Chapter 21

68 18 0
                                    

Abala kaming lahat sa pag-asikaso ng costume na su-suotin namin sa sayaw sa Foundation Day.

Kailan nga ba ulit yun? Ah oo.. Bukas!

Literal na bukas na men!! Kaya naman nagkakanda-kumahog na kami sa paglalagay ng mga anik-anik dito.

"Oh sino wala pang leggings!?" Sigaw ni Mark.

"Nasa labas pa sila Crizel. Hindi ko alam kung meron na sila." Saad ni Joy.

Dalawang araw na kami walang klase dahil binigyan kami ng oras na makapag-handa. Kaya naman buong oras kahapon ay nag-practice lang kami maghapon.

Hindi na muna kami nagsi-pasok sa work immersion para dito. Ang grupo naman namin ay last 8 hours na lang ang kulang para matapos na namin ang 80 hours na ni-required ng school.

Ang bilis namin no? Pero meron pa mas mabilis dyan. Yung isang grupo mula rin sa section namin ay tapos na.

Kung kami ay 8 hours kada araw, sila ay 10 hours naman. Oh ansabi naman ng admin namin. Bigay na bigay pala sa OJT e.

Hinihintay na lang nila ang certificate na nagpapatunay na tapos na nga sila. Sa amin naman, paniguradong with in next week, maayos na ang lahat. 

"Tara Max, bili tayo sa canteen," aya ni Morice.

Pumayag na ako dahil nakaramdam na rin ako ng gutom.

"Pabili ako biscuit tsaka buko juice, best!" Pahabol ni Joena.

Tumango ako at lumabas na kami ng room. Mamaya ko na lang papabayaran sa kanya, sobra naman yung pera na dala ko.

Halos lahat ay abala sa paghahanda para bukas. Sa mga room na nadadaanan namin ay abala rin sa paga-asikaso ng costume at ang iba ay nagpa-practice.

Bawat section ay iba't-ibang tema ang pagsa-sayaw. Merong hiphop, k-pop, j-pop, at sa section namin na festival dance.

"Ano bibilhin mo?" Tanong ko kay Morice.

"Kahit ano, haha." Sagot nya habang tumitingin-tingin sa mga pagkain na tinitinda.

Bumili ako ng spaghetti, biscuit at dalawang buko juice para sa amin ni Joena. Kay Morice naman ay palabok at buko juice rin.

Mga BJ lovers. Pfft.

"May practice ba?" Tanong ni Paul kay Mark

"Oo, kailangan pa nating linisin yung sayaw e. Sa ngayon, itong costume muna asikasuhin natin tapos mamayang hapon mag-practice sa may park ulit." Sagot naman ni Mark.

Busy lang kami ni Morice sa pagkain dito sa sulok ng room habang pinagma-masdan sila. Merong nagdi-dikit ng abubot sa palda namin, merong nagdi-distribute ng sando at yung silk na ipapatong namin sa pantaas.

Yung iba namang mga lalaki ay nag-kumpulan sa likod at naglalaro ng  ML.

Kung ang foundation day ng ibang school ay ginaganap lang sa mismong school nila, sa amin hindi. Sa mall kami nagc-celebrate. Akala nyo celebrity lang pwede doon? Syempre kami din. Haha.

Hindi na bago sa amin to, dahil nakapag-perform din naman kami roon last year.

Siguro kaya gusto ng owner ng school na sa mall kami dahil maliit lang yung school namin. Hindi nga naman talaga kami kakasya kapag nagsama-sama ang kinder, elementary, junior high at senior high.

Kaming senior high pa lang ay umaabot na ng 3,000 plus. Ewan ko lang yung sa kinder, elementary at junior, tapos yung mga teachers and school stuffs.

Gaya ng sabi ni Mark ay sa park kami magp-practice. Dumiretso na kami doon at hindi na pinayagang umuwi ang kahit isa. Bumili na lang kami ng kung anong pwedeng kainin.

Lovers in Fake WorldWhere stories live. Discover now