglilinaw nya sa tanong.

"Ahmm sa kalsada?" Alanganin ko pa ring sagot.

Nakarinig naman ako ng nag-tawanan kaya napatingin ako kila Morice. Si Morice talaga ang una kong tiningnan, kasi sya yung may pinakamalakas na tawa. Kabagan ka sana.

"Tara, sabay-sabay na tayo. Haha. Tuleg na naman ata tong si Maxene kaya di nyo maka-usap ng matino." Sabi ni Hazel.

Napanguso naman ako habang tinitingnan sya. Mali ba yung sinagot ko? Tssk.

"Oo nga. Na-stress siguro sa interview. Hahahaha!" Si Adrian.

Umirap na lang ako sa kanya. Di naman masyado. Slight lang.

Nag-antay kami ng jeep na masasakyan. Pare-pareho pala kami ng bababaan. Magkaka-iba nga lang ng daan pauwi sa kanya-kanyang bahay.

Natagalan pa kami dahil kaka-unti lang yung dumadaan na sasakyan dito sa location namin.

"Eh kung lakarin na lang kaya natin?"

"Ang layo dzai. Mas lalo tayong gagabihin nyan."

"Hays."

"Gusto ko na matulog."

"Same. Buti na lang walang assignment bukas."

"Umuwi na kayo agad ha!"

"Ikaw?"

"Maglalaro lang saglit dyan sa comshop sa terminal."

"Sus. Saglit lang daw. Pero yung saglit nila, limang oras."

"Oyy hindi naman. Haha. Wala na akong pera non."

"Ayan na!" Sabi ko sa kanila na abala sa pagk-kwentuhan.

Naghanda na kami at pagkatigil ng jeep sa harapan namin ay mabilis kaming sumakay.

Tiningnan ko ang oras sa phone at nakitang 6:54 na ng gabi. May text na rin sila papa kung nasaan na raw ako.

Nagreply naman ako ng 'pauwi na' kaso 0 balance load na raw. Sorry naman. Poorita ako pagdating sa load e. Hehe.

"Bye guyz!!"

"Ingat kayo!"

"Kayo rin! Kita-kits bukas!"

"Yeah."

"Una na ko."

"Ba-bye!!"

Nagpa-alam na kami sa isa't-isa at naghiwalay na. Ganyan naman lahat e. Kung hindi magkakatuluyan sa dulo, maghihiwalay naman.

Lovers in Fake WorldDonde viven las historias. Descúbrelo ahora